Galvert "Itigil nyo na kaya ang pagpapahirap kay Ernest at sa kaibigan namin. Kawawa naman sila. Wala naman silang ginagawa sa inyo." Galit na bulyaw ni Athena kay Enzo Wow! Ngayon ko lang nakita na nagalit si Athena. Madalas kasi ay tahimik lang sya at wala namang reaksyon sa mga bagay bagay. Pero ngayon? Hindi na nya matiis ang nangyayari sa kaibigan nyang si Amara at sa boyfriend nitong si Ernest. Ang kaibigan kong si Enzo ay mukhang tiklop sa babaeng kaharap nya. Wala syang reaksyon sa pakiusap sa kanya ng mahal nyang si Athena. "Wala kang alam Athena. Malaki ang nagawa ng Ernest na iyon kay Galvert!" Galit na sigaw naman ni Enzo. Mukhang nagmamatapang ang isang ito. At aba! Ako pa ang itinuro nya? Nagkibit balikat lang ako ng titigan ako ni Athena. Hindi lang basta titig. Nanlili

