Ernest POV Alam ni Amara kung gaano ko sya kamahal. Alam nya kung gaano sya kaimportante sa buhay ko. Sya lang ang unang babae na nagpatibok sa puso ko. Sya ang unang babae na pinahalagahan ko buong buhay ko pangalawa kay Nanay Perly. Pero may mga bagay na hindi talaga maaaring ipilit. Naging maligaya ako noong araw na sinagot nya ako at masasabi kong sa wakas para sa akin lang ang buong puso at pagmamahal nya. Naramdaman ko naman kahit papaano na sincere ang pagkakasabi nya sa akin na mahal nya ako, na mahalaga rin ako sa kanya. Malambing, maunawain at maasikaso syang girlfriend. Perfect girlfriend sya para sa akin. Ngunit may isang bagay akong napapansin sa kanya sa tuwing nariyan ang presensya ni Galvert. Napapansin ko na tila tumitigil ang mundo nya kapag kaharap na nya ang lal

