Amara Hindi ko pa rin maigalaw ang ibang parte ng katawan ko dahil tila nabugbog ito ng husto dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko. Mabuti na lang at maraming nakaalalay sa akin para sa agarang paggaling ko. Dinalaw na rin ako ng mga kaibigan kong sina Alodia at Athena. Maging sila ay ikinagulat ang katotohanan na ang aking nanay Amanda at ang mommy ni Galvert ay iisa lang ang pagkatao. Pati ang boyfriend kong si Ernest ay halos matulala ng malaman nya ito. Iba pa rin daw magbiro ang tadhana at talagang gugulatin tayo sa nakahanda nitong pasabog. Ilang saglit lang ay dumating si Ernest. Nangiti ako nang masilayan ko sya. May bitbit syang isang supot ng mga prutas para sa akin Hindi nya nakalimutan ang paborito kong kiwi fruits. "Good evening babe." Bungad nya "Good evening." Wika

