I'm gay

1429 Words
Chapter 35 VINCE'S POV "Ikaw ba Vince may mai-sha-share ka ba?" Tanong ni Kiya sa'kin. "Mag kwento ka naman tungkol sa boyfriend mo," sarcastic na sabi ni Marie. Kanina niya pa ako iniinis. Kapag talaga ako napuno ay masa-sabunutan ko na siya "Bakit ba gusto mong malaman kung sino ang boyfriend ko?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya pabalik. "Masama na bang mag tanong ngayon? Tsaka sharing nga diba?" Sagot niya pabalik sa'kin. "Sharing o gusto mo lang ahasin?" Tanong ko sa kaniya. "Aahasin? Baka nga mas gwapo pa ang boyfriend ko kaysa sa boyfriend mo kaya sayo na yung matanda mong jowa," ani niya at inirapan din ako. Sa-sagot palang sana ako ng mag salita si Rey "Marie, stop. Kanina pa kayo nag-aaway, hindi ka ba napapagod?" Yamot na tanong ni Rey sa girlfriend niyang chismosa. Muntik na akong masuka ng mag pout siya. Puta! Akala niya ba bagay sa kaniya? Kadiri "Nagtatanong lang naman," patampo nyang sabi. "Okay, wala na bang ibang mag ta-tanong sa inyo?" Tanong ni Kiya sa mga kasama namin. "Me." Tinaas ni Matty ang kamay niya. Ano naman kaya ang ita-tanong ng baklang balyena na to? "Alam na ba ng parents mo ang lahat? Na bakla ka?" Tanong niya sa'kin. Hindi agad ako nakapag salita. Ano ba ang dapat kong isagot? Dapat ba akong mag sinungaling o sabihin ko ang totoo? Kapag sinabi ko ang totoo paniguradong hu-husgahan lang nila ako at kaaawaan, ayoko naman nun "Tinanggap nila ako. Akala ko nga palalayasin ako pero hindi, tinanggap nila ako at minahal," I lied. "That's good," ani niya. "Tinanggap ka? Kung ako siguro ang nanay mo ay bata ka palang pina-ampon na kita," komento ni Marie habang naka-kapit kay Rey. Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako naiinis sa kaniya at kung hindi pa siya titigil ay may ilalabas akong hindi niya ikatutuwa "Kaso hindi tsaka kung ikaw ang mother ko ay jusko! Sana pinutok nalang ako sa kumot," sagot ko sa kaniya. "Tama na nga yan guys," yamot na saway ni Josielyn samin. Dapat hindi ako ang sina-saway nila, eh. Si Marie dapat. Napaka chismosa kasi, gustong gusto malaman kung sino ang boylet ko. 'Wag siyang mag-alala dahil kapag ako ay nainis pa lalo sa kaniya ay sasabihin ko na sa lahat kung sino ang boyfriend ko "Next na nga," ani ni Cheska. Tumingin ako sa apoy na nasa harapan ko. Habang nakatingin ako sa apoy ay unti-unti ring bumabalik sa ala-ala ko ang nakaraan Nasa trabaho ako ng makatanggap ako ng text message mula sa mama ko. Pinau-uwi nila ako sa bahay kaya kumunot ang noo ko. I tried to call my mom to ask kung anong meron at bakit nila ako pinapa-uwi pero hindi siya suma-sagot. Pinadalhan niya lang ako ng isa pang text message Umuwi ka na ngayon na, bilisan mo Biglang kumalabog ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan kaya tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Pumunta muna ako sa kaibigan kong nasa katabi ko lang na table para magpaalam na kung hahanapin ako ay may emergency lang sa bahay "Sige, sasabihin ko. Mag-iingat ka." Tumango nalang ako at tumakbo na palabas ng building namin. Dumiretso ako sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. Nang umandar ito ay pinaharurot ko ito ng takbo paalis Mabilis akong nakarating sa bahay namin. Pinarada ko lang ang sasakyan ko sa harap ng bahay namin at bumaba. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay namin dahil baka may nangyari na sa parents ko Pag pasok ko sa loob dumiretso agad ako sa living room namin. Doon ko nakita ang mga magulang ko na naka-upo sa couch namin. May hawak na folder si dad habang umiiyak naman sa tabi niya si mom Anong nangyayari? "Mom? Bakit ka umiiyak?"Lumapit ako sa kanila pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila ay tumayo na si dad at binato sa'kin ang folder na hawak niya. "TANGINAMONG BAKLA KA!" Napatigil ako dahil sa sigaw ni dad. P-paano n-niya nalaman? Tumingin ako sa folder na nasa sahig at pinulot ito. Nanginig ako ng makita ko ang mga picture ko noong highschool na baklang bakla ang itsura ko at ang picture ko noong nakaraan na nasa gay bar ako at kasama ang mga kaibigan kong bakla rin Sinong kumuha ng mga litratong to? May sumusunod ba sa'kin? Napa-upo ako sa sahig ng suntukin ako ni daddy "Ano ba, tama na yan!" Tumayo si mommy at pinigilan si daddy. "Pa-aano?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko habang hawak ang mga pictures. "Pina-imbestigahan kita pagkatapos may mag sabi sa'kin na isa kang bakla," sagot ni daddy sa'kin. Napatayo ako dahil sa sinabi niya. "Sino?" "Hindi mo na dapat pang malaman. Binigay namin sayo ang lahat tapos gagaguhin mo lang pala kami!" Napa-upo ulit ako ng sampalin niya naman ako. "Pinagmamalaki pa kita sa mga kumpare ko! Ano nalang ang sasabihin nila sa'kin kapag nalaman nilang bakla ang bunso ko!"Galit na sigaw niya sa'kin. "Matagal mo na pala kaming niloloko!" Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Dumating na ang pinaka-kinatatakutan kong araw, ang araw kung saan malalaman nila na ang bunso nila ay isang bakla "Reputasyon nalang ba talaga ang mahalaga sa inyo? Anak niyo ko! At niloko? Hindi ko kayo niloko!" I shouted crying. Ngayon ko lang nasagot ang mga magulang ko at nasigawan ko pa sila. Wala naman kasi akong ginawa kundi sundin lahat ng utos at gusto nila para sa'kin kahit hindi naman yun ang gusto ko. "Talagang sasagot ka pa!" Sigaw ni dad at lalapit pa sana sa'kin pero pinigilan siya ni mom. "Tama na yan!" Mom shouted while crying. "Walang makaka-alam na isa kang bakla. Tigilan mo na lahat ng kabaklaan na ginagawa mo dahil kapag may nakakita ng ginagawa mo itatakwil kita!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni dad. Pati si mommy ay napatigil dahil sa sinabi ni daddy. "H-hon." Ramdam ko ang panginginig ng kamao ko. Sawang sawa na ako sa ginagawa nilang pagdidikta sa buhay ko. Buong buhay ko ay kontrolado nila. Sa dapat kong gawin, sa dapat na school na pasukan ko at pati sa mga dapat kong kaibiganin. Kaya nga ako naging ganito, dahil pinilit ako ng mga magulang ko na makipag kaibigan sa mga ka-klase kong mataas ang status sa buhay. Pinilit kong makibagay sa kanila, dahil sa kanila natuto akong maging plastik at maging... "Itakwil niyo nalang ako kung hindi niyo din pala ako kayang tanggapin," nanginginig na sabi ko habang nakatingin sa mga mata ng magulang ko. Tinapangan ko ang boses ko, ito ang unang beses na may ginawa ako para sa sarili ko. "Vince," gulat na sabi ni mom. "Matigas na ang ulo mo! Kung ayaw mong makinig sa amin e'di huwag, pero tandaan mo." Matalim akong tiningnan ng ama ko. "Hindi ka na welcome sa pamamahay ko, hindi ka na makakatungtong pa sa bahay na ito! Wala akong anak na Vince at mas lalong wala akong anak na bakla!" Mas lalo akong naiyak sa narinig ko. Ang dali nila akong itakwil, parang hindi nila ako minahal sa loob ng mahabang panahon Tumingin ako kay mom, nagbabakasakaling tatanggapin niya ako pero tinalikuran niya lamang ako "Ano pang tinitingin-tingin mo? Umalis ka na rito!" Binalik ko ang tingin ko sa ama ko. "Kung ayaw nyo sa katulad kong bakla, pwes ayaw ko rin sa pamliyang to!" Tinalikuran ko sila at tumakbo paalis ng bahay na iyon. Simula ng umalis ako ay hindi na ako bumalik pa doon. Wala na akong balita sa kanila o kung paano nila napagtakpan ang pagkawala ko sa mga family gatherings. Simula din ng mawala ako sa poder ng mga magulang ko ay nawala na ang marangya kong buhay. Kaya ko naman kasing pagtakpan ang pagiging bakla ko. Kung wala lang sanang nag sumbong e'di sana ay hindi ko dinanas ang mga kamalasan sa buhay ko. Kapag talaga nalaman ko kung sino ang nagpadala ng pictures na yun sa parents ko ay humanda talaga sa'kin. Ang hula ko ay ibinigay lang sa mga magulang ko ang mga highschool pictures dahil imposibleng makuha pa nila yun. Ang dapat ko nalang alamin ay kung sino ba ang may ganoong litrato "Hoy Vince, bakit ka ba nakatulala diyan?" Nagulat ako ng may sumiko sa'kin. "Bakit? Masama ba?" Yamot na sagot ko kay Cheska. Kawala ng mood! Bakit ba kasi natanong ni Matty yun, eh. "Ang init naman ng ulo mo," ani ni Cheska pero hindi ko na siya pinansin at kumain nalang. Hahanapin ko talaga kung sino yun at ako mismo ang magdadala sa kaniya sa hukay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD