Friends

2024 Words
Chapter 34 Mabilis silang lumapit kay Elize nang bumagsak siya sa buhanginan. Hahaha! Buti nga sa kaniya. Si Samuel lang ang hindi masyadong nag-alala kay Elize, nakatingin siya sa'kin pero hindi ko siya pinansin Lumapit din ako para mukhang hindi ko sina-sadya ang nangyari. Dapat lang sa kaniya yan, kanina niya pa ako bina-bato ng bola kaya ganti ko lang yan sa kaniya Ang daming nag sa-salita kaya hindi agad ako makasingit sa kanila "Guys, sa sobrang dikit niyo sa kaniya, hindi na makahinga si Elize," ani ko sa kanila. Mabilis naman silang umusog papalayo kay Elize. Good, kasi kung hindi pa sila tatabi ay hahatakin ko na sila sa buhok nila "Okay ka lang ba? I'm so sorry," I apologized. "Medyo n-nahihilo lang," sagot ni Elize habang nakahawak padin sa ulo niya. Ang arte diba? "Patulong naman guys, ihiga natin siya dun," sabi ko at tinuro ang upuan na nasa gilid. Mabilis na lumapit si Jeff kay Elize at binuhat siya ng pa-bridal style. Hiniga siya sa lounge chair na nasa gilid "Yelo guys, sabi ni Julie sa mga kasama namin. "Ako na," presinta ni Kiya at tumakbo papasok sa mansion. "Guys, kumalma lang kayo, hindi pa naman mamamatay si Elize so mabuti pa do your own thing," sabi ko sa mga kasama namin. "Oo nga, guys. I'm fine so don't worry," sabi rin ni Elize habang nakapikit. So arte, parang ikamamatay niya yung pagtama ng bola sa ulo niya, eh Nag-aalangan pa ang mga ka-klase namin pero sa huli ay wala naman silang nagawa kundi sundin ang utos ko Maya maya lang ay dumating na si Kiya dala ang yelong pinakuha namin. Kinuha ni Cheska sa kamay ni Kiya ang yelo at siya na ang nag bigay nito kay Elize "Makaka-alis ka na," pabulong na sabi ko kay Kiya habang kinakausap nila Cheska si Elize. "Pero---" I didn't let her finish her sentence. "Just go, we will take care of Elize naman." Nag-aalangan siya pero katulad ng iba naming ka-klase ay sumunod parin naman siya. Duh! Wala naman siyang choice Humarap ako kay Elize at hinawi ang mga kaibigan kong harang sa daan. "Sorry talaga Elize, I didn't mean to hit you," paghingi ko ulit ng paumanhin sa kaniya. "Okay lang yun, accidents happens naman talaga," sagot niya sa'kin habang hawak ang ice. "What can I do para makabawi?" I asked her. "Wala na, sapat na yung tinutulungan niyo ako ngayon." Bakit ba ang hilig niyang magpakabait, ayaw niyang ilabas yung totoong ugali niya "Sure ka ba? Willing naman akong gawin lahat ng favor mo para lang makabawi sayo," I insisted. "Oo nga, Elize. Handa kaming gawin ang favor mo," ani ni Julie. "Sige, manghuli kayo ng isda sa dagat," seryosong sagot niya. Napahinto kami at nagkatinginan dahil sa request niya. What the hell! I won't do that! "Kidding," she said and laughed. Seriously? Wala namang nakakatawa. Argh! Peke kaming tumawa para kunwari ay nakakatawa ang joke niya "Hindi mo talaga kami pghuhulihin ng fish?" Tanong ni Rain kaya napa-iling nalang ako. I really don't know kung bakit kasama siya sa circle of friends namin. "Nga pala, Elize." Yumuko ako at nilaro ang buhangin sa paa ko. "Ano yun?" "I'm sorry, ah. Alam mo na, for being a btch noong highschool tayo," sagot ko. "Oo nga, sorry Elize," ani rin ni Julie. Hanggang sunod-sunod ng mag sorry sila Cheska, Vince, Ariel at Matty Tumingin kami kay Rain dahil nakatahimik lang siya at walang sina-sabi Siniko siya ni Matty kaya napatingin siya dito "Hindi ka ba mag so-sorry kay Elize?" Tanong ni Matty sa kaniya. "Ahh, oo nga sorry," sabi ni Rain kay Elize. Tsk, panira siya! "Napaka immature namin dati," Vince said. "Sana mapatawad mo kami Elize," ani ko din. "I don't know kung bakit ko nagawa yun. Pasensya ka na talaga kung nasira ang highschool life mo dahil samin," I added. "Wala na yun. Matagal ng tapos," sagot niya samin. "Pero yung sugat alam naming nandyan padin," Cheska said. "Wala nam. Matagal na akong naka move-on. Hindi kasi ako aangat kung patuloy akong titingin sa nakaraan. Natapos naman na yun kaya dapat ng kalimutan," Elize answered. "Tama ka naman, hindi tayo makakapag move forward kung patuloy tayong titingin sa nakaraan. Pero kahit matagal na ang nakalipas gusto ko paring itama lahat ng nagawa ko, can we be friends?" Tanong ko sa kaniya. Hindi agad siya nakapag salita. Siguro na schock. Sino ba namang hindi, Jayne Rosales nakikipag kaibigan sa katulad niya "Sure," nakangiting sagot niya pagkatapos ng ilang segundong pagtulala sa'kin. "Really?" Masayang tanong namin sa kaniya. "Yes." Elize nods her head. "OMG thank you!" Ani ni Vince at yumakap kay Elize. Yumakap narin kami sa kaniya bilang pag welcome namin sa kaniya I smirk. She's really stupid, akala niya ba talaga gusto namin siyang maging kaibigan? "Ano naman yun?" Tanong ni Jeff sa'kin. Ngumiti ako at nilabas sa bulsa ko ang gamot "Ipapainom natin sa kaniya to," sabi ko at pinakita sa kanila ang gamot na kinuha ko sa bulsa ko. "Ano yan?" Tanong ni Jeff at kinuha sa kamay ko ang hawak kong gamot. "Pampataas ng libido," sagot ko sa kaniya. "Omygosh!" Tinakpan ni Julie ang bibig niya dahil sa gulat. Halata sa mata nila ang excitement ng makita ang gamot. Sino ba namang hindi? Pare-parehas kaming may galit sa kaniya Seryoso lang na tiningnan ni Jeff ang gamot na hawak nita tapos ay binalik rin sa'kin agad "So, what? Game ka ba or hindi?" Tanong ko sa kaniya. Hindi agad siya suamgot. Mukhang pinag-iisipin niya pang mabuti "Game!" "YES!" Sabay-sabay na sigaw namin nang marinig namin ang sagot niya. "Kelan natin gagawin?" Tanong niya. "Pagbalik natin sa Manila," sagot ko sa kaniya. "Bakit hindi pa bukas?" Tanong ni Rain. "Boba ka talaga Rain, e'di baka ipapatay pa tayo ni Elize kapag dumating ang mga bodyguard niya," sagot ni Matty. "And baka makuha niya pa ang evidence mula sa'tin kung bukas natin gagawin ang plano. Mas maganda kung pagbalik na natin sa manila dahil kung makuha niya man ang evidence, marami pa rin tayong copy and kung ipapatay niya tayo ay pwede parin nating ilabas yung video," I explained to Rain. "Papatayin tayo ni Elize?" Takot na tanong niya. Napa-ikot ang mata ko dahil sa inis. She's so boba, tanga and no brain! My god! "Just shut up," mahinanong ani ni Ariel sa kaniya. "Kaya nga kailangan natin siyang kaibiganin para malaman natin kung sino ba talaga ang fiance niya at para mas madali nating magawa ang plano natin sa kaniya," dugtong ko. "Ako lang ba?" Tanong ni Jeff. "May gusto ka pa bang isama?" Tanong ko pabalik sa kaniya. "Mas marami mas maganda," nakangising sabi ni Cheska. "Sila Joseph, si Collins," he answered. "Okay." Tumango ako. "Anyway, pag-usapan na natin yung iba pang details," excited na sabi ko sa kanila. I can't wait na maka-uwi sa Manila! Pagkatapos naming mag swimming ay bumalik na kami sa mansion para mag bihis. Gusto kasi nilang gumawa ng bonfire mamayang gabi Pag pasok naming apat sa loob ng room namin ay napatili agad kami dahil sa tuwa "Gumana!" Mahinang sigaw ni Cheska. "Alam niyo guys, akala ko nung una hindi gagana kasi naman diba, nagbago na siya so akala ko hindi na siya bobo pero pinakita niya lang satin na mali ang akala ko. Bobo padin siya, akala niya ba we like her to be in our circle? Like, eww. No," tumatawang sabi ko. "Trulalu. Ang bobo talaga ay..." Huminto si matty at tumingin samin. "Mananatiling bobo!" Sabay-sabay na sabi namin at tumawa. She will regret na pinagkatiwalaan niya kami. Well, hindi naman namin kasalanang ta-tanga tanga siya no ___ Pagkatapos naming mag shower at magpalit ng damit ay bumaba na kami sa dining are para kumain ng dinner. Ghad! I'm so hungry, masyadong napagod ang katawan ko sa dami ng activities namin ngayon "Okay na ba ang ulo mo Elize?" Tanong ni Nelson kay Elize. "Baka nahihilo ka?" Tanong din ni Jasmine sa kaniya. Omygosh! Pwede bang kumalma sila? She's not going to die pero kung maka-asta sila ay parang ikamamatay niya na tinamaan siya ng bola sa noo niya "I'm fine, nagkaroon lang ng konting bukol," nakasimangot na sabi niya habang hawak ang noo niyang nabukulan. You deserve it Elize! "Sorry talaga." Lumapit ako sa kaniya at humingi ng sorry sa pang sampung beses. Kanina pa ako nag so-sorry sa kaniya pero no choice, I need to be kind sa kaniya. "Pang ilang sorry mo na yan Jayne, okay nga lang. Tsaka natamaan din naman kita so quits lang tayo," sagot niya sa'kin. Hindi ko alam kung nang iinis ba ang ngiti niya o sadyang naiinis lang ako sa mukha niya? "Guys, let's pray muna bago kumain," ani ni Jayzie samin. Tumayo ang iba naming mga kasama na naka-upo na para makapag start na kaming mag pray Si Jayzie na ang nag lead ng prayer dahil siya din naman ang naka-isip. After naming mag dasal ay nagsimula na kaming kumain "May dala ba kayong chips?" Tanong ni Jasmine samin. "Hindi pa nga tayo tapos mag dinner yan agad iniisip mo?" Nang-iinsultong tanong ni Sheyn kay Jasmine. "Tinatanong ko kayo dahil masarap kumain ng chips sa harap ng bonfire," kunot noong sagot ni Jasmine kay Sheyn. "May binaon ako," sagot ni Kiya. "Ako rin," sagot rin ni Maris. Halos lahat samin ay may baon kaya hindi kami mauubusan "May stock din naman ako ng chips dito so hindi tayo mauubusan," Elize said. "Ipapakita ko sa inyo ang pantry mamaya," dugtong niya. Magyayabang na naman siya. Pero sabagay, huling week niya ng makakapagyabang dahil pagbalik namin sa Manila ay mawawala na sa kaniya lahat ng meron siya ngayon May naramdaman akong nakatingin sa'kin kaya nilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko. Nagawi ang tingin ko kay Maris na nakatingin sa'kin Tsk, problema ko pa pala siya. Syempre hindi ko ibibigay sa kaniya ang hinihingi niya. Ano siya sinu-swerte? I need to make her mouth shut. Panghabang buhay na pananahimik Pagkatapos naming kumain ay gumawa na ng bonfire silaJeff sa labas samantalang kami ay kumukuha ng pagkain "Saan yung pantry Elize?" Tanong ni Jasmine. Patay gutom nga naman "Sumunod kayo sa'kin," sagot niya at naglakad papasok sa kusina. Malaki ang kusina at malinis. May mga cabinet din sa gilid and I think nandoon nakalagay ang mga pagkain or yun ang pantry na sinasabi ni Elize Hindi naman ako nagkamali kasi binuksan yun ni Elize at tumambad samin ang mga pagkain. Maraming chips at canned foods sa loob ng cabinet "Ang dami," manghang sabi ni Jasmine habang nakatingin sa mga pagkain na nasa harapan niya. "Kung nagutom kayo mamayang gabi pwede kayong bumaba para kumuha ng food," Elize said. "Kumuha na tayo ng pagkain tapos tumulong tayo sa boys na gumawa ng bonfire," sabi ni Josielyn at nag simula ng kumuha ng chips and other snacks. "May basket ka ba Elize?" Tanong ni Joy. "I think may nakita ako dito." Lumakad siya papunta sa mga cabinet para hanapin ang basket. Nakita niya ito sa pinakadulong cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit? I don't know pinanood ko lang naman siya habang nagha-hanap. Binigay niya kay Joy ang nahanap na basket. Dito nila nilagay ang mga food na kinuha nila. Si Jasmine ang may pinakamaraming nakuha. Kung hindi pa nga siya patigilin ni Jelly ay baka inubos niya na ang nasa pantry. Apaka patay gutom! Nakakahiya siya Pumunta na kami sa mga boys pagkatapos naming kumuha ng foods. May alak din sa pantry ni Elize kaya naisipan naming inumin narin yun ngayon pero konti lang ang dinala namin para hindi kami malasing. Tapos na ang bonfire kaya na-upo na kami sa harapan nito. Si Elize ang katabi ko dahil duh! I need na dumikit sa kaniya para sa plano namin "Guys, since matagal tayong hindi nag kita-kita, iinterview nalang natin ang isa't-isa. Mag share ng problems ganun," Kiya suggested. Puro lang naman kasinungalingan ang lalabas sa bibig ng mga ka-klase namin. Hindi pa ba siya nauumay dun? Dahil wala naman kaming magawa ay sumang-ayon ang mga ka-klase namin. Oh well, I think wala na akong choice kundi makinig sa mga kasinungalingan nila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD