Chapter 33
"Hindi ka ba sasali Jelly?" Tanong ni Sheyn sa kaibigan niya.
"Hindi na, i-cheer ko nalang kayong dalawa," sagot niya.
"Wala na bang sasali sa inyo? Kayo boys? Ayaw niyo ba?" Tanong ni Cheska sa iba pa naming nga kasama.
"Oo nga, ayaw niyong jumoin?" Vince also asked.
"Manonood nalang kami," Samuel said.
"Oo nga, mas masaya yun kaysa maglaro," ani rin ni JP.
"Paano pala yung net?" Tanong ko.
"Line nalang siguro. Hindi ako nakapagdala ng net, eh," sagot ni Maris sa'kin.
"Okay."
"Pili na kayo ng partner niyo. Jayzie tayong dalawa?" Tanong ni Maris kay Jayzie.
"Sige."
"Me and Julie," Jayne said.
"Kaming dalawa ni Eyra," nakangiting sabi naman ni Thalia.
"Tayo nalang mag partner Cheska," sabi ni Ariel sa kaibigan niyang si Cheska.
Tumango lang si Cheska at hindi na sumagot dahil kumakain siya ng ubas
"Miggy, mare. Tayong dalawa?" Tanong ni Vince kay Miggy.
"Sure, bet ko yan!" Sagot naman ni Miggy sa pinaka matinis niyang boses.
Ang sakit sa tenga
"Ikaw Elize? Sinong partner mo?" Tanong sa'kin ni Jayne.
"Uhm." Tumingin ako sa natitirang wala pang ka-group. "Si Kiya nalang."
"Okay, no choice na kayo Marie at Josielyn. Kayo ang magka-group," sabi ni Maris sa dalawa.
"Ano pa nga ba," yamot na sabi ni Marie.
"You know naman kung pano mag volleyball right?" Tanong ko kay Kiya.
"Oo pero hindi ako magaling," sagot niya sa'kin.
"Don't worry kasi hindi din naman ako magaling," I retorted.
"Sino magka-kalaban?" Tanong ni Julie.
"Ganito nalang, Collins!" Tinawag ni Jayzie si Collins.
Mabilis namang lumapit si Collins sa kaniya. "What?" Tanong niya.
"ikaw ang pipili ng number namin. One to four lang ha. Ibubulong mo samin ang number namin then kami ng bahalang pumili ng number at kung sino ang number na yun. Yun ang kalaban namin. Gets niyo ba?" Tanong ni Jayzie.
"Medyo magulo," sagot ni Thalia.
"Gets ko," I said. "Bibigyan tayo ng number ni Collins from one to eight then pag may number na tayo tsaka tayo pipili ng number except sa number na binigay satin, na magiging kalaban natin. For example, I chose number three. Tapos sila Maris ang number three edi sila ang kalaban namin," I explained. I hope nakuha na ng maliit na utak nila ang ibig kong sabihin.
Puro lang talaga sila looks pero wala namang brain
"Game na Collins," sabi ni Maris kay Collins.
Unang binigyan ni Collins ng number ay sina Maris then sunod sila Yassy then sila Eyra tapos sila Ariel, tapos sila Vince, sunod si Marie, sunod sila Jayne at kami ang panghuli
"Mauna na kami. Ang number namin ay 4 at ang gusto naming kalaban ay sina number 2," sabi ni Jayzie.
"Tayo yun," Sheyn said.
"Dito tayo." Naglakad si Maris sa gitna at gumawa ng line sa buhangin.
Pumunta kami sa gilid nila para panoorin ang laban nila
"Go mga sister!" Sigaw ni Jelly sa dalawang kaibigan.
"Paunahang maka 7 points lang," Jayzie said.
"Okay!" Sagot namin sa kaniya.
Hinagis na ni Maris ang bola papunta kila Yassy pero mabilis nila itong nasalo kaya bumalik ito kila Maris
Mygosh! This is exciting
Naunang magkaroon ng points sila Maris dahil magaling silang dalawa
"Go, mga beshy!" Jelly shouted.
Ilang minuto lang ang tinagal ng laban nila dahil hindi naman marunong si Yassy at Sheyn. Hindi nga sila nagkaroon ng points, eh
"Congrats," binati namin sila Maris.
"Anduga," nakasimangot na sabi ni Sheyn.
"Paano naging maduga? Hindi naman kayo marunong," Jayzie said and laughed.
"Oo nga naman. Iwasan daw ba yung bola amputa," ani rin ni JP at tumawa.
"Tse! Akala niyo naman super galing niyo." Inirapan ni Sheyn sila Jayzie at tumalikod.
Hay nako! Hindi alam ang friendly game. Gusto talagang laging nananalo
"Kami na next," sabi ni Thalia at lumapit sa harapan. "Number 7 kami at ang gusto naming makalaban ay number 3."
Tumayo sila Cheska mula sa kinauupuan nila.
"Pwesto na," sabi ni Maris na nasa gitna habang hawak ang bola.
Pumwesto na sila Thalia, Eyra, Ariel at Cheska. Binigay ni Maris ang bola kila Cheska at umupo na ulit sa tabi namin
Chineer lang namin sila katulad ng ginawa namin kanina. Mas matagal ang naging laban nila kumpara sa laban nila Maris dahil parehas silang marunong pero sa huli ay nanalo parin sila Thalia
"My gosh, natalo kayo," sabi ni Jayne sa dalawang kaibigan.
"Ang hirap kaya nilang kalaban," yamot na sagot ni Ariel sa kaniya.
"Or losers lang talaga kayo," asar ni Thalia sa kanila.
"Wag kang mayabang, one point lang ang lamang," sagot ni Cheska sa kaniya.
"Nahawa ata sa boyfriend niya," Ariel said.
"Ano?" Kunot noong tanong ni JP sa kaniya.
"Hayaan mo na siya, baby," awat ni Thalia sa kaniyang nobyo.
"Ang galing mo babe," anni ni Jeco at hinalikan sa labi si Eyra.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanila. Buti at hindi pa sila nagkaka-HIV, sa sobrang landi ni Jeco for sure marami na siyang naikamang babae
Pagkatpos nilang maghalikan ay may binulong si Eyra sa boyfriend niya
"Guys, samahan ko lang si Eyra. May kukunin daw sa loob," sabi ni Jeco at hinatak si Eyra papasok sa loob ng bahay.
"Kahit saan talaga sila tamaan ng libog," Jelly said.
"Wala naman ng bago dun," Sheyn said.
"Tsaka nagiging adventurous lang naman sila," ani rin ni Yassy sa kaibigan niya.
"Siguro hindi mo pa na ta-try yun no?" Tanong ni Miggy sa kaniya.
"Conservative ako," sagot ni Jelly kay Miggy.
"Maglaro na tayo. 'Wag niyo ng pag-usapan ang dalawang yun," singit ni Vince at kinuha ang bola. "Number 1 kami and ang gusto naming makalaban ay ang number 6."
"What a coincidence," sabi n Marie sabay tayo.
Omy! Sila ang magkalaban!
"Ow, mukhang gaganahan ako sa larong to!" Masayang sabi ni Vince.
"Tingnan ko lang kung maging masaya ka kapag natalo ka," sagot ni Marie sa kaniya.
"Matatalo daw tayo Miggy." Tumingin si Vince kay Miggy.
"Alam mo girl, asa!" Sabay na sigaw nilang dalawa at tumawa.
"Tama na yan. Game na," awat ni Maris sa kanila.
Nag serve na agad si Vince kahit hindi pa handa sila Marie kaya natamaan si Marie sa braso
"Ouch!" Sigaw niya.
"Loser!" Asar ni Miggy at Vince sa kanilang dalawa.
"Go Vince!" Sigaw ni Rain.
"Go mahal!" Sigaw ni Rey.
Chineer namin sila Vince. Tuwing magkakapoint sila Vince ay nag po-pose pa sila para mas lalong maasar si Marie. Sa huli ay sina Vince ang nanalo dahil mas magaling naman talaga sila Vince kaysa sa kanila
"Sinong loser ngayon Marie?" Pang-asar na tanong ni Vince kay Marie.
"Wala ka paring boyfriend kaya panalo padin ako," sagot ni Marie at lumapit kay Rey.
"Jusko, loser sa volleyball hindi sa love life. Ang desperate mo naman at ginawa mo pang pang-asar ang pagkakaroon ng boyfriend. Ang fyi lang ha, I have a boyfriend," sagot pabalik ni Vince kay Marie.
"Really? Sino naman?" Marie cross her arms.
May boyfriend pala si Vince?
"Oo nga sino?" Tanong ni Rain kay Vince.
"Nako baka gawa-gawa niya lang," ani naman ni Matty.
"Stop, tigilan niyo na nga kaka-away niyo. Ang sakit niyo na sa ulo. Mabuti pa maglaro nalang tayo. may last team pa diba?" Saway ni Rey sa kanila.
"Mamaya na, gusto ko pang malaman kung sino ang boyfriend ni Vince," sagot ni Jayne kay Rey.
"Malapit ng lumubog ang araw," sagot ni Rey pabalik sa kaniya.
"Matagal pa, 'wag kang OA," Julie answered.
"Guys, mamaya ko nalang sasabihin okay?" Sagot ni Vince kila Jayne.
"Isa nalang kalaban mo Jayne," sabi ni Maris at tumingin sa'kin. "Si Elize."
Tumingin din sa'kin si Jayne. "Kayo na nga lang pala ni Kiya ang natitira," Jayne said to me.
"Yes," nakangiting sagot ko sa kaniya.
Sino kaya ang mananalo saming dalawa?
Natahimik kaming lahat pero binasag din agad ni Julie ang katahimikan
"Maglalaro ba tayo o tatanga?" Tanong niya.
Pumwesto na kami sa gitna. Nasa kanan ako at si Kiya ay nasa kaliwa. Nakila Jayne ang bola kaya ng ihagis nila ito papunta sa amin ay nag simula na ang laro
"Go Elize!"
"Go Jayne!"
"Kaya mo yan Elize!"
Hindi namin sila hinahayaang maka-points. Kahit pa malayo na sa'kin ay talagang hinahabol ko ang bola para hindi sila magkaroon ng point
Gumawi kay Kiya ang bola at dahil mabilis ito ay hindi niya na ito nasalo
Lumingon agad sa'kin si Kiya. "Sorry," hingi niya ng paumanhin.
"That's okay," sagot ko sa kaniya.
Binato ko na ulit ang bola papunta sa kanila pero naharang nila ito at binalik samin. Tumalon ako at hinampas ang bola pabalik sa kanila. Sa bilis ng bola hindi na ito nailagan ni Jayne kaya tinamaan siya sa braso niya
"Ouch!" Sigaw niya.
"Omy! Sorry," mabilis na sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
Lalapit na sana ang mga ka-klase namin pero nag salita si Jayne. "I'm fine." Pinulot niya ang bola at hinagis ito samin. Mabilis ang reflexes ko kaya naibalik ko sa kanila ang bola.
Ilang minuto pa kaming naglaro. Lagi kong natatamaan so Jayne at Julie. I try ko kayang tamaan siya sa mukha?
Tumalon si Jayne at hinampas ang bola pabalik samin. Mabilis ang bola kaya hindi ko ito naiwasan. Tumama ang bola sa noo ko kaya napa-upo ako sa buhangin
"My head," daing ko habang nakahawak sa ulo ko.
"ELIZE!" Lumapit agad sa'kin ang mga ka-klase ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong agad ni Kiya sa'kin.
"May masakit ba sayo?" Tanong naman ni Jeff.
"Kailangan mo ba ng yelo?"
"Bakit mo naman siya tinamaan Jayne!"
"Elize namumula ang noo mo."
"Elize okay ka na ba?"
"Kilala mo pa ba kami?"
Sa dami ng nagsasalita, hindi ko na alam kung kaninong boses yun. Argh! I'm sure sinadya ni Jayne yun! Sana pala inunahan ko na siyang tamaan sa mukha, kung alam ko lang na mangyayari to