Volleyball

2410 Words
Chapter 32 Hindi na muna ako pumasok sa room at tumambay lang dito sa likod. Lagi na talaga akong nauunang lumabas at nahu-huling pumasok dahil iniiwasan ko ng maiwan kasama sila. Alam ko namang bad idea lang yun Maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ng mga ka-klase kong pumapasok sa loob ng room namin. Hindi muna ako pumasok, hinintay ko muna si ma'am bago ako pumasok. Pag upo ko sa upuan ko napatingin agad ako kay Sheyn. Naalala ko kasi ang narinig ko na usapan nila Yassy at Jelly kanina Kawawa naman siya. Hindi niya alam na sobra na palang naiinis sa kaniya ang dalawa niyang kaibigan Nanlaki ang mata ko ng mapatingin siya sa'kin. Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan kaya iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya. Ang sungit niya talaga kahit kailan "Yes," sagot ko kay Kiya. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila. "Tingin mo ba nagbago yung ugali nila?" Tanong ko sa kaniya. "Parang," mahinang sagot niya. I guess nahihiya siya sa kademonyohan ng mga ka-klase namin "Yeah, bumait sila sa'kin because I have money, fame and everything that they wish they have." Umupo ako at tumingin sa kaniya. "Pero kung ako parin yung dating Elize, tingin mo ba they will treat me as a human?" Tanong ko sa kaniya habang diretsong nakatingin sa mata niya. Hindi agad siya nakasagot kaya tumayo na ako at hinawakan siya sa balikat niya "I don't think they change. Parang mas lumala pa nga sila," binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago mag lakad papunta sa dagat. ___ Ilang oras din ang lumipas. Puro kami kain at swimming. Napagod na nga ako kaya naka-upo nalang ako sa buhanginan habang pinanonood sila "Ayaw mong sumali?" Napatingin ako sa taong nakatayo sa gilid ko. Si JP. "I'm tired pa, eh," sagot ko sa kaniya. "Sabagay, nakakapagod nga namang itulak ng dagat ng paulit-ulit," he said. "Yeah," tipid na sagot ko sa kaniya. Wala akong energy na makipag-usap dahil nagba-bawi pa ako ng lakas "Here, baka sakaling bumalik ang lakas mo." Inabot niya sa'kin ang tubig na hawak niya. "No, thanks. Gusto ko lang talagang magpahinga ngayon. Anyway, bakit ka pala nandito. Nandun si Thalia." Tinuro ko ang gawi nila Thalia. Nag pi-picture sila. May dala naman kaming camera kaya nakakapag picture parin kami kahit wala kaming cellphone. Speaking of cellphone, baka nag text na sa'kin ang fiancè ko "Gusto ko ring magpahinga muna." Umupo siya sa tabi ko. "Nga pala, kamusta buhay?" Tanong niya sa'kin. "Busy but happy," sagot ko. "Ikaw? How's life with Thalia?" Tanong ko sa kaniya. "Okay naman, napansin ko lang. Madalas niyang tingnan si Jeff." Kunot noong sabi niya habang nakatingin sa dagat na nasa harapan namin. "Baka naman lahat kami tinitingnan niya pero hindi mo lang napapansin?" Tanong ko sa kaniya. Kumibit balikat siya. "Baka nga. Nga pala Elize." Tumingin siya sa'kin. "Sorry, ah. Sa mga nagawa ko dati." Kumamot siya sa braso niya at yumuko na parang nahihiya. "Naki-go with the flow lang naman ako sa mga ka-klase natin." Hindi agad ako nakapag react sa sinabi niya. Should I be happy? Kasi nag sorry siya? "Wala na yun. Matagal ng natapos tsaka siguro naman kinarma kayo diba?" Napatingin siya sa'kin dahil sa sinabi ko. "Joke lang." Ngumiti ako ng malawak at tumayo. "Kain na muna ako," paalam ko sa kaniya at nag lakad papunta sa lamesa kung nasaan ang pagkain namin Napahinto ako sa paglalakad sa hallway ng makita ko ang mga students na may pinagkakaguluhan. Anong nangyayari? Lumapit ako sa mga students na nagku-kumpulan at tiningnan ang pinanonood nila. May nakaluhod na lalaki sa harapan ni JP. Wala man lang gustong tumulong sa lalaki. Lahat ay nanonood lang at nag-uusap Ano pa bang bago? Takot naman talaga sila sa mga ka-klase ko dahil bukod sa ka-klase namin si Jayne na may malaking donation dito sa school ay may mga donation din ang iba kong ka-klase pero maliliit lang compared sa donation nila Jayne na building, mga upuan at iba pang gamit. Kaya nga may isang room dito sa school na nakapangalan kay Jayne "Alam mo ba kung magkano ang sapatos ko?" Inis na tanong ni JP sa lalaking nasa harapan niya. "Sabagay, paano mo nga pala malalaman, eh hindi mo naman kayang bumili ng ganitong sapatos." Hinampas niya ng libro ang lalaking nasa harapan niya sa ulo. "Bukas na bukas gusto kong bayaran mo tong sapatos ko. Sampung libo ang sapatos ko pero may awa pa naman akokaya bibigyan kita ng discount. Limang libo, kung hindi mo maibibigay bukas sa'kin bukas ang pera ko. Alam mo na kung ano ang mangyayari sayo." Sinipa niya sa mukha ang lalaking nasa harapan niya at naglakad paalis. Ang yabang niya talaga. Akala niya lahat ay mabibili ng pera. Matapobre rin siya katulad ng mga iba ko pang ka-klase Sumiksik ako sa kumpol ng mga students para hindi niya ako makita dahil baka pag initan niya rin ako kung makikita niya ako Tumingin ako sa lalaki bago mag lakad paalis. Siguro katulad ko, takot din silang mag sumbong sa mga magulang nila. Yung ibang parents kasi dito ay nag tra-trabaho sa company nila Jayne. Habang tumatagal ako sa school nato mas nakikita ko kung gaano kahalaga sa kanila ang estado mo sa buhay. Kung wala kang pera, magiging loner ka. Sabagay, mas okay yun kaysa may kaibigan ka nga, plastic naman Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin ang paang nakaharang sa dadaanan ko kaya napatid ako dahil dito Narinig ko ang malakas na tawanan nila Thalia. Tumingin ako sa kaniya at sa kasama niyang si Eyra "Siguro iniisip mo kung paano ka gaganda no?" Tanong ni Eyra sa'kin. "Wake up nerdy. Himala nalang magpapaganda sayo," ani rin ni Thalia. Tumayo ako at hindi na ako nag-abalang pagpagan pa ang damit ko. Bago pa ako makapag salita ay narinig ko na ang boses ni JP "Baby." Sa tono palang ng boses niya halatang bad mood siya. "Bad mood ka ata?" Tanong ni Thalia sa kaniya. "May tumapak kasi sa sapatos ko, eh," inis na sagot niya at tumingin sa'kin. "Tamang tama, ka-uri lang naman ni Elize ang tumapak sa sapatos ko." Sinamaan niya ako ng tingin na parang ako yung nakatapak sa sapatos niya. "Aalis na ak--" Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay hinatak na ni JP ang braso ko. "Salot talaga kayo sa lipunan no? Bakit kailangan niyo pang mabuhay?" Tanong niya sa'kin. Yumuko lang ako at hindi sumagot. Ganito naman lagi, wala akong boses sa paaralan na to dahil wala akong pera at scholar lang ako dito "Alam mo bang kabibili ko lang ng sapatos na to? Pero tingnan mo kung anong nangyari." Tinulak niya ako pa-upo kaya napasalampak ako sa sahig. "Tingnan mo." Nilapit niya sa mukha ko ang sapatos niya kaya nilayo ko ang mukha ko dito. "Mas mahal pa ang sapatos na to kaysa sa bahay niyo." "Alam mo baby, I have a nice idea," masayang sabi ni Thalia. "Bakit hindi natin ipa-dila kay Elize yung dumi?" Thalia suggested. Tumingin sa'kin si JP kaya mabilis akong tumayo at tatakbo na sana paalis pero nahawakan ako ni Jp sa braso ko Mabilis akong umiling. "Aalis nako JP," sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. "Dilaan mo muna yung sapatos ko." "W-wala naman akong kasalanan s-sayo. Pakawalan mo na ako," sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Sa kakatanggal ko ng kamay niya sa braso ko ay nakalmot ko na siya "Aray!" Daing niya. Hindi na ako nag dalawang isip na tumakbo paalis dun. Hindi ko alam kung bakit ganun qng ugali nila. Ang hilig nilang manapak at manakit ng tao. Hindi na ako magtataka kung kaya rin nilang pumatay "Gusto mo Elize?" Tanong ni Jasmine sa'kin pagdating ko sa table. "Kukuha nalang ako dito," sagot ko at kumuha ng salad. "Elize." tinawag ako ni Collins kaya lumingon ako sa kaniya. "Bakit?" Tanong ko kay Collins. "Gusto mo ba?" Tinaas niya ang hawak niyang barbeque. Bilib din naman ako sa kaniya. Dati kung mandiri siya sa'kin ay para akong may sakit na HIV. Samantalang ngayon ay para siyang maamong tupa sa'kin. Iba talaga ang nagagawa ng pera sa mga tao "No, thanks. Okay na ako dito sa salad," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Sure ka ba? Ayaw mo ba nito? Kanina ka pa nag sa-salad, hindi ka ba nag sa-sawa?" "Hindi naman, sanay na rin kasi akong salad lang ang kinakain," I answered. "Sayang, kami pa naman ang nag ihaw," singit ni Nelson sa usapan namin ni Collins. "Guys, tara mag picture tayo!" Sigaw ni Cheska samin. "Oo nga para naman may souvenir tayo," ani ni Matty. "Tara guys," aya ko sa mga ka-klase naming kumakain rin. Binaba ko muna ang hawak kong pagkain at lumapit kila Cheska. Lumapit narin ang iba naming kasama at iniwan ang ginagawa nila "Girls muna," Kiya suggested. "Oo nga tapos sunod boys then tayong lahat na," Vincent said. "Ang dami niyo namang arte," sabi ni Yuris habang kumakamot sa ulo niya. "Ganiyan naman talaga ang mga babae," Rey said. "Oo nga, maraming arte," sang-ayon din ni Jeco. "Whatever boys." Eyra rolled her eyes. "Kaya nga samin nalang kayo. Hindi kami maarte," ani ni Vince at kumindat kay Rey. "Diba Rey?" Tanong niya kay Rey. "Ano bang pinagsa-sasabi mo diyan Vince?" Kunot noong tanong ni Marie sa kaniya. "Tara na, mag picture na tayo. Mamaya na kayo mag-away," awat ni Jayzie sa namumuong away sa pagitan nila. "Oh bakit kayo sumasali? Babae nga daw diba," sabi ni Thalia kila Miggy, Matty at Vince. "Babae naman kami," sagot ni Miggy sa kaniya. "By heart nga lang," dugtong ni Vince. "Wala kayong kipay kaya lumayas kayo dito. Mamaya pa kayo," pagta-taboy ni Marie sa kanilang tatlo. "Ang arte ng baklang to. Atleast kami kahit walang kipay masarap parin," sabi ni Matty at nag walk out. "True mars! Etong mga babaeng to." Tinuro ni Miggy sila Eyra, Thalia at Marie. "Mga laspag na." Tiningnan naman ni Vince sila Marie at inirapan bago mag lakad papunta sa mga boys na nasa harapan namin "What did--" Hindi pa nga natatapos ni Thalia ang sasabihin niya ay sumingit na ako. "Mag i-picture ba tayo o panonoorin namin ang away niyo?" Inip na tanong ko sa kanila. "Ayan nagalit na si Elize," Jeff said. "Away kasi ng away," ani din ni Nelson. "Ngumiti na kayo. Kukunan ko na kayo ng picture," Samuel said. Nag pose na ako at ganun din ang mga ka-klase kong babae "Ang ganda mo Elize!' Cheer ni Nelson sa'kin. "Grabe parang nag mo-model si Elize," ani naman ni Jeff. Bahagya akong tumingin sa mga kasama ko. Ang iba sa kanila ay halatang naiinis na sa'kin dahil chini-cheer lang naman ako ng mga ka-klase naming lalaki samantalang walang pumapansin sa kanila. Bumaliktad na talaga ang situation namin Mayroon kaming exam ngayon ni Jayzie. Maglalaban kasi kami sa math at ang mananalo ay ang magiging representative ng room namin para sa math quiz bee. Ayoko na sanang sumali pero nalaman kong may mga dadalong malalaking tao sa quiz bee kaya kahit tinakot ako ni Jayzie ay hindi parin ako umatras Buong gabi akong nag-aral para manalo. Kung hindi ako mananalo ay okay lang naman sa'kin pero mas maganda kung mananalo ako Pagdating ng teacher namin ay pinapunta na agad kami sa harapan at binigay ang exam namin "Go Jayzie!" Sigaw ng mga ka-klase ko. "Kaya mo yan Jayzie!" "Class quiet! Hindi na sila nakapag-focus dahil sa ingay niyo," sita ni ma'am sa kanila. "Sorry po ma'am," sabay-sabay na paghingi nila ng paumanhin sa teacher namin. Hindi na sila sumi-sigaw pero bumu-bulong parin sila "Jayzie naniniwala kami sayo." "Go sister." Lahat sila ay chini-cheer si Jayzie samantalang wala man lang pumapansin sa'kin. Mas okay naman ako dun dahil hindi ko naman kailangan ng support nila. Suporta lang ng mga magulang ko, okay na ako Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ay nerd pa ako sa Grim Stone High samantalang ngayon ay isa na akong sikat na model at successful na ceo "Okay na, tayong lahat naman," ani ni Kiya pagkatapos kuhanan ng picture ang boys. "Sino pipindot?" Tanong ko. "Ako nalang," presinta ni Joseph. Tumango ako at pumwesto na sa tabi nila "Dapat nasa gitna ang muse natin. Elize, dito ka," Yuris said. "Oo nga naman, 'wag ka diyang sa gilid," ani rin ni Nelson. Hinawakan ako ni Collins sa braso at nilagay sa gitna. Nawala tuloy sa gitna si Jayne. Tumingin ako sa kaniya pero nakangiti lang siya "Tama, diyan ka nga dapat," aniya. "Guys! Ayan na." Pinindot ni Joseph ang camera at tumakbo papunta samin. Naka-ilang kuha kami bago kami bumalik sa lamesa "Ang ganda ng mga pciture natin," Julie said. "Dapat lahat may copy pagbalik sa manila," Josielyn said. "Jasmine tingnan mo nga ang mukha mo, may dumi pa sa gilid oh," ani ni Eyra habang nakatingin sa camera. Pinunasan agad ni Jasmine ang pisngi niya. "Oo nga no," sabi niya ng makita ang dumi sa kamay niya. "Guys, hapon naman na. Bakit hindi tayo mag volley ball?" Maris suggested. "Kayo nalang, ayokong mapagod," sagot ni Jasmine. "We know, hindi kaya ng taba mo ang pagtalon," sagot naman ni Joy kay Jasmine. "Talaga ba Joy na mukhang pera?" Pang-iinis ni Jasmine sa kaniya. Muntik na akong matawa sa banat ni Jasmine, mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko "Ayan na naman, eh. Maglaro na nga lang tayo," awat ni Kiya sa kanilang dalawa. Hays, bakit naman niya inawat agad? "May bola ba tayo?" Tanong ni Josielyn. "Yep. Nagdala ako." Lumapit si Maris sa ilalim ng lamesa at may kinuha mula dito. "Hindi ka naman siguro handa no?" Sarkastikong tanong ni Jayne sa kaniya. "Oo, ikaw handa ka ba?" Nakangising tanong ni Maris sa kaniya. "Handa saan?" Tanong ni Rain kay Maris. "Handang maglaro." Tinaas ni Maris ang bolang hawak niya. "Sino- sino ba kasi ang sasali?" Tanong ni Jelly. "Ako sasali ako." Tinaas ni Kiya ang kamay niya. "Me rin," Julie said. Sumali din si Yassy, Sheyn, Cheska, Eyra, Jayzie, Marie, Ariel, Josielyn, Thalia, Miggy at Vince "Ikaw ba Jayne?" Tanong ni Julie kay Jayne. "Elize, sasali ka ba?" Tumingin sa'kin si Jayne. "Sunali ka na Elize," aya ni Kiya sa'kin. "Oo nga naman, iche-cheer ka namin," Collins said. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I know how to play volleyball so hindi naman ako magiging kulelat if sasali ako "Sige," I answered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD