Chapter 25
Napasinghap silang lahat dahil sa sagot ni Samuel
"But hindi ko naman sinasadya yun," dugtong niya.
"Ohh." Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan nila pagkatapos umamin ni Samuel.
"I'm so sorry Jayne," dagdag ni Samuel. "Pinuntahan kita sa bahay niyo pero wala daw kayo dun. Ayaw mong lumabas."
"Wala talaga ako dun. Nasa hospital ako," walang lingon na sagot ni Jayne.
"Hospital? Anong ginagawa mo dun?" Tanong ni Samuel sa dating nobya.
"Nagkaroon ng aksidente pag-alis ko sa condo mo."
Nagulat si Samuel dahil sa sinabi ni Jayne. "What happened? Bakit wala namang nasasabi sakin ang mga maid sa inyo?"
Kumibit balikat si Jayne at humarap kay Samuel. "Pano mo malalaman, eh busy ka sa babae mo."
"Sino ba kasing babae yun Samuel? Parang wala ka namang naikwento samin," singit ni Jeff sa usapan nilang dalawa.
"Kaibigan ko lang dati pre, hindi ko nga alam kung pano napunta ko sa condo si Lyka, basta pag gising ko nandun siya sa tabi ko at nasa loob narin ng kwarto ko si Jayne," palliwanag ni Samuel.
"So your saying na set up lang yun?" Tanong ni Jayne.
"Parang?" Hindi siguradong sagot ni Samuel.
"Bakit hindi ka sigurado? Ano ba kasing nangyari that night? And paano ka naka-uwi?" Tanong ni Marie.
"Hinatid lang ako. Ang sabi sa'kin ng mga barkada ko binaba narin daw nila si Lyka sa condo dahil malayo ang bahay nila at gusto na nilang matulog," sagot ni Samuel.
"Ayun naman pala, Jayne ehh. Hindi naman pala sinasadya," sabi ni Joseph kay Jayne.
"Let's just eat guys and talk about other things. Akala ko ba reunion to? Bakit puro samin ang topic. Kayo ba Marie Kamusta na kayo?" Tanong ni Jayne kila Marie.
******************************************
JOSIELYN'S POV
"Kami?' Tinuro ni Marie ang sarili niya at ang boyfriend niyang si Rey.
"Marie nga daw diba. Hindi naman Maris," sagot ni Vince sa kaniya.
Napaka-bitter talaga ni Vince hanggang ngayon. Hindi pa ba siya nakaka-move on sa pang re-reject ni Rey sa kaniya noong highschool kami
First year high school kami ng magpakita ng sign si Vince na may gusto siya kay Rey. As in everytime na may chance ay magbi-biro siya o babanat ng mga pick-up lines kay Rey. Dikit din silang dalawa dati kaya siguro nahulog ang loob ni Vince kay Rey. Nakikisakay kasi si Rey sa mga jokes nito, pero lahat yun ay nagbago ng dumating si Marie noong second year namin sa highschool. Niligawan ni Rey si Marie. Sinagot naman siya nito pagkatapos ng isang buwang panliligaw ni Rey. Simula nun ay hindi na nakakasama ni Vince si Rey at hindi na ito sumasakay sa mga jokes niya
Sa tingin ko nga ay pinagbawalan siya ni Marie dahil kapag magkasama si Rey at Marie ay para talagang may something
Simula nun hindi na nakasama ni Vincent si Rey at simula din nun hindi na siya tumigil sa pagiging bitter niya. Sabagay, hindi ko rin masisisi si Vincent. Napaka -feeling naman kasi ni Marie. Feeling maganda, mukha kaya siyang ingrown sa paa. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ni Rey sa kaniya
"Masama bang siguraduhin?" Inirapan ni Marie si Vincent. "Anyway, we're fine. Diba babe?" Lumingon si Marie kay Rey.
Biglang inubo si Vincent at tumawa ng malakas kaya sa kaniya kami napatingin
"Bakit?" Tanong ni Cheska sa kaniya pero hindi siya pinansin ni Vincent.
"Paano ka naman nakakasiguradong wala kayong problema?" Tanong ni Vincent.
Kumunot ang noo naming lahat sa sinabi niya
"Ano bang sinasabi mo?" May halong inis sa boses ni Rey.
Sumingkit ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. May ginagawa ba siyang something?
"Wala naman. Masyado kasing sure si Marie, eh sa pangit mong yan, hindi malabong magloko si Rey," ani ni Vince.
"Tama na nga yan. Baka mamaya magka-initan pa kayong lalo tsaka ikaw Vince ah, lakas mong mang-asar eh, mukha ka rin namang lamang lupa," sumingit si Matty sa usapan nila.
Natawa kaming lahat dahil sa sinabi niya. Oo nga naman, ang lakas niyang manlait eh parang mangga nga ang mukha niya, mukha niya ang mahaba hindi ang baba niya
"Wow, coming from you talaga yan, ah. Yung damit mo nga oh, naghihimutok na dahil hindi na nila kayang itago yung taba mo. Matty naman kasi pang extra-large ka, hindi small," lait pabalik ni Vince sa kaniya.
Tumawa kaming lahat dahil dun
"Ay wow, makatawa. Nakakahiya naman sainyo," ani ni Matty samin.
"Maganda kaya kami, kayo lang naman ang naligaw," Thalia said.
"Oo nga naman," segunda din ni Marie.
"Nakisali ka talaga no?" Sagot ni Vince sa kaniya.
"Maganda naman talaga ako. Kaya nga hindi ako maiwan ni Rey, eh. Diba babe?" Nilapit pa ni Marie ang mukha niya kay Rey.
Yuck, hindi kaya nasusuka si Rey kapag sobrang lapit niya kay Marie?
Malaki ang problema ko kay Marie. Napaka-feeling niya kasi. Napaka-arte mukha namang lamang lupa. Sobrang selosa niya pa, sila ng mga kaibigan niyang higad
May isa kaming subject noong third year highschool kami na pinag partner kami ng teacher namin at kung su-swertehin ka nga naman ay si Rey pa ang naging partner ko. Tumingin ako kay Marie at nakita ko siyang masamang nakatingin sa'kin. Inirapan niya ako bago ibalik ang tingin sa harapan
Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Anong problema niya? Kumibit balikat ako at hindi nalang siya pinansin. Baka naman hindi ako ang tinitingnan
Pagkatapos ng klase namin lumapit si Rey sa'kin
"Paano yung gagawin natin?" Tanong niya sa'kin.
Bago pa ako sumagot biglang dumating ang girlfriend niya "Rey."
"Marie."
Hindi na ako nagulat ng halikan ni Marie si Rey. Medyo PDA kasi sila
Akala ko ay saglit lang pero parang mas lumalalim na ang pag halik ni Marie
Kumalas si Rey at nilayo ang girlfriend niya sa kaniya. "Mamaya nalang babe, nandito pa si Josielyn oh."
"Okay." Tumingin si Marie sa'kin at sinamaan ako ng tingin bago umalis.
Don't tell me nagse-selos siya sa'kin?
"Nagse-selos ata sa'kin ang girlfriend mo?' Tanong ko kay Rey.
"Hindi, ganiyan lang talaga siya. Pabayaan mo na. Kailan natin pag-uusapan?" Tanong niya sa'kin.
"Mamaya nalang lunch. Konti lang kasi ang oras natin ngayong break," sagot ko.
"Sige. See you nalang mamaya." Tumalikod na siya at naglakad palabas ng room kaya umalis narin ako at dumiretso sa cafeteria.
Ilang oras ang lumipas, lunch na namin. Pagkatapos kong kumain ay pinag-usapan na namin ni Rey ang tungkol sa gagawin naming activity. Buong pag-uusap namin ay hindi umalis si Marie. Nakatabi lang siya kay Rey at madalas niya pa itong kulitin kaya hindi namin natapos ang activity namin
"Rey." Tinawag ko siya kaya napahinto siya sa paglalakad. Pabalik na kasi kaming tatlo sa room namin.
"Bakit?" Tanong niya sa'kin.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sige." Tumango siya.
Hinintay kong umalis si Marie pero hindi siya umalis kaya sumenyas ako kay Rey. Mabuti nalang at naintindihan niya agad ang gusto kong sabihin
"Babe, una ka na. Sunod nalang ako," Rey said to her.
Kumunot ang noo ni Marie at tumingin sa'kin. Tumaas ang kilay niya at halatang nag se-selos na naman. Akala niya ba aagawin ko si Rey sa kaniya? Saksak ko pa sa kaibuturan ng pangit niyang mukha si Rey, eh