Chapter 21
Binabasa ko ang ginawa kong tula sa harapan ng mga ka-klase ko pero hindi naman sila nakikinig sa'kin at halatang wala silang interest sa binabasa ko. Nakita ko pang humikab si Jayne at nag sabi si Collins ng boring
"Maraming salamat Elize sa napaka-gandang tula. Pwede ka ng ma-upo." Tumango ako at bumalik na sa upuan ko.
"Okay class magkakaroon kayo ng project sa'kin pero hindi ito individual. Buong class niyo ang gagawa nito. Bago ko sabihin ang project niyo, kailangan niyo munang mamili ng magiging leader niyo," paliwanag ni ma'am.
"Ma'am kami po ba ang mamimili ng leader?" Tanong ni Jayzie.
"Ako nalang para mabilis tayo. Ang leader niyo ay si Elize since siya naman ang top 1 ng klase niyo." Nanlaki ang mata ko. Bakit ako?!
Mag o-object palang sana ako pero naunahan na kao ng mga ka-klase ko
"Ma'am bakit naman siya pa? Pwede naman pong si Jayzie, top 2 naman po siya," apela ni Cheska.
"Oo nga naman ma'am," Vince said.
"Si Elize ang gusto kong maging leader niyo. Bakit ba ayaw niyo kay Elize? Matalino naman si Elize."
"Ma'am si Jayzie nalang po," ani ni Jeff.
"Oo nga ma'am," sedunga ni Yuris.
"Jayzie! Jayzie!"
"No, my decision is final. Si Elize ang magiging leader niyo. Kung ayaw niyo e'di mag individual nalang kayo."
Bumuntong hininga ako. Minsan naiinis na ako sa mga teacher ko. Hindi ba nila nakikita na hindi naman maganda ang samahan namin ng mga ka-klase ko tapos lagi pa nila akong tinatawag o kaya ginagawang leader kaya mas lalong naiinis sa'kin ang mga ka-klase ko
"What's the project po ba?" Tanong ni Jayne.
"Gagawa kayo ng short film," sagot ni ma'am.
"Paano naman po namin magagawa yun ng individual?" Tanong ni Rey.
"Exactly, hindi niyo kaya. Kaya wala kayong choice, si Elize ang leader niyo." Bago makapag reklamo ang mga ka-klase ko ay nag salita na si ma'am. "Ang mag re-reklamo ay gagawa ng short film mag isa." Lahat ay nakatahimik at nakasimangot dahil sa sinabi ni ma'am.
Hindi na inubos ni ma'am ang oras ng klase niya para makapag meeting daw kami. Pwede daw kaming gumaya o gumawa ng sarili naming short film
"Anong movie gagawin natin? Kukuha nalang ba tayo o gusto niyong gumawa ng sarili?" Tanong ni Jayzie sa mga ka-klase namin.
"Kumuha nalang tayo para mas madali," Samuel said.
"Tapos paikliin nalang," ani naman ni Josielyn.
"Yung fast and furious maganda," Collins said.
"Wag naman action," ani ni Josielyn.
"Notebook nalang," nag suggest ulit si Collins.
"Dapat tagalog kasi Filipino yung subject," napahinto sila ng mag salita ako.
"Manahimik ka diyan," asik ni Collins sa'kin.
Yumuko nalang ako at hindi na nag salita ulit
"Four sisters and a wedding, Bonifacio ang unang pangulo, It takes a man and a woman or Must be love," suggestion ni Kiya.
"Ay, bet ko yung must be love!" Kinikilig na sabi ni Matty.
"Tapos si Jayne and Sanuel ang bida!" Kinikilig na sabi ni Cheska.
"Nakaka-excite naman!" Excited na sabi ni Julie.
"Tara na sa baba para magamot natin ang sugat sa labi mo," nakangiting sabi ko kay Sheyn at humarap kay Jasmine. "Bumaba ka narin," ani ko sa kaniya bago bumaba.
Mabagal ang pagbaba ko dahil nag-iingat ako
"Tulungan na kita." Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Jeff.
Nilahad niya ang kamay niya sa'kin. "Thank you," nakangiting sabi ko.
Inalalayan niya ko hanggang sa dulo ng hagdan. "Thank you ulit Jeff," pasasalamat ko sa kaniya.
"No problem." Kumindat siya sa'kin kaya binigyan ko nalang siya ng awkward smile. Dahil ba gumanda lako at yumaman kaya naging maganda narin ang trato nila sa'kin o nag matured na talaga silang lahat?
Lumingon ako kila Sheyn na nakasunod lang sa'kin. "Sumunod lang kayo sa'kin," ani ko at tumalikod na tsaka naglakad papunta sa dining area.
******************************
THIRD PERSON'S POV
"Bumaba narin tayo, gutom na ako," ani ni Julie.
"Let's go," ani ni Jayne pero bago pa siya humakbang para mag lakad ay hinawakan na siya ni Rain.
Bago pa makapag salita si Jayne ay pinatigil na siya ni Rain. She mouthed wait kaya huminto si Jayne
Nang makalayo ang mga kaibigan nila ay tsaka lang nag salita si Rain
"Can you help me," nakayukong sabi ni Rain.
Tumaas ang dalawang kilay ni Jayne dahil sa sinabi ng kaibigan niya. "Anong tulong?"
"Tulungan mo akong pabagsakin ang modelling career ni Elize," nahihiyang sabi niya.
"Yun lang ba?" Tanong ni Jayne sa kaibigan.
"Tapos diba marami kayong connection? Baka pwede mo silang kausapin para magkaroon ako ng project."
"Yun lang?" Tanong ulit ni Jayne.
"Oo." Rain nods her head.
"Tha'ts easy. Don't worry dahil pagbalik ko ng manila I'll talk to right person. But, malaki ang magiging utang mo sa'kin," Jayne said.
"Sure. Kahit magkano," desperadong sagot ni Rain.
"Let's talk about it sa manila nalang. Bumaba na tayo." Tinalikuran ni Jayne si Rain at naglakad pababa.
Kahit naman bankrupt na ang company nila Jayne ay may mga tao siyang nakilala sa modelling industry na naging kaibigan niya narin at ang iba sa kanila ay may utang na loob sa kanilang pamilya
Pagbaba nila sa baba napahinto sila dahil hindi nila alam kung saan sila pupunta
"Dito guys." Nakahinga sila ng maluwag ng makita nila si Kiya.
Sumunod sila kay Kiya papunta sa dining area. Pagdating nila sa dining area kumakain na ang mga ka-klase nila
"Ang galing niyo naman talagang hindi niyo kami hinintay," nakasimangot na sabi ni Jayne sa mga ka-klase niya.
"Ang tagal niyo kasi," sagot ni Yuris sa kanila.
"Oo nga, ano bang ginawa niyo?" Tanong ni Ariel sa kanilang dalawa.
"Nagpasama lang umihi si Rain," pagsi-sinungaling ni Jayne.
"Uhm, Elize." Napahinto si Elize sa pagkuha ng salad ng tawagin siya ni Joseph.
"Yes?" Lumingon si Elize kay Joseph.
"Salad lang ba ang kakainin mo?" Tanong ni Joseph sa kaniya.
"Yes, diet kasi ako," Elize answered.
Umikot ang mga mata ni Jayne dahil sa sinabi ni Elize. "Napaka arte" ani niya sa isip niya.
"Ang fake, baka nag papa-liposuction lang ang gaga." Sabi naman ni Matty sa isip niya habang kumukuha ng pagkain pero ang tenga niya ay nakikinig sa usapan nila.
"Plastic surgery," ani rin ni Julie sa isip niya.
Ganun din ang naging reaction ng iba nilang mga kasama na inggit kay Elize
"Hindi ka nagpa-liposunction?" Tanong ni Thalia sa kaniya.
"No. Alam niyo naman diba, highschool palang hindi naman talaga ako nag ga-gain weight," sagot ni Elize sa tanong ni Thalia.
"Akala kasi namin kaya ka payat before kasi wala kang makain," Rain said.
"Marami kaming pagkain sa bahay and mostly dun puro gulay kaya siguro healthy ako ngayon and kaya siguro mahilig ako sa salad at kahit salad lang ang kainin ko okay na ko. Tingnan niyo naman." Binaba ni Elize ang hawak niyang plato. Umikot si Elize sa harapan nila at hinawakan ang bewang niya.
Napangiwi si Jayne dahil sa ginawa ni Elize
"Feeling sexy," komento ni Thalia sa isip niya.
"Di naman sexy," ani rin ni Eyra sa isip niya habang naka-taas ang kilay.
"Mas sexy parin ako," komento naman ni Rain sa isip niya.
"Wala namang curves." Patagong umikot ang mga mata ni Ariel.
"Baka lang naman," nakangiting peke na sabi ni Thalia.
"Elize may boyfriend ka na ba?" Tanong ni Collins.
"Fiance." Tinaas ni Elize ang kanang kamay niya at pinakita ang singsing na nasa daliri niya.
"Oh my!" Napasinghap silang lahat.
Ginto ang singsing niya at may diamond sa gitna
"Ang ganda naman." Lumapit si Joy sa kaniya at tiningnan mabuti ang singsing niya.
"Totoong gold?" Tanong ni Julie kay Elize.
"Yes," nakangiting sagot ni Elize.
"Sure ka? Baka naman fake lang yan?" Tanong ni Jayne.
"Tsaka ilang taon na ang boyfriend mo?" Tanong ni Eyra.
Tumaas ng bahagya ang kilay ni Elize sa mga tanong ng ka-klase niya. Alam niyang tinanong ng mga ito yun dahil gusto nilang makahanap ng butas sa kaniya para may pag chismisan sila
"CEO ng big company ang fiance ko so siguro naman hindi siya bibili ng fake diba? And ka-age ko lang siya so wala akong sugar daddy," confident na sagot niya.
"Hindi ka ba natatakot na mangbabae siya?" Tanong ni Marie.
"No, sino pa bang mahahanap niya na katulad ko? And napaka tagal na namin. Nakita kong may lumalapit sa kaniya pero never niyang inentertain," sagot ni Elize na parang inaalala ang kaniyang fiance.
"Sino naman ang fiance mo?" Tanong ni Jayne.
"You'll meet him don't worry. Anyway, ikaw Jayne? How's your love lfe? Kayo pa ba ni Samuel?" Elize changed the topic.
"No, we broke up," diretsong sagot ni Jayne.
"Really? Bakit naman? Ang perfect couple niyo pa naman," bakas ang panghihinayang sa boses ni Elize.
"Oo nga. Bakit kayo nag break?" Tanong ni Josielyn sa kanila.
"Akala ko pa naman mag tatagal kayo," komento ni Jayzie.
"Well, nakagawa ako ng kasalanan kay Jayne," sagot ni Samuel sa tanong ng mga ka-klase. Tumingin siya kay Jayne pero hindi siya nilingon nito.
"Anong kasalanan?" Tanong ni Jeco.
"I cheated on her," mahinang sgaot ni Samuel.
Humigpit ang hawak ni Jayne sa hawak niyang kutsara. Hanggang ngayon ay hindi niya parin nakakalimutan ang nangyari noon
Anibersaryo ni Jayne at Samuel ngayon kaya naisipan ni Jayne na surpresahin ang kaniyang nobyo kahit naiinis siya dito. Kagabi kasi ay pumunta si Samuel sa isang party at buong magdamag na itong hindi nag text o chat sa kaniya kaya sa tingin niya ay nakatulog ito ng malasing
Kinuha niya ang malaking box kung saan nakalagay ang mga regalong binili niya para sa nobyo niya. Bumaba siya at dumiretso sa garahe para ilagay dun ang box na hawak niya. Pagkatapos ay sumakay siya sa drivers seat at pina-andar ang sasakyan niya paalis ng bahay nila.
Bago siya dumiretso sa condo ni Samuel ay kinuha niya muna ang cake na inorder niya at nag drive na papunta sa condo ng boyfriend niya.
Pagdating niya sa building ay kinuha niya ang mga dala niya at binuhat papasok sa loob. Mabagal ang lakad niya dahil baka bumagsak ang cake na binili niya. Pumasok siya sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ng nobyo niya
Huminto ang sinasakyan niyang elevator sa 6th floor kaya lumabas na siya. Binaba niya muna ang mga hawak niya at kinuha ang susi sa bag niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at kinuha ang mga gamit na nasa sahig at maingat na pumasok. Nilagay niya muna ang box na naglalaman ng regalo sa table na nasa couch at nilabas ang cake tsaka siya marahang naglakad papunta sa kwarto ng nobyo niya
Pinihit niya ang doorknob at napahinga ng maluwag dahil hindi ito sarado. Nabitawan niya agad ang hawak na cake ng makita ang boyfriend niyang may katabing babae at parehas pa silang walang saplot
"You b***h!" Mabilis siyang lumapit sa kama at ibinato sa mukhha ng babae ang cake na para sana sa anibersaryo nila ng nobyo niyang si Samuel.
Nagising ang dalawa at nagulat ng makita ang galit na galit na mukha ni Jayne
"Malandi ka!" Hinatak ni Jayne ang buhok ng babae pababa sa kama at dinala sa labas ng kwarto.
"Jayne stop!" Sigaw ni Samuel habang nagbi-bihis
"Aray! Bitawan mo ako," sigaw ng babae habang hinahampas ang kamay ni Jayne.
"Bitawan? Fine." Hinagis niya ang babae kaya nasubsob ang mukha nito sa sahig.
Hinatak ni Jayne ang kumot ng babae pero mabilis ang babae na pigilan siya. "Tumigil ka! Baliw!" Sigaw niya kay Jayne.
"Ah baliw?" Malakas niyang sinampal ang mukha ng babae kaya nasubsob na naman ito sa sahig. Tuluyan niyang nahatak ang kumot sa babae kaya wala ng tumatakip sa hubad na katawan nito.
Kinuha ni Jayne ang cellphone niya at kinuhanan ng litrato ang babae
"Yan! Nang makita nila kung gaano ka kakati!" Gigil na sabi ni Jayne.
"Jayne stop!" Sigaw ni Samuel at kukunin sana ang cellphone ni Jayne pero mabilis na naka-iwas si Jayne.
Kinuha ng babae ang kumot at tinakpan ulit ang katawan niya tsaka tumayo
"Baliw ka na!" Susugod pa sana ang babae kay Jayne pero napahinto sya ng matalas siyang tingnan ni Jayne.
"Try to come near me nang makakita ka ng bituin kapag binato ko sayo to," ani ni Jayne habang naka-akmang ibabato ang cellphone niya sa babae.
"At ikaw." Lumingon ulit siya kay Samuel. "Stop?" Tumaas ang kilay ni Jayne. "Ikaw ang tumigil kung ayaw mong mawala ang future mo kapag sinipa ko yang nasa gitna mo," banta ni Jayne sa kaniya.
Napahinto agad si Samuel dahil kilala niya si Jayne. Kapag may sinabi ito ay lagi niyang tinototoo
"Let me explain-- Explain?! Ano pang ipapaliwanag mo?!" Sigaw ni Jayne.
"Pagkakamali lang lahat ng to. I didn't mean to sleep with her, lasing lang kami Jayne."
"Lasing? Ano yun? Nakauwi ka dito kasama ang maharot na yan tapos hindi mo namalayan na nag se-s*x na kayo ganun ba?!" Galit na sigaw niya. "Fvck you Samuel. Hindi ko alam na pumapatol ka na sa pokpok."
"Aalis na ako dito Samuel." Lumakad ang babae papunta sa kwarto ni Samuel pero hindi pa siya nakakalayo ay may humila na sa buhok niya.
"Pokpok ka diba? Bakit hindi mo ipangalandakan." Hinila ni Jayne ang buhok niya palabas ng unti ni Samuel.
"Aray! SAMUEL HELP ME!"
"Jayne sto-- Subukan mong maki-alam dito," Jayne warned him.
"Samuel tulungan mo ako!"
"Hindi ko nga sinasadya Jayne. Hindi ko alam kung paano kami nakauwi dito sa condo. Basta akala ko ikaw anng kasama ko kagabi," Samuel explained.
"Samuel patigilan mo siya!" Sigaw ng babae.
Dire-retso lang na naglakad si Jayne hanggang makalabas siya ng unit
"Jayne stop." Pilit tinatanggal ni Samuel ang kamay ni Jayne sa buhok ng kaniyang kaibigan pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya dito.
"Yung buhok ko!" Umiiyak na ang babae dahil sa sakit.
Hindi nag salita si Jayne at sinipa si Samuel sa pagitan ng hita niya kaya napaluhod si Samuel at halos maiyak dahil sa sakit
"I warned you. Isa pang lapit mo mas lalakasan ko yan ng hindi ka na magkaroon ng anak," mariing sabi ni Jayne at naglakad papunta sa elevator habang hila ang babae.
"J-Jayne!" Hirap na sigaw ni Samuel.
Pumasok siya sa elevator at pinindot ang ground floor
"I-I'm so-sorry. Bitawan mo na ako please,"pagmamaka-awa ng babae sa kaniya.
"Matapang ka diba?" Hinila ni Jayne ang buhok ng babae paharap sa kaniya. "Jayne Rosales. Tandaan mo ang pangalan na yan dahil kapag nakita pa kita I will make sure to kill you. Naiintindihan mo ba?!" Sigaw niya.
"O-oo." Tumango ang babae.
Pagdating nila sa ground floor ay hinila niya ang babae palabas ng elevator. Lahat ng tao ay napatingin sa kanila pero walang gustong tumulong dahil sa takot
"Nakikita niyo ba ang babaeng to?" Tanong niya sa mga tao at hinagis ni Jayne ang babae kaya nasubsob na naman ito sa sahig.
"Ma---" Bago pa makalapit ang guard ay tiningnan na ito ng masama ni Jayne. "Kung ayaw niyong mawalan ng trabaho 'wag kayong makikialam."
"Jayne tama na yan." Dumating si Samuel na paika-ika maglakad dahil masakit parin ang pag sipa ni Jayne sa gitna niya.
"Malandi ang babaeng to at mang aagaw ng boyfriend kaya kung ako sa inyo ay mag-iingat ako." Hindi niya pinansin ang nobyo.
"Jayne nakakahiya ka na." Mahigpit na hinawakan ni Samuel ang braso niya. "Ako pa ngayon ang nakakahiya? Sa ginawa mo ba hindi ka nahiya!" Pumiglas si Jayne sa hawak niya at tumingin sa babae.
"Oh, ano pang hinihintay mo? LEAVE!" Tumakbo paalis ang babae habang nakahawak ng mahigpit sa kumot na tanging nakatakip sa katawan niya.
"Ma'am, tama na po. Nakakagulo na po kayo." Lumapit ang guard sa kanila.
"Aalis din ako," mataray na sagot ni Jayne sa guard bago lumingon kay Samuel. "We're over. Magpakasaya ka sa pokpok na yun," ani niya bago mag lakad palabas ng building.
Sumakay siya sa kotse niya at pinaharurot ito paalis ng condo. Tumulo lahat ng luhang pinipigilan niya kanina. Unti-unting lumabo ang mata niya kaya pinunasan nya ito pero ng bumalik ang tingin niya sa daan ay may makita siyang bata na dumaan sa kalsada. Mabilis niyang iniwas ang manibela kaya bumangga sa puno ang kotse niya
"H-help m-me."