Chapter 50 Tumakbo palabas ng mansion si Marie. Puno ng luha ang mga mata niya kaya naman hindi niya nakikita ang dinadaanan niya. Hindi niya rin napansin na lumabas na pala siya ng Mansion. Napahinto lang siya ng mapansin niyang nasa gubat na pala siya "Marie!" Mabilis na nawala ang takot niya ng marinig niya ang boses ng kaniyang nobyo. Yumakap siya dito at umiyak sa balikat niya. "Umuwi na tayo." "Kung pwede lang. Tahan na, magiging maayos din ang lahat. Makaka-alis tayo dito ng buhay. Pangako ko sayo yan," Rey comforted her. "Paano kung hindi na! Nauubos na tayo. Ayoko pang mamatay," she said while sobbing. "Hindi, makakalabas tayo dito. 'Wag kang panghinaan ng loob. Pro-protektahan kita, pangako ko sayo yan." Hindi sumagot si Marie at umiyak lang sa balikat niya. Nang mahi

