Chapter 51 "You want to kill me?! Kaya ba kahapon mo pa ako dinidiin?" Sigaw ni Elize. "Ikaw ba ang killer Jayne?" Tanong ni Rain. "Siya nga!" Sigaw ni Maris. "Bakit mo kami gustong patayin?! Para walang makalabas sa sikreto mo?!" Sigaw ni Maris. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What is she talking about? Alam niya ang sikreto ni Jayne?! "Manahimik ka!" Sigaw ni Jayne. Tumakbo ito papunta kay Maris at sinabunutan ito. Mabilis namang kumilos si Samuel para ilayo si Jayne kay Maris. "HAYOP KA!" Sigaw ni Maris at sumugod papunta kay Jayne pero mabilis na pinigilan ni Jeco at JP si Maris. "Mauuna kita patayin! Hindi mo ko mapapatay!" Tumingin ako kay Jayne. "Ikaw ba ang killer Jayne?" Tanong ko sa kaniya. "What? No," sagot niya. "Anong sikreto ni Jayne?" Tanong ni Elize. "M

