Evil plan

1251 Words
Chapter 13 ARIEL'S POV Dalawang araw nalang bago mag friday kaya may tatlong araw kami para maging mabait kay Elize. Swerte naman ng pangit na yun Yun kasi ang napag-usapan namin kahapon. Magiging mabait kami kay Selene para isipin niyang nagbago na kami then aayain namin siya sa party at sa gabing yun siya ang bida Pag pasok ko sa loob ng room umupo agad ako sa upuan ko at pasimpleng hinanap si Elize pero wala pa siya. Himala ata at mala-late siya ngayon "Wala pa ba si Elize?" Tanong ko sa kanila. "May nakikita ka bang Elize?" Tanong sa'kin ni Julie. "Init naman ng ulo mo," sagot ko sa kaniya. "Bakit kasi natin kailangang maging mabait sa gold digger na yun," nakasimagot na sabi niya. "Para nga umasa siya diba," sagot ni Rain. "Nakalimutan mo na ba?" "Just shut up," inis na sabi ni Julie kay Rain. "Nasaan ba si Jayne?" Tanong ko sa kanila. Late din ba siya? "Kasama niya si Samuel," sagot ni Cheska sa'kin. "Nasaan sila ngayon?" Tanong ko sa kanila. "Ewan namin." Kibit balikat na sagot ni Matty. Hindi na ako sumagot at kinuha nalang ang phone ko na nasa bulsa ko. Nag scroll lang ako sa f*******: ko at nag upload ng mga pictures ko. Napahinto ako sa pag ce-cellphone ng makita ko si Elize na pumasok sa loob ng room "She's here," mahinang bulong ni Rain. "Gaga ka talaga. Diba sabi ni Jayne act normal daw," bulong ni Cheska sa kaniya. "Ay, oo nga pala." Iniwas niya ang tingin kay Elize at humarap sa notebook niya. Ewan ko kung anong ginagawa niya pero sa tingin ko ay nag dra-drawing siya. Umarte kami ng normal at hindi siya pinansin. Kahit ang iba naming mga ka-klase ay nakatahimik lang din at hindi siya pinapansin. Pumasok ang teacher kasunod ni ma'am sila Jayne at Samuel. Buong araw naming hindi pinansin si Elize kita ko nga sa mukha niya ang isang malaking question mark dahil sa hindi namin pagpansin sa kaniya. Kinabukasan ay ganun lang din ang ginawa namin. Hindi namin siya pinansin "Hi everyone!" Kinuha ni Jayne ang atensyon ng lahat. "Kapag nanalo sila Samuel sa laban nila bukas magkakaroon tayo ng party sa bahay ko," nakangiting pahayag niya. Naging excited ang lahat na parang ngayon lang nila narinig ang gaganaping party. Grabe, pwede na kaming mag artista sa galing ng pag-arte naming lahat "Pwede karing pumunta Elize." Natahimik ang lahat at tumingin kay Elize na nasa dulo. "A-ako?" "Yes, you. May iba pa bang Elize sa room natin?" Sarkastikong sagot ni Jayne. "Part ka narin ng class natin that's why I'm inviting you." Nginitian niya ng peke si Elize. "I know, nagtataka ka kung bakit bigla kaming naging mabait sayo. Let's just say pinakiusapan kami ng principal. Alam din naman naming mabait ka and if ever we need your help, wiling ka namang tumulong diba?" "O-oo naman." Elize nods her head. "Thank you and I'm really sorry sa nagawa ko before." Sunod-sunod narin ang paghingi namin ng tawad kay Elize "Punta ka ha, hihintayin ka namin sa sabado. 4 pm guys," sabi ni Jayne bago bumalik sa upuan niya. Mabilis na lumipas ang araw. Nanalo sila Samuel kaya natulog ang party sa bahay nila Jayne "Gosh! I can't wait!" Excited na sabi ni Julie. "Paano kapag hindi siya pumunta?" Tanong ni Rain. "Pupunta yun," nakangiting sabi ni Jayne. "Bakit parang sobrang sigurado ka?" Kunot noong tanong ni Vince. "Dahil inutusan ko si Kiya na pilitin si Elize na sumama bukas sa party," nakangising sagot niya. Nagkatinginan kaming pito at ngumiti. This will be so exciting! Nang dumilim na sunod-sunod na dumating ang mga ka-klase namin.Nandito na si Kiya pero si Elize ay wala parin kaya nilapitan namin si Kiya para tanungin "Ano? Pupunta daw ba siya?" Tanong ni Cheska kay Kiya. "Sabi niya sa'kin oo daw," sagot niya samin. "Eh nasaan na siya ngayon?" Tanong ko. "Hindi ko alam--" Hindi pa natatapos ni Kiya ang sasabihin niya ng lumapit samin si Samuel kasama sila Jeff. "She's here," nakangising sabi nito. Mabilis kaming napalingon sa entrance dahil sa sinabi ni Samuel. Nakita nga namin dun si Elize, nakasuot siya ng dress na halatang bili lang sa tindahan sa market or baka nga sa ukay ukay pa. Ang outdated ng suot niya, yung bag niya halatang luma pati narin ang sandals niya. Wala man lang nagbago sa mukha niya, kahit nasa malayo ako kita parin ang pagiging oily ng mukha niya "Grabe, hindi niya man lang sinubukang mag make-up," nakangiwing sabi ni Matty habang nakatingin kay Elize na kausap ang iba naming ka-klase. "What do you expect? Pambili nga ng food wala siya make-up pa kaya," ani ni Jayne at umiling bago maglakad papunta kay Elize kaya sumunod kami sa kaniya. "Hi Elize, mabuti nakapunta ka," nakangiting sabi ni Jayne kay Elize. "Pinilit kasi ako ni Kiya," nahihiyang sagot ni Elize. "Ganun ba. Anyway, enjoy the night." Ngumiti ulit si Jayne sa kaniya bago tumalikod at umalis. "Enjoy Elize," nakangiting sabi rin namin sa kaniya bago sumunod kay Jayne. "Let's start the party!" Sigaw ng dj na hinire pa talaga ni Jayne for this night. Nagpatugtog ang dj kaya lahat kami ay pumunta sa gitna at nag sayaw. Nandito rin ang ibang school mates namin. Ang pangit naman kasi kung kami kami lang, eh konti lang naman kami Kakain kami ng foods na naka prepare tapos sasayaw ulit sa gitna hanggang mag hating gabi na. Tumingin samin si Jayne at ngumiti. Pumunta siya sa harapan at kinuha ang mic na nasa gilid ng dj "Hey guys!" Humina ang kanta at lahat ng tao na nasa party ay tumingin kay Jayne na nasa unahan. "First of all I want to say congratulations to my loving boyfriend, Samuel!" Sumigaw kaming lahat at binati siya. "Gusto ko ring tawagin si Elize, can you come here sa tabi ko." Lahat kami ay napatingin kay Elize na kumakain sa likuran. Mukhang naguguluhan siya kung bakit siya tinawag. "Pumunta ka daw sa harapan!" Sigaw ko sa kaniya. Medyo malayo kasi ako sa kaniya so I need to shout talaga. Binaba niya ang kinakain at pumunta sa unahan. Lumayo si Jayne sa kaniya at bumalik sa tabi namin "Enjoy Elize!" Sigaw niya. Bago pa makapag react si Elize ay may tumapon ng slime sa ulunan niya. Nilabas ko ang phone ko at vinideohan siya habang tumatawa. Lahat ng nasa party ay tumatawa habang nakatingin kay Elize na nakayuko. Binato siya ni Jeff ng pagkain kaya sumunod narin kami habang tinatawanan siya "Ayan, mas bagay sayo," ani ni Jayne. "Assuming ka rin ano? Akala mo siguro bumait na kami sayo," Jayne lauged. "But I guess nagising ka na sa katotohanan na you're not belong in our school. Look at yourself, sa sobrang hirap niyo siguro wala kayong mirror sa house niyo kaya hindi mo nakikita ang sarili mo." Mas lalo kaming natawa sa sinabi niya "You're so stupid. Hindi mo man lang nahalata na this is all our plan. Kasabwat din namin ang tinuturing mong kaibigan, si Kiya." Lumingon kami kay Kiya na nasa gilid. "Akala mo talaga ka-kaibiganin ka niya no? Wake up Elize! No one likes you here. She just use you for her grades," Jayne smirk. Tumingin si Elize kay Kiyabago tumakbo palabas ng bahay nila Jayne "Let's continue the party!" Sigaw ni Jayne at binalik ang mic sa dj. "Sana naman wala na siya sa monday," sabi ni Matty habang sumasayaw. "I hope so," ani ni Jayne bago yumakap sa boyfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD