Chapter 12
"Where's dad, mom?" Tanong ko kay mommy. Dalawang linggo narin kasi siyang hindi sumasabay samin kumain, eh hindi naman siya ganun dati.
"Pumasok na," sagot sa'kin ni mommy.
"Ang aga naman. Hindi siya nag breakfast?" Tanong ko ulit.
"Sa office niya na daw."
Lately napapansin ko na sobrang busy na ni dad sa trabaho niya. Hindi naman siya madalas nag o-overtime dati pero ngayon halos araw-araw na siyang nag o-overtime
"May problema ba mom?"
"I don't know." Kibit balikat na tanong niya. "Ang daddy mo nalang ang tanungin mo."
Patago akong napa-irap sa sinagot niya. Kahit kailan talaga wala siyang ginawa kundi alagaan ang sarili niya at mag shopping. Puro naman gastos ang alam niya
Hindi na ako sumagot at tinapos nalang ang pagkain ko bago tumayo pero bago pa ako maka-alis ay tinawag niya ulit ako
"May nahanap ka na bang trabaho?" Tanong ni mom sa'kin. Sa-sagot na sana ako pero nag salita ulit si mommy. "Siguraduhin mo lang na hindi yan about sa photography. Wala ka namang mapapala dun, eh. Marami akong kaibigan na may mga kumpanya, pwede kitang ipasok dun tutal ayaw mo naman sa kumpanya natin."
"Ayoko, mom. I can handle myself," sagot ko at umalis na sa dining area.
Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang wallet ko tsaka bumaba ulit. Dumiretso ako sa garage at sumakay sa kotse ko. Nag drive ako papunta sa mall na pinaka-malapit sa mansyon namin
Bumili ako ng ilang bagong damit. Sunod akong pumunta ay sa jewelry shop, wala na kasi akong bagong alahas. Pinili ko lahat ng gusto ko at nag bayad sa counter
"Ma'am declined po." Nagulat ako sa sinabi ng babae sa cashier.
"Tha'ts impossible." Binuksan ko ang wallet ko at nilabas ang isa ko pang card. "Try this."
Sinwipe niya ang card ko. "Ayaw din po."
Kinuha ko lahat ng card ko at binaba sa harapan niya. "I-try mo lahat ng yan," inis na sabi ko.
Ang dami ko pang gagawin kaya ayoko ng mag tagal dito
Ilang minuto ang lumipas bago niya ibalik sa'kin lahat ng card ko. "Ayaw po talaga. Baka meron nalang po kayong cash diyan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ayaw?! May nangyayari ba?!
"Matagal pa ba yan?" Inip na tanong ng nakapila sa likod ko.
Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Maghintay ka," mataray na sabi ko sa kaniya at inirapan siya.
Padabog kong kinuha ang mga cards ko at kumuha ng cash. Buti nalang pala at tatlong piraso lang ang binili ko kundi mapapahiya ako dito
Binalot nila agad ang mga binili ko at binigay sa'kin. Lumabas ako ng shop na yun at lumabas ng mall. Gusto ko pa sanang mag shopping pero nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari, isa pa paano pa ako makakapag shopping kung declined ang cards ko!
Pag-uwi ko sa bahay nakita si dad at mom na naka-upo sa sofa
"Dad, what happened to my card?" Bungad na tanong ko sa kaniya.
Nappatingin ako kay mommy na umiiyak kaya mas lalo akong naguluhan. What's happening ba?
"May problema sa kumpanya ngayon, I tried everything pero walang nangyari kaya kailangan muna nating magtipid. Ibinenta ko na muna ang bahay natin, may isa pa naman tayong bahay pero mas maliit lang yun ng konti dito. Magba-bawas din tayo ng katulong." Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig kong sinabi ni dad.
Kaya ba konting maids lang ang nakita ko kaninang umaga?
"P-paano nangyari to dad? H-hindi tayo pwedeng umalis." Napa-upo ako sa sofa habang nakatulala sa kawalan.
"Wala tayong magagawa. Pack your things, aalis na tayo." Tumayo si dad at iniwan kami ni mom sa living room.
Hindi ko na sila pinansin at umakyat na sa kwarto ko. Sawa na akong patigilan sila sa pag-aaway nila, kapag naman pinatigil ko sila sa'kin lang nila ibubunton ang galit nila. Umupo ako sa harap ng maliit kong lamesa at binuksan ang laptop ko. May mga trabaho pa kasi akong hindi natatapos
Sinimulan ko na ang mga trabaho kong hindi ko pa natatapos. Tinapos ko ang tatlong ginagawa ko bago huminto para magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa gilid at binuksan ang IG ko
Bumungad agad sa'kin ang post ni Elize. Natatakpan lang ng tela ang katawan niya, mukhang nasa photoshoot siya dahil sa background
Kung hindi ko kilala si Elize ay malamang nilike ko na ang picture niya. Isa kasi sa mga pangarap ko ang maging photographer niya pero ngayon, never!
"Baby." Yumakap si Jayne sa boyfriend niya.
"Yes?" Malimbing na tanong ni Samuel kay Jayne.
Minsan nakakadiri silang dalawa at ang sakit na sa mata
"Kapag nanalo kayo sa laban niyo this friday magpapa-party ako," nakangiting sabi ni Jayne.
"Really?!" Nauna pa kaming mag react kaysa kay Samuel.
"Kayo ba si Samuel?" Tumingin samin si Jayne at inirapan kami.
"Magpapa-party ka talaga?" Tanong ni Samuel kay Jayne.
"Yes, for you. Let's celebrate your victory."
"Narinig niyo ba yun guys! Magpapa-party daw si Jayne pag nanalo ang team natin!" Sigaw ni Jeff.
"Talaga?!" Tanong ni Collins.
"Dapat pala nating galingan ang pag che-cheer," excited na sabi ni Jelly. She's Jelly Carinio.
"Lahat ba invited" Tanong ni Jayzie.
"Yes, all of you." Tumayo si Jayne at ngumiti sa lahat ng ka-klase namin.
"Yun oh! Kaya sayo ako Jayne, eh!" Sigaw ni Nelson. He's Nelson Villanueva.
"At sa'kin siya." Tumayo si Samuel at inakbayan si Samuel.
Naghiyawan kami dahil sa ginawa niya. Nakita kong umiwas ng tingin si Jayne dahil siguro kinilig siya sa ginawa ng kaniyang nobyo. Bahagya ring namula ang pisngi niya dahil sa kilig
"Teka, paano si Elize?" Napahinto kami dahil sa tanong ni Rain.
"I got a plan," nakangising sabi ni Jayne.
Hmm, mukhang magugustuhan ko ang plano niya