CHAPTER 6

1072 Words
____________________________________ Blaire POV Nandito kami ngayon ni Zhake, Perlie, Ara at ako sa clinic. Bigla lang kasing nahimatay si Ara kanina. Natawagan na din ni Zhake ang mga magulang nila. Papunta na raw sila dito "Ate Blaire. Ate Perlie sa labas po muna ako. Aantayin ko po sila mama" biglaang sambit ni Zhake "Sge, salamat" sagot ko sa kaniya Tinanguan niya muna ako at lumabas na sa clinic "Perlie?!" Mahinang tawag ko sa kaniya. Nakuha ko naman ang kaniyang atensyon "Oh! Bakit??" Aniya "Nagtataka lang kasi ako. Alam mo ba, kung bakit ganon na lang si Ara kanina?? Di nga siya tumigil sa pag-iyak eh!" Naging malungkot naman ang mukha niya at naging seryoso "Baka. Naalala na naman niya yung katarantaduhang nangyari sa kaniya. 10 years ago na ang nakalipas. Pero, parang fresh na fresh pa din sa utak niya" seryoso niyang tugon "Ang alin??" Nagtataka na ako dito Sasagot na sana siya ngunit biglang gumalaw si Ara at bumangon. Ngunit nakatulala lang siya "Ara bes!!! Ok ka lang???" Ani Perlie at niyakap si Ara na nakatulala pa din. Walang emosyon ang makikita sa mukha niya. Hindi rin niya sinagot si Perlie "Anak??!" ____________________________________ Perlie POV "Anak??" Nabaling ang atensyon naming lahat sa nagsalita. Kumalas din ako sa pagkakayakap kay Ara "Ma??! Pa??" mahinang tugon ni Ara "Anak!!" sambit ni Tita Klea at niyakap si Ara "Anak anong nangyari??" sambit naman ni Tito Welton "Ma, pa. Bakit po kayo nandito. Diba may mga trabaho pa kayo??" "Anak, huwag mo na yung isipin. Mas importante ka. Teka, ano bang nangyari????" "Ito po. Kinunan pa ng video" ani Blaire sabay pakita kina Tito at Tita nung video "SI ANO TO AH!!" galit na sambit ni Tito "Si Braze po kuya ko. Anak po ako ni Mr. Suarez" sambit ni Blaire Napahilamos na lang sa mukha si Tito "Ma" mahinang sambit ni Ara Pinuntahan naman agad ito ni Tita Klea "Anak. Buti naitulak mo yung gagong yun. Pagbabayaran niya anak" galit at may diin na salita ni Tita "Ma!! Bumabalik po yung nakaraan!!. Naaalala ko naman po!!. Ayoko na pong mangyari yun sa akin ma!!" umiiyak na saad ni Ara Alam ko tinutukoy niya. Alam namin lahat except kay Blaire "Makakalimutan mo rin yan anak!! Magtiwala ka lang sa sarili mo. Kaya mo yan!! Okay!??" ani Tita na umiiyak na din ngayon Lumapit naman sa kanila si Tito Welton "Huwag kang mag-alala anak. Sisiguraduhin kong pagbabayaran yun ng Aze na yun!!" Galit na saad ni Tito "Pasensya po sa istorbo. Pero, ako na po ang mismong manghingi ng paumanhin. Sorry po sa nagawa ng kuya ko. Huwag po kayong mag-ala isusumbong ko po siya kay Daddy" ani Blaire at nagbow pa "Huwag na Blaire. Maraming salamat na lang. Baka magalit pa yun sa akin at worst pa ang mangyari. Ayoko na ng g**o" sambit ni Ara "At isa pa po. Huwag na po kayong magalit kay Aze. Ako naman po talaga ang dahilan kung bakit ginawa niya yun. Nilagyan ko kasi ng ipis ang bag niya" dagdag niya "Kahit na anak. Grabi naman siya ipis lang naman yun" Tita "Ang mabuti na lang anak ay iwasan mo na lang siya" saad ni Tito "Oo nga po pa. Baka mas makakabuti yun!. Ako na lang po ang iiwas, baka kung ano pa mangyari" sagot naman ni Ara "Basta anak. Kung kailangan mo ng tulong o ginawa na naman niya yan sayo?? Tawagan mo kami kaagad ng mama mo. Nandito agad kami" "Sge po pa. Salamat" "Nandito rin ako ate!" Sulpot naman ni Zhake Napatawa na lang kami lahat "Bes, nandito rin kami ni Blaire ha??. Palagi kaming nandito sa tabi mo" ani ko sabay hawak sa kamay niya Ngumiti lang siya ng pilit sa akin ____________________________________ Braze POV Pagpasok ko sa room ay sari-sari naman ang narinig ko "Fafa Aze, sana ako na lang hinalikan mo. Gahasain mo pa!" "My Aze. Sana ako na lang yun. Hindi talaga ako tatakbo" Madami pa akong napakinggan. Pero binaliwa ko lang lahat. Wala akong pake sa kanila Dumiretso na lang ako sa upuan ko. Pero napansin kong wala si Ms. Tuazon sa upuan niya. Asan na yun??? "Oy!" Tanong ko dun sa katabi ng upuan ni Ms. Tuazon "Yes?? May kailangan ka??" malandi niyang saad "Asan si Ziara??. Bakit wala pa siya???" Nag-iba naman ang ekspresiyon ng mukha niya. Akala niya siya hinahanap ko?? Di noh! "Hindi mo ba alam. Na, sinugod siya sa clinic??. Hindi ko alam kung bakit pero yun lang ang nakita at nadinig ko" aniya (Sinugod sa clinic??? Bakit???) Di ko na napigilan ang sarili ko at pumunta na sa clinic. Tinakbo ko na ang daan para makarating agad doon. Hindi ko na pinapansin ang mga nababangga ko Hanggang sa.... Nandito na ako sa tapat ng clinic. Huminto muna ako para 5 seconds magpahinga at ayusin ang sarili ko Pagbukas ko ng pinto ay nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat. Galit na galit na tumingin sa akin si Sir Welton, maging ang asawa neto "Kuya" nandito pala si Blaire "At nakuha mo pang pumunta ditong lalaki ka!!" Susuntukin na sana ako ni Mr. Welton Tuazon pero hindi niya naituloy "Pasalamat ka't anak ka ng boss ko. Kung hindi!! Kanina pa kita binugbog!!" galit na sambit ni Mr. Tuazon "It okay po. Saktan niyo po ako" nakayukong sambit ko Susuntukin na sana niya ako ng may pumigil na naman "Huwag na!. Pabayaan na natin siya" boses yun ng asawa niya Ilan segundong tumahimik... "Sorry po. Sa nagawa ko sa anak niyo" tanging naisambit ko lang Hindi ko alam kung bakit nahihiya akong tumingin sa kanila "Aze, puwede bang umalis kana??. Lubayan mo na ako. Plssss" sabi ni Ara I feel guilt.. "Sige. Pero sana, mapatawad mo ako " ani ko at lumabas na sa clinic Paglabas ko ng clinic ay tumambad agad sa akin si Vhince at Mark na hinihingal. Mukhang hinahanap nila ako "Bro, nandito ka nga. Gusto ko lang sabihin sa iyo na--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng magsalita ako "I-delete mo yung video Mark" nagulat naman sila "Bakit?? Di ba sabi mo na ka-" hindi niya naituloy ng kuwelyuhan ko siya "I-delete mo o papatayin kita!" galit at may diin kong salita "Ok fine!!. Bitawan mo muna ako. Para ma-delete ko" aniya. Binitawan ko naman siya Kinuha niya yung phone niya at dinelete nga yung video. Pinakita niya pa sa akin ang pag-delete niya "Good" ___END OF CHAPTER 6___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD