~~ONE WEEK LATER~~
____________________________________
Braze POV
One week na pala ang nakalipas. Ang bilis ng panahon. One week na din ang nakalipas nung hindi ako pinapansin ni Ms. Tuazon. Maging ang kaibigan niyang si Perlie hindi ako pinapansin. Si Blaire din, ayaw niya akong kausapin
Hindi ko alam kung bakit. Pero, mukhang may kinalaman doon sa ginawa ko sa kaniya. Kulang pa nga yun eh. Gusto ko pa. Chaaaarrr! Joke lang!. Pinagsisihan ko na yun
"Ok class, pass your papers forward"
At ang lintek na sir. Nagpa-quize pa. Nag-aral naman ako kagabi. Pero, alam niyo na, walang pumasok sa utak ko. Ang bobo ko eh
Pinass ko na yung papel ko na di ko alam kung tama ba o Mali ang mga sagot ko. Bahala na si Iron Man. Buti na lang at tinanggap ni Perlie na wala man lang sinasabi sa akin
"Ok class, you can now take your recess" dagdag ni Sir
Nagsitayuan naman silang lahat at nagsialisan. Tumayo na din ang dalawang nasa harap ko
"Bes sa library lang ako ha?. Gusto ko lang mapag-isa" ani Ms. Tuazon kay Perlie
"Sge bes. Take your time. Ako na ang magsasabi kay Blaire"
Ngumiti lang ng pilit si Ms. Tuazon sa kaniyang kaibigan at umalis na sa room
____________________________________
"Blaire!" Tawag ko kay Blaire nung makasalubong ko siya sa daan kasama niya si Perlie. Pero hindi man niya ako dinapuan ng tingin
Sinundan ko sila hanggang dito sa cafeteria
"Blaire kausapin niyo naman ako!. Bakit ba niyo'ko iniiwasan??!" ani ko pero nagpatuloy lang sila sa pagkukuwentuhan
"Sge-sge salamat na lang. Simula ngayon wala na kayong Aze na makikita. Wala nang Aze na nangungulit sa inyo. All I want to say. I'm sorry. Very sorry"
Aalis na sana ako ng bigla silang magsalita. Himala!
"Kuya!!"
"Hoy Aze!!"
Lumingon ako sa kanila
"Ang drama mo naman! Halika dito!!" sambit ni Perlie
Umupo na lang ako katabi ni Blaire
____________________________________
Blaire POV
"Sorry pala Aze, kung hindi ka namin pinapansin sa mga nagdaang araw" wika ni Perlie
"Nah! Ok lang yun!!" sabi naman ni Aze
May bigla na lang akong naalala
___~FLASHBACK~___
"Baka. Naalala na naman niya yung katarantaduhang nangyari sa kaniya. 10 years ago na ang nakalipas. Pero, parang fresh na fresh pa din sa utak niya" seryoso niyang tugon
"Ang alin??" Nagtataka na ako dito
___~END OF FLASHBACK~___
"Uhmmm Perlie??" Nakuha ko naman ang atensyon niya
"Yes??"
"Gusto ko la-" hindi na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si kuya
"Mark!! Vhince!! Halikayo dito!!" Tawag niya dun sa dalawa niyang kaibigan
Lumapit naman ang dalawa sa amin.
"Nandito ka lang pala bro, kanina pa namin kita hina-" hindi niya naituloy nung isa ang sasabihin niya ng makita kami
"Uy!!. Kasama mo pala ang dalawang magandang binibini!!" Ani nung Vhince at tumabi kay Perlie tapos inakbayan at kinindatan
"Alisin mo nga yang kamay mo!!" sambit ni Perlie at inalis niya yung kamay na nakaakbay sa kaniya
Kumuha naman ng isang upuan si Mark at tumabi sa akin
"Bulok na yang style mo Vhince. Dapat simple lang ba. Diba??" Aniya at tumingin sa akin
(Ang wafu niya!!)
"Mga chixboy talaga kayo noh!!" Suway ni kuya sa dalawa
"Huwag mo yang saktan ang kapatid ko. Papatayin talaga kita!!"
Napatawa na lang ako kay kuya
"Blaire??. Ano pala yung sasabihin mo??" saad ni Perlie
"Puwede mo na bang ikuwento. Yung karantaduhang nangyari kay Ziara??. 10 years ago??"
Naging seryoso naman ang mukha niya. Tiningnan niya muna kami isa-isa
____________________________________
Braze POV
"10 years ago. 7 years old pa lang si Ara nun." Paninimula ni Perlie
Seryoso lang kaming lahat na nakikinig sa kaniya
"Bata pa lang kami, ay mag best friend na kami ni Ziara. Palangiti siya, palakaibigan. Halos lahat nga ng kapitbahay namin ay gusto siyang ampunin kasi, napakabait niyang bata, masiyahin. Hanggang isang araw, nagbago ang lahat"
"Inutusan kaming dalawa ni Ziara na bumili don sa tindahan. Nung una pa lang ay masama na talaga ang kutob ko. Pero sumama pa rin ako sa kaniya. Pagdating namin sa tindahan, ay ang rami ng mga tambay. Mga lasing na ang iba"
"Habang papauwi na kami ni Ziara nun. Ay biglang may humarang sa amin na tatlong lalaki. Hindi ko sila makilala kasi ang dlilim ng paligid. Pero ang kutob ko ay isa yun sa mga tambay"
"Pareho kaming hinawakan nung dalawang lalaki. Habang ang isa at ngisi-ngising malademonyo. Umiiyak na ako nun kasi, hinalikan-halikan na nung isang lalaki si Ziara. Sumigaw si Ziara ng tulong pero ni isa ay walang tumulong"
"Kaya gumawa ako ng paraan. Kinagat ko sa kamay nung humawak sa akin. Kaya't tumakbo ako. Hanggang sa makakaya ko. Hinabol naman ako sa dalawa pero nakalusot-lusot ako kung saan-saan"
"Hanggang sa may nakabangga akong isang batang lalaki. Humingi ako ng tulong sa kaniya. Mabuti na lang at may kasama siyang mga body guard siguro niya"
"Hanggang sa nakulong na nga yung tatlong lalaki dahil yun sa tulong nung bata at sa body guard niya. Hindi na naituloy nung r****t ang binabalak niya kay Ziara dahil dumating yung mga body guard"
"Pagkatapos nung pangyayari na yun. Ay, na-trauma si Ziara. Ang kuwento ng mama niya ay umiiyak-iyak si Ziara tuwing gabi. Masyado pa siyang bata para maranasan ang ganun na bagay"
"Simula din ng pangyayaring yun ay nagbago siya. Hindi na siya ang dating Ziara na masiyahin at palakaibigan. Nagulat nga ako nung mabalitaan kong nagkakaasaran kayo Aze. Hindi kasi siya naniniwala o kumakausap sa ibang tao, lalo na kapag lalaki"
"Years past, unti-unti na siyang nakamove-on. Pero alam kong hindi pa din. Simula din ng pangyayaring yun ay natuto na siyang lumaban. Like sa inyo ngayon!" Mahabang pagkukuwentu ni Perlie
"Grabe pala!. Kaya pala'y grabe siya umiyak at nahimatay pa" suhestiyon ni Blaire
"Kaya pagpasensyahan mo muna Aze kung hindi ka pinapansin ni Ara. Ayaw niya lang kasing maalala na naman yung karantaduhang nangyari sa kaniya" ani Perlie
"Naiintindihan ko. Mali pala ang ginawa ko. Sobrang mali" ani ko at yumuko
____~END OF CHAPTER 7~____