CHAPTER 23

1251 Words
_________________________________ Ziara POV ~~CAFETERIA~~ Dito na talaga kami, madalas magtambay noh!!? “Aze!, malapit na pala birthday mo. Wala ka bang ano diyan” suhestiyon ni Mark “Kung okay lang sa iyo. Puwede namang sa bar lang din namin. Ipa-reserved ko talaga yun!” dagdag ni Vhince “Ano bang pinagsasabi niyo!!. Ang gusto ko lang sa darating na birthday ko. Ay, maayos na ang lahat Magkasama-sama tayo. At higit sa lahat. Ang pinakaimportante. Makuha ko na ang matamis na oo, nung mahal ko” aniya sabay akbay at ngiti sa akin “Naks ka bro!!” “Sagutin mo na yan kasi bes!!” “Maawa ka naman kay kuya Ara” “I swear. Kapag sinagot na ako ni Ziara. Ipagsigawan ko talaga sa mundo. Ipaalam ko talaga sa harap ng maraming tao, kung gaano ko siya kamahal” aniya sabay kindat sa akin “Na ol!. Sana oll ganyan!!" ani Perlie “Gusto mo ba gawin ko yan sa'yo bebe love” sulpot ni Vhince. Inirapan lang ito ni Perlie Tumayo si Vhince at buong tapang na sumigaw. Hahahah “MAHAL NA MAHAL KITA LEANA PERLIE ARELLANO!!” Nagulat naman si Perlie. Hindi niya kasi nakita na tumayo si Vhince kasi nagsusulat siya. Maging ang ibang estudyante ay nakatingin kay Vhince “Uy anong ginagawa mo!!. Kakahiya ka!!!” inis na saad ni Perlie sabay hila kay Vhince papaupo Tumayo naman si Perlie at nakipag-peace sign sa ibang estudyante, tapos balik sa upo. Napatawa na lang kami sa kanila _________________________________ Patungo ako sa bodega ngayon ng school kasi inutusan ako ng teacher namin kanina habang dala-dala itong mga luma na sigurong libro At sa wakas nandito na ako sa harap ng bodega. Walang ni isang studyante ang nandito, maliban lang sa akin. Sino pa mn kasi ang dadaan sa nakakatakot na lugar na ito Pagpasok ko pa lang sa loob ay ang baho na at ang alikabok ng bawat sulok. Parang 19th century pa ito nilinis. ‘Sabagay, bodega naman pala’. Inilagay ko na dun sa lumang upuan ang mga librong dala ko kanina. Pagkatapos ay tinakpan ko ang ilong at baba ko Tiningnan ko muna ang buong bodega. Ilan sandali pa'y nagulat na lang ako ng biglang may sumira sa pintuan na pinasukan ko kanina “WAG!!!” parang nag slow motion ang pagkasigaw ko nun at ang pagtakbo ko Pero huli na ako. Nasirado na talaga cya... “TULONG!!!” sigaw ko Ilang beses ko nang open-close ang doorknob at pinupukpok-pukpok ang pinto pero wa epek! “KUNG SINO KA MN!!. HUMANDA KA SA AKIN PAGLABAS KO DITO!!” sigaw ko ulit “TULONG!! KUNG SINO MAN ANG NAKAKARINIG SA AKIN DIYAN!!!” Inuubo-ubo na ako dito dahil sa alikabok. Wala na din akong lakas para sumigaw.. Napasandal na lang ako dito sa likuran ng pinto at umupo.... “Lord, kayo na po ang bahala sa akin” walang gana kong sambit Ilan sandali pa'y dali-dali akong tumayo dahil sa wakas, nakadinig ako ng pagbukas ng pinto dito Pagbukas nun ay nagulat na lang ako dahil siya ang bumungad sa akin... “O my ghodd Ziara” “Franzie??” di makapaniwalang tanong ko Yes! Tama ang basa niyo si Franzie.. “Anong ginagawa mo dito??” dagdag ko “Nanggaling kasi ako sa likod ng school dahil nagpahangin lang. Tapos pabalik na sana ako ng may narinig akong sumigaw banda dito. Kaya pinuntahan ko na” aniya “Kung ganon. Salamat na lang Franzie" “Walang anuman yun. Lumabas na tayo dito, dali!!” aniya kaya't lumabas na kami _________________________________ Braze POV Kanina ko pa hinahanap si Ziara. Alalang-alala na ako sa kaniya “Ano??.Nahanap niyo na cya??” sambit ko kina Blaire at Perlie “Wala pa eh!” si kapatid “Ta's naiwan niya ang phone niya oh!”sabi ni Perlie sabay pakita sa akin ang cellphone ni Ziara Hingal na hingal namang huminto sa harap ko sina Vhince at Mark.. “Br-bro, wa-la pa din” putol-putol na sambit ni Mark habang nakahawak pa sa tuhod niya. Inalayan naman ito ni Blaire Ilan sandali pa'y may bumangga sa akin. Nakaharang kasi kami dito sa daan. Mukhang galing siya katatakbo. Si Romeo pala ito. Kaklase namin “O Romeo!, bakit hingal na hingal ka??. Asan ka galing??” tanong ni Vhince sa kaniya “Mga tol. May na-ri-nig a-k-o n-a na-nghi-hi-ngi n-g tu-lo-ng” binigyan muna ito ng tubig ni Perlie “Tapos??” nag-alala na ako Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy.... “Pupunta na sana ako sa likod ng school. Ng may narinig akong humihingi ng tulong. Hindi ko na pinuntahan kasi, natakot ako eh!. Baka multo yun” aniya na animo'y natakot pa Kilala namin itong si Romeo. Matatakutin talaga ito.. “Salamat. Pero saang banda” ani ko sabay hawak sa balikat niya “Doon sa may bodega” sagot naman niya “Maraming salamat. Kami na ang pupunta don. Tara na!” Hindi ko na siya pinagsalita at tumakbo na ako/ kami papunta sa bodegang yun. Baka nandon si Ziara _________________________________ Ziara POV “Salamat talaga Franzie ha?. Kung hindi dahil sa'yo. Baka, maabutan pa ako ng gabi dun sa maalikabok na bodega na yun” ani ko habang hawak ang kamay niya “Wala yun. Salamat talaga sa mga ears ko dahil narinig kita. Kung hindi, baka mapaano pa ka” aniya kaya ngitian ko “And Ziara, sorry pala” aniya sabay hinto “Sorry?? Saan??” “Sa pang-aaway ko sa iyo. Sorry talaga Ziara!. Sorry!” aniya sabay iyak Niyakap ko ito at pinatahan “Ok lang yun Franzie” “Pinagsisihan ko talaga ang lahat ng sinabi at ginawa ko sa'yo” aniya Pinaharap ko siya sa akin “Ok lang yun. Tinatanggap ko na ang sorry mo. Tahan na ha??. Okay??” ani ko “Salamat Ziara!!. Totoo nga ang sabi nila!. Napakabait mo talaga!!” aniya sabay yakap sa akin at kumalas din “Can we be just friends??” nakangiting sambit niya sabay lahad ng kamay Nakangiti ko itong tinanggap... “Friends” nakangiti kong sambit at nakipag shakehands kami _________________________________ Braze POV Papaliko na sana kami sa kinaroroonan ng bodega. Napahinto kaming lahat sa nakita namin Nagulat kaming lahat ng makitang sina Franzie at Ziara ang nakita namin. Mukhang magkaayos na sila.. Tumingin naman sa direksiyon namin si Ziara na nakangiti.. “Franzie!. Anong ginawa mo kay Ziara!!” diin kong sambit sabay lapit kay Ziara at inilayo kay Franzie “Relax Aze, wala akong ginawa sa kaniya” “Wala??. Eh ikaw lang naman ang mortal enemy netong best friend ko” galit na saad ni Perlie Susugurin niya sana si Franzie pero pinigilan ito ni Vhince.. “Relax lang kayo guys!!. Walang ginawang masama sa akin si Franzie. Sabagay, siya ang sumaklolo sa akin nung mailock ng sino mn ang bodega kanina at nastock ako dun!” sabi ni Ziara ko sa amin “Sure ka ba Ziara??” tanong ni Blaire “Oo! Bakit hindi!” Nagkatinginan kaming lahat, maliban kay Ziara at Franzie _________________________________ Someone's POV “Hahahahaha. Ang dali lang naman palang magtiwala ang Ziarang toh!. Hahaaha” ani nung kasamahan ko “Tumahimik ka nga diyan!!. Baka marinig pa nila ang tawa mo” ani ko. Tumigil naman siya “Pero tama ka nga!. Uto-uto pala itong Ziara” dagdag ko “Bibigyan ko talaga ng award si Franzie. Best actress of the year. Hahahah” aniya ___~END OF CHAPTER 23~____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD