_________________________________
Ziara POV
~Cafeteria~
“Sure ka na ba talaga bes??!” patayo pang sambit ni Perlie. Bumalik din siya sa kakaupo
“Ikaw talaga bes!. Kahapon ka pa. Nagsorry na nga yung tao diba??. Pinatawad ko na” sagot ko naman sa kaniya
Hindi kasi niya matanggap na magkaibigan na kami ngayon ni Franzie...
“Pero Ara, baka acting niya lang yun. O pagpapanggap. We dont know behind her!” sabat ni Blaire
At isa pa itong si Blaire...
“Bakit ayaw niyong maniwala kay Franzie??” ani ko na nakapatong pa din sa dibdib ko ang braso ko habang nakasandal sa upuan
“Parang plastic lang kasi yung pinakita niya sa'yo"
“Isipin mo nga Ziara. Kung paano ka niya sinaktan. At ang mga masasakit na salita na binitawan niya sayo”
“I think. It was all just a plan. Start from, inutusan ka ni maam. To, paglock sa iyo sa bodega. I feel na may kinalaman talaga siya eh!” sambit ni Perlie
“Tama ka diyan Perlie!. At naniwala ka naman Ara na nanggaling siya sa likod ng school??. Kung doon nga siya nanggaling, ano namang gagawin niya don??” nakataas pang kilay na tanong ni Blaire
“Ang talino talaga nating dalawa!. Kaya nga magkaibigan tayo eh!” ani Perlie at nag-apir sila ni Blaire
“Makikita niyo rin, na nagbago na talaga si Franzie. Mapapatunayan din niya sa inyo, na gusto na niya tayong kaibiganin” sabi ko na lang sa kanila
Ilan sandali pa'y, dumating na yung delivery boy's namin. Chaaar!!. Joke lang!. Sila kasing tatlo ang nag-alok kanina na sila na raw ang mag-order
“Heto nang order niyo, mga mahal naming binibini” ani Mark at ibinigay na kay Blaire ang order neto at tumabi
“For my princess” sambit naman ni Vhince sabay lagay sa harap ni Perlie ang order din niya at tumabi
“And especially!, For my queen!. Ang reyna nang buhay ko!” ani Aze sabay kindat at lagay nung favorite ko
Napangiti na lang ako ng tago sa kaniya...
Pero teka?? Paano niya nalaman na favorite ko toh??
Humarap ako sa kaniya na nagtataka. Tumabi na pala ito sa akin..
“Paano mo nala-” hindi ko na natapos nung magsalita siya
“Huwag ka nang magtanong. Syempre alam ko, kasi. Ikaw ang reyna ng buhay ko”-l aniya sabay akbay at ngiti ng napakapalad sa akin
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya. Feel ko kasi, namumula na ako
“Uy bes, para kanang kamatis oh!. Sa pula ng pisngi mo!”
“Huh?? Hindi ah!!” pagtatanggi ko
“Naku Ara, huwag ka nang magdeny pa, kitang-kita na nga namin” si Blaire
Kinuha naman ni Aze ang mukha ko at sinuri ito..
“Oooh!! Ang pula-pula nga!. Ang cute mo!!” aniya sabay pisil sa pisngi ko
“Ara, kailan mo ba sasagutin yang si bro!” sambit ni Mark na nakaakbay ngayon ni Blaire
Ngitian ko lang siya...
“Baka busteden!. Hahhahaha” ani Vhince sabay tawa pa. Binatukan naman ito ni Perlie
“Kung ikaw kaya busteden ko!”
Ilan sandali pa'y...
“Hi guys!. Can I join you??”ani Franzie habang bitbit ang tray
Nagsitahimik ang lahat..
“Sure!”-ako na lang ang sumagot at umupo na siya
“Salamat” aniya
_________________________________
Habang kumakain kami at nag-uusap din ay napansin kong kanina pa tahimik si Franzie. Yung para btawng naiilang
“Franz! Kanina ko pa napapansin na tahimik ka lang diyan ah!” pangnunguna ko
“Eh kasi Ziara, nahihiya lang kasi ako” aniya
“Huwag ka nang mahiya Franzie!” napatingin naman siya kay Vhince
“Partner-partner pala kayo dito. Ako lang ang wala” malungkot na saad niya at sumubo
Ilan sandali pa'y sumulpot si Peter. Remember??
“Hello guys!. Hi din my Franzie!”ani Peter sabay kuha ng upuan at tumabi kay Franzie
_________________________________
Tapos na kaming kumain at nag-uusap naman about sa busted.
“Alam niyo guys, kaming mga lalaki. Kapag binubusted kami sa mga babae, ok lang sa amin yun!. Marami pa naman diyang iba diba??“ sambit ni Peter
Grabe pala ito si Peter. NAPAKADALDAL!
“Ikaw talaga Peter, napaka babaero mo talaga!” suway naman ni Mark
“Ako lang??. Kayo din kaya!!. Lalo na si Vhince oh!. Pinaka ka Mark. Hahahah” sabi ni Peter sabay turo pa sa dalawa
Napatawa na lang kaming lahat sa kadaldalan ni Peter
“Hindi ako kasali diyan ha?. Alam niyo naman siguro ako noh?. Isa lang yung mahal ko” ani Aze na nakaakbay na sa akin ngayon at tumingin sa akin tapos kumindat
“Nagbago na kami noh!. Simula nung makilala ko ang magandang babae na katabi ko ngayon!” ani naman Vhince sabay tingin kay Perlie
Pero inirapan lang ito ni Perlie
“Oo nga bro!. Kaya ikaw magbago ka na din!”
____DAY 55
Still Ziara POV
Lumipas pa ang mga araw. Napagtanto kong masaya ngang kasama si Franzie. Pero hindi pa din naniniwala sina Perlie at Blaire
Kung baliw kami, mas baliw pa siya. Hahahah. Pero kapag serious na usapan ay seryoso din siya. Ang dami naming kabaliwang ginawa. Except sa pambubully o pang-aaway ha?. Bad yun!
“Bye guys!. Kitakits this monday na lang!”al sambit ni Franzie at sumakay na sa kotse niya
‘Sosyal noh??’
“Tsk!. Plastick!” dinig kong bulong ni Blaire
“Di naman!”
“Tara na bes!. Ako na ang maghahatid sa'yo!”sambit ni Perlie at kinuha ang kamay ko
Pero may humila sa isa kong kamay..
“Hindi! Ako na ang maghahatid sa kaniya!!” si Aze pala
‘Kalaunan, baka tawagin ko na itong si Mr. Mahilig manghila noh??!’
“Bakit, jowa ka ba??. Manliligaw ka lang naman eh”
“Ah basta!. Ako na maghahatid kay Ziara” aniya at inakbayan ako
“Babe, tara na!. Iuwi na kita!” sabi ni Mark sabay lapit kay Blaire
“Oh Blaire!, huwag ka nang sumabay sa akin, meron nang maghahatid sa iyo oh!!?"
“Eh kung ayaw ko kuya. Sa iyo ako gustong sumama!”
“Babe naman!. Ayaw mo na ba sa akin??”sulpot ni Mark
“May balak pa ba kayong umuwi??” napatingin kaming lahat kay Vhince
Napatawa na lang kami sa kaniya..
“O sige na nga!. Sayo na ako. Babe ko!. Joke lang din naman yun kanina!. Para mainis si kuya!”ani Blaire at niyakap si Mark sa bewang neto
“Sige bro alis na kami!”
“Bye kuya!. See you later in the house!”ani Blaire at pumasok na sila sa kotse nila at umalis
“Tara na din!” sabat ni Vhince at sumakay sa kotse neto at pumasok na din si Perlie
Sumakay na din ako sa kotse ni Aze
_______DAY 56
Someone's POV
“Goodjob anak, nabalitaan ko ang ginawa mo. Magaling!”
“Dad, puwede bang ipatigil niyo na ang arriange marriage??. Ayoko ko na po”
“But, ito ang gusto mo diba??”
“Noon dad. Pero ngayon, hindi na. Tas dad, itigil niyo na din ang ipinapagawa niyo sa akin. Di ko na po kaya”
“Don't say that anak!!. Gagawin natin ito para maipaghiganti natin ang mama mo!. Naka plano na ang lahat!”
“Pero dad, hindi ko na po gusto ang ginagawa ko. Mabait naman po silang tao eh!”
Nagulat na lang ako ng tinapon niya ang baso sa harap ko. At sabay nun ang pagkabasag nito
“Mga criminal sila!! ANG SUAREZ FAMILY ANG PUMATAY SA MOMMY MO!!. Naiintindihan mo ba yun!!”
“Oo nga po. Pero si Mr. Suarez lang naman eh!. Hindi naman kasali ang mga anak nila” nakayuko kong sambit
“DAMAY-DAMAY NA RIN YUN!!”
______DAY 55
_________________________________
~Perlie POV ~
Ista-start ko na sana ang sasakyan ko ng may nahagilap ang mga mata ko
‘Wait..si mama yun diba??. Bakit nakayakap siya sa lalaking yun??. Tas ang sweet pa nila??’
‘Pero wait...is that Mr. Suarez??’
___~END OF CHAPTER 24~__