_________________________________
Perlie POV
Bumisita ako ngayon, dito sa milk tea shop namin
“Good evening po ma'am Lea” bati sa akin nung guard. Ngitian ko na lang ito
Lea kasi ang tawag nila sa akin. Kinuha sa pangalan kong Leana. Maganda ba??
Pumasok ako dito at agad na tumungo sa maliit na opisina ni mommy na nandito
Pagpasok ko sa loob ay wala ni isang tao kaya agad akong lumabas at nagtanong...
“Excuse me” ani ko dun sa isang trabahador
“Yes po maam Lea”
“Asan si mommy?? Bakit wala siya dito??”
“Actually ma'am, paminsan-minsan nga lang po, nandito si maam Melody eh!” aniya
“Bakit?? Saan siya patutungo??” tanong ko ulit
“Sorry maam, hindi ko po alam eh!. Baka alam po ni Frena”
Frena. Assistant ng mommy ko...
“Sge-sge. Salamat”
____
“Hindi ko po din alam maam Lea. Sabi po niya. Ako na po ang bahala dito. Pansamantala lang” ani Frena natanong ko na kasi sa kaniya kung saan si mommy
‘Asan ba talaga si mommy??’
“Nalulugi na nga po 'tong milk tea shop niyo eh!. Konti na lang ang taong bumibili” dagdag niya
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid Iilan na nga ang mga customer dito. Dahil 'to kay mommy eh!. Pinabayaan niya ang negosyo namin. Na, inutang pa ni daddy ang pagpapatayo neto
“Salamat Frena ha?!. Tawagan ko na lang si mommy” ani ko at iniwan siya
__~FAST FORWARD~__
Nakakailang missed calls na ako kay mommy at text. Pero ni isa, wala siyang nireplayan o sinagot
Tiningnan ko ang orasan. Alas onse na ng gabi ngunit wala pa din siya
Nakarinig ako ng may huminto na sasakyan sa harap ng bahay namin. Kaya sumilip ako sa bintana
At tama nga ako, bumaba sa kotse na yun si mommy.Nagulat na lang ako ng bumaba yung lalaki. ‘Mr. Suarez??. Again??’
Ilan sandali pa'y nagring ang phone ko..
“Hello Vhince??”
[Ano Per, nandiyan na mommy mo??]
“Kararating lang niya. Salamat Vhince ha?. And sorry kung inabala pa kita”
[Its okay. Anything for you my Perlie]
Napangiti na lang ako sa kaniya
“Sge-sge bye na. Good night”
[Good night din. Sweet dreams]
Ibinabaan ko na siya ng tawag dahil parating na ang ***** kong ina
Pagkabukas niya ng pinto. Ay nagulat ata dahil ako ang tumambad sa kaniya. Nag maldita style at tayo pa ako dito
“Anak??. Bakit gising ka pa??” aniya
“Eh ikaw mommy??. Bakit ngayon ka lang??” balik kong tanong sa kaniya habang naka crossed-arm ako
“Huwag natin ngayon 'to pag-usapan anak, pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. Good night” aniya at nilagpasan ako
“Mom!! Bakit niyo kasama si Mr. Clint Suarez!” sigaw ko sa kaniya
Pero hindi ako nito pinakinggan o nilingon man lang at pumasok na sa kuwarto niya
_________________________________
~~KINABUKASAN~~
Pagpasok ko sa opisina ni mommy ay buti at nandito siya
“I call you later, bye” aniya at ibinaba ang phone
Nakatayo lang ako dito at sa wakas ay tumingin ito sa akin...
“Anak! Napadaan ka ata dito” maligayang sabi niya
“Buti nga mommy at nandito ka” pabulong kong sabi sabay upo sa harap niya
At ngayon..seryosong usapan na ito..
“Mommy, bakit niyo po kasama si Mr. Clint Suarez kagabi??” seryosong sambit ko at tumingin sa kaniya
Hindi ito makapagsalita...
“Lalaki niyo ba siya??. Kung tama ako, paano na si daddy!!, mommy!!”
Tumulo na ang butil ng luha ko...
“Anak, nagkakamali ka. Nakipag-meet lang ako sa kaniya kagabi. Kasi, oorder siya. At para na rin iyon sa negosyo natin”
Tumayo na ako..
“Grabeng kasinungalingan naman yan mom!!. Ano ako, uto-uto??!. At talaga pang ginamit mo ang negosyo natin para makapag sinungaling??!!”
Nakayuko na siya ngayon..
“Alam mo ba mom, o hindi mo alam!. Na ang milk tea shop natin ay nalulugi na!. Dahil yan sa panglalake niyo!!..”
“Paano na si Daddy??. Hindi ba kayo naawa sa kaniya??. Na LUGI NA ANG SHOP NA ITO!!. NA HINIRAM LANG NIYA ANG PERA SA MGA KAIBIGAN NIYA, PARA MAIPATAYO LANG TOH!!. ANG PANGARAP NIYO!!. At ngayon, lolokohin niyo lang siya??”
“Mommy, makonsensya din sana kayo. May asawa at mga anak din si Mr. Clint. Makipaghiwalay ka na sa kaniya mommy, mali ang ginagawa niyo” mahabang litanya ko at iniwan siyang mag-isa
Paglabas ko ay pinunasan ko kaagad ang mga luha na kanina pa nagsibagsakan
_________________________________
Melody Arellano POV (mother of Leana Perlie Arellano)
Pag-alis ng anak ko ay nagsibagsakan na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan
‘Ito ang ayaw kong mangyari eh!. Ang malaman niya’
Ilan sandali pa'y may kumatok kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko at umayos ng upo
“Pasok!!” ani ko. Pumasok naman si Frena. Assistant ko dito
“Ma'am Melody, may naghahanap po sa inyo. Blaire raw po ang pangalan” aniya
“Kung sino man siya. Papasukin mo siya” ani ko. Umalis naman siya
_________________________________
Blaire POV
Nagtatanong kayo kung bakit ako nandito??
____~FLASHBACK~____
“Kuya, halika dito. Dali!!” tawag ko kay kuya
Lumapit naman ito sa akin
“Bakit?? Nahanap mo na ba??” aniya sabay tabi sa akin
“Yes kuya. Ito siya oh!” ani ko sabay pakita sa kaniya nung picture na nasa laptop
Kinuha naman niya yung laptop sa akin.
“So, eto siya. I guess maganda cya. But mommy is more beautiful than her”
“Youre right kuya. And base what I have researched. May pamilya na din siya”
“Puwedeng-puwede natin silang paghiwalayin”
__~END OF FLASHBACK~__
Kaya nandito ako ngayon. Para kausapin si Mrs. Melody
“Excuse me ma'am, nandito na po siya” ani nung bakla at umalis
“Good afternoon po. I'm Blaire Rose Suarez. Anak ni Mr. Clint Ley & Mrs. Bea Suarez” ani ko sabay lahad ng kamay
Tinanggap naman niya ito...
“Nice meeting you” aniya at binitawan na kamay ko
Umupo ako sa upuan na nandito sa harap niya..
“Bakit ka nandito, iha??” panumulang tanong niya
“Straight to the point na po tayo” ani ko
Nagulat naman siya ng hawakan ko ang kamay niya..
“Alam ko na ang lahat. Namin. Nagmamakaawa po ako sa inyo. May pamilya din naman kayo diba??. Plss po...Maghiwalay na po kayo ni dad” mangiyak-ngiyak na saad ko
“Pero mahal ko ang daddy mo”. Umiiyak na rin siya ngayon
“Eh, ang asawa niyo po??. Mahal niyo rin ba siya??”
“O-oo”humihikbing saad niya
“Kung ganon po. Bakit naghanap pa kayo ng ibang lalaki??”
“Hindi ko po alam. Pareho ko silang mahal”
“Plsss po..Alam kong masakit para sa inyo. Isipin niyo po na may anak at asawa kayo. Plsss po....inaasahan ko yan!...” huling sambit ko at binitawan ang kamay niya
Pinupunasan ko ang luha ko, habang papalabas ako
______DAY 58
[Its okay babe, naiintindihan kita. And sana, nagtagumpay ka] ani Mark sa kabilang linya
“Salamat Mark, dahil nandiyan ka”
[I am always here, if you need me. Sge na, matulog ka na. Good night babe. Sweet dreams]
“Good night din babe” ani ko at ibinabaan na siya ng tawag
Ilan sandali pa'y bumukas ang main door at iniluwa don si mommy. Lumapit naman ako sa kaniya
‘Pero wait, is she crying??’
“Ma, anong nangyari??. Bakit umiiyak kayo??” tanong ko kaagad paglapit ko sa kaniya
“Anak” tanging nasambit lang niya at agad akong niyakap
__~END OF CHAPTER 25~___