_________________________________
Ziara POV
Habang nafafacebook ako ay may biglang kumatok sa pinto
“Pasok po!” ani ko habang hindi pa din inaalis ang tingin sa cellphone
Ilan sandali pa'y lumapit na siya sa akin..si papa lang pala..
“Pa, kayo lang po pala”ani ko at inioff na ang WiFi
“Anak, napag-usapan namin ng mama mo na..”
Si papa naman! May paputol-putol pa eh!
“Na??? Ano po??”
“Diba nanligaw sayo si Aze??. Papuntahin mo siya dito, ngayong linggo”
Nagulat naman ako sa sinabi niya
“Po??. Bakit??”
“Gusto lang namin siyang makausap ng masinsinan” aniya
“Ah okay. Sige po”
“O cya anak, matulog ka na din. May klase pa kayo bukas”
“Goodnight” dagdag niya at hinalikan ako sa ulo
“Good night din pa”
Nagngitian muna kami at umalis na din siya...
Tiningnan ko ang orasan, 8:30 pa pala. Pumunta muna ako sa maliit na terrace dito sa silid ko para magpahangin
Habang nandito ako sa terrace, yakap-yakap ang malamig na hangin ay napagdesisyonan kong tawagan si Aze
“Aze??”
Ilan segundo pa ito bago nagsalita..
[Ziara??]
Mukhang nadisturbo ko ata pagtulog niya. Kakahiya ka naman Ziara..
“Aze, sorry kung naabala kita sa pagtulog mo”
[Its okay. Hindi pa mn din ako natutulog. Bakit ka pala tumawag??]
“Uhmm...Gusto ka raw papuntahin dito na papa, ngayong linggo. Payag ka ba??”
_________________________________
Braze POV
Pagkatapos yun sabihin ni Ziara ay kinakabahan na excited ako. Sino pa mn din ang hindi kinakabahan sa ama niyang mukhang galit sa akin
“Is this true?? Totoo??”ani ko sabay upo sa kama
[Ah, oo. Gusto ka lang raw nila makausap]
“Sge. Wala din naman akong gagawin ngayong linggo”
[Sge. Salamat. O siya, matutulog na ako. Good night]
“Good night Ziarako” ani ko at binaba na ang phone
Halo ang emosyon ko ngayon. Excited, kinakabahan, masaya. First time ko lang makausap ng matagalan ang papa ni Ziara
Tumayo na ako at napagdesisyonang lumabas at di mawala ang ngiting pumunta sa kusina para uminom ng tubig
Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko si mommy at Blaire na magkayakap Pero wait, umiiyak ba sila??
Agad ko naman silang pinuntahan.
“Mom, Blaire?. What happened?? Bakit umiiyak kayo??”
“Eh kuya, hindi ko alam. Nadala lang din ako kay mommy” sagot ni Blaire
Kumalas na sila sa pagkakayakap at pinaupo na namin si mommy...
“Mommy, anong nangyari??” tanong ko ulit
Pinunasan muna niya ang luha niya gamit ang tissue bago nagsalita...
“Ang daddy niyo anak. Niloko niya ako. Nambabae siya!!” humihikbing saad niya
Nagkatinginan naman kami ni Blaire..
“Ansakit sakit lang kasi!!”
Tumabi ako sa kaniya at inalayan siya..
“Mi, sorry ha??”
Tumingin naman siya sa akin na luhang-luha pa din ang mga mata..
‘My ghood!! I can take this anymore!. Ito ang ayoko sa lahat eh!. Ang umiiyak yung taong mahal ko’
“Bakit ka nagsosorry anak, hindi mo naman kasalanan eh!"
“Kasi mi. Matagal na naming alam. Hindi lang po namin sinasabi sa inyo” si Blaire na ang sumagot
Natigilan naman si mommy sa pag-iyak..
“Matagal niyo nang alam??. Kayong dalawa??” aniya sabay tingin sa aming dalawa ni Blaire
“Bakit hindi niyo sinabi sa akin?!!. Bakit mga anak??!” umiiyak na sambit niya
“Kasi mom, nag-aantay lang kami ng tamang panahon para sabihin sa inyo” ani ko
“Tama po si kuya mi. Akala ko po kasi nung una ay maghihiwalay din sila. Pero..di” sambit ni Blaire. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon
Hindi na nakasagot si mommy dahil Umiyak na ito at humikbi na inalayan ko naman...
“Mom, tahan na please??. Pati ako, maiiyak na rin ako sa'yo eh!”
“Tsaka mom, kakayanin naman nating wala si dad diba??. Kaya natin mom” dagdag ko
Tumingin siya sa akin
“Kaya niyo anak, pero ako hindi. Mahal na mahal ko daddy niyo eh!” umiiyak na saad ni mommy
Niyakap ko na lang siya..
__DAY 60
~~Ziara POV~~
Nandito kami ngayon ni Blaire, Mark at Aze sa library. Para maiba naman. Ilan sandali pa'y, lumapit sa amin si Vhince
“Guys, alam niyo ba kung nasaan si My love, Perlie??” ani Vhince sabay tabi kay Mark
“Ah! Oo nga pala!. Bakit wala si Perlie??. Alam mo ba Ara?” tanong naman sa akin ni Blaire
Tiniklop ko muna ang libro bago nagsalita..
“Hindi Pumasok si Perlie ngayon kasi, masakit raw katawan niya”
_________________________________
Perlie POV
Hindi ako pumasok ngayon, di dahil masakit ang katawan ko. Wala lang kasi akong ganang pumasok..
Ilan sandali pa'y nagring ang phone ko..tumatawag si daddy
“Hello daddy??” ani ko
[Oh anak, kumusta kayo diyan??]
‘Di okay daddy’
“Ok lang naman po. Eh kayo po? Daddy?? Kumusta na po kayo diyan!”
[Same here anak. Ok lang namn din. Asan pala mommy mo??]
Paktay!!.
“Nasa milk tea shop po”sagot ko na lang at tumayo na sa kinauupuan ko
[Ah sge. May goodnews pala ako sa iyo anak]
“Ano yun dad??” ani ko habang papunta ako malapit sa bintana
[Surprise ko sana ito sayo at mommy mo. Pero, sasabihin ko na lang sa'yo. Anak, uuwi na ako diyan sunod na Huwebes]
“Talaga po??. Totoo po ba yan daddy!??” excited talaga ako
[Yes anak, totoong-totoo. Kaya sana, gusto kong I surprise lang natin ito sa mommy mo]
“Yes po daddy!. Makakaasa po kayo!!. Excited na po talaga ako”
[Baka hindi ka makatulog niyan anak ha??]
“Hahahaha. Makatulog din naman dad”
[O siya, paalam na muna sa ngayon. Mag-ingat kayo diyan]
“Mag-ingat din po kayo diyan dad”-ani ko at binabaan na siya ng tawag
Ilan sandali pa'y bumukas ang pinto at iniluwa don si mommy..
‘Pero mukhang galing siya sa kaiiyak eh!’
Hindi ko na siya pinansin at magtungo na sana sa silid ko ng tawagin ako ni mommy
“Galit ka pa din ba sa akin Perlie, anak??“
Hinarap ko siya umiiyak na pala ito..
“Sorry anak ko. Ginawa ko na ang nararapat. Nakipaghiwalay na ako sa kaniya. Sabagay, tama din namn kayo. Tama yung sunabi ni Blaire. Tama ka anak. Patawarin mo sana ako. Patawad” humihikbing saad niya at lumuhod
Nilapitan ko siya at pinatayo..
“Ma!”
“Kahit napakasakit mn sa akin anak. Pero, parang gumaan na din yung loob ko. Patawarin mo sana ako anak. Ako na din ang bahalang mag-explain sa daddy mo”
Umiiyak na rin ako ngayon..niyakap ko na lang siya.
“Pinapatawad na kita mommy. Hindi ko lang po kasi matanggap” sambit ko at kumalas na sa pagkakayakap
“Pinapangako ko sa iyo anak hindi na ito mauulit. Magsisimula ulit tayo ng bago” aniya at pinunasan ang luha niya
“Salamat po mommy” ani ko at niyakap siya
Niyakap din naman niya ako pabalik..at kumalas na din
Umupo kami sa sofa..
“Isa lang po yung tanong ko. Kinausap po kayo ni Blaire??”
“Yes anak!. Pagkatapos mong umalis nun!. Wait, kilala mo suya??”
“Opo ma, kaibigan ko po siya sa school. At yung kuya naman niya, ay manliligaw ni Ziara”
“Ah!. Ganun ba”
__~END OF CHAPTER 26~___