CHAPTER 9

1018 Words
____________________________ Braze Ley POV (~CLASROOM~) "Ok class, dahil malapit na ang 1st quarter exam. Then, ang dami pang habulin na lessons, especially ang P.E. Napag-isipan ko na lang na, ipakita niyo ang talento niyo" sambit nung teacher namin sa MAPEH Nagbulungan-bulungan­ naman ang iba. Tsk!. Bahala sila sa talento na yan! "Tumahimik muna kayo!" Nagsitahimik naman ang lahat "Dapat sa performance niyo ay may MAPEH. Music, Arts. P.e. Health. Sa music, ay pipili kayo ng paborito niyong kanta. And its your choice kung your be singing, dancing, drawing or what so ever. Sa Arts, diyan niyo maipapakita ang kahusyan niyo sa choreography or what so ever" "Sa P.E, dapat magagandahan kami sa performance niyo. Dahil kasama ko si ma'am Danica sa pagjudged sa performances niyo, dahil kami ang nag-isip neto. Sa health, dapat ay energetic kapag nagpe-perform na kayo, ayoko ng tamlay!. That's all, you can now find your partner. By two's lang ha?" Mahabang salaysay ni Sir Tatayo na sana sila ng magsalita ulit si Sir "By the way, sa Lunes na pala yan gagawin. Dito lang sa classroom na'to" Friday ngayon. May dalawa pang araw para maka-practice "Kitakits sa monday class. You can now find your partners. By two's lang ha?. Good bye class!" dagdag niya "Good bye sir!!" pagpapaalam naman nung mga students Nagsitayuan naman ang iba para maghanap ng partner nila. Habang ako? Nakaupo lang at tiningnan sila. Ilan sandali'y may lumapit sa akin isang babae "Hi Aze, wala ka bang partner?. Puwede bang partner na lang tayo??" Aniya at nagpacute pa. Tsk! Sumulpot naman yung isa.. "Tabi!! Alam kong sa akin lang yan sasang-ayon si Aze. Diba Aze??" Malanding sambit niya "May partner na ako" ani ko na nagpagulat sa kanila "Huh??" "Sino??" Tumayo ako at nilagpasan sila at pumunta sa direksiyon ni Ziara ____________________________________ Ziara POV Aalis na sana ako ng room ng.... "Hi Ziara!" Nakangiting bati sa akin nung isa kong classmate "Hello!" Ngitian ko din siya "Ako nga pala si Peter. Puwede bang maging partner mo??" "Ah!. Oo!. Sure!. Wala din pa naman ako-" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng may humila sa akin "Bawal" Pagtingin ko sa kaniya ay nagulat na lang ako dahil si Aze ito "Ano ba bro! Ako ang unang nagyaya kay Ziara!. Pumayag din naman siya!" sambit ni Peter at hinila din ako sa isang kamay ko Pero mas malakas si Aze kaya nahila niya ako. (Bali na ang buto ko Neto!!). Mas lalong magkalapit kami "Bawal dahil sa akin lang siya. Maliwanag ba??" malamig niyang sambit "Bakit ano ba kayo?? Hindi naman kayo magjowa ah!" depensa naman ni Peter "Girlfriend ko siya. Diba babe??" sabi ni Aze at inakbayan ako Nagulat naman ako sa sinabi niya "Totoo ba Ziara??" Napatingin ako kay Peter "Ah, o-oo. Sorry ha?. Nakalimutan ko lang" nauutal pa talaga ako oh! Ngumisi naman itong si Aze kay Peter. Nagulat na lang ako ng hilahin niya ako at pumunta kami sa harap, malapit sa white board. Habang nakaakbay pa rin niya ako. (Ano naman gagawin neto??) "MAKINIG KAYONG LAHAT!!!" sigaw niya. Tumigil naman silang lahat sa pinaggagawa nila at tumingin sa amin "Gusto ko lang inanunsiyo sa inyong lahat!!. Na ang babaeng inakbayan ko ngayon!!, ay…GIRLFRIEND KO!. Huwag na huwag niyo siyang sasaktan!!. Kung hindi, kayo ang sasaktan o papatayin ko. Kaya kayong mga nag-aaligid, naglalandi, nagpapacute sa akin ay tigilan niyo ako. Dahil may prinsesa na sa buhay ko" aniya at kinindatan pa ako Nagulat naman ako sa mga pinagsasabi niya. Kays hinila ko siya papalabas ng room at nagtungo sa rooftop. Kakahiya lang siya, may nagvivideo pa kanina "Ano bang pinagsasabi mo?? Nahibang ka na ba??" Tanong ko kaagad sa kaniya nung makarating kami sa rooftop at pinaupo siya "Alam nila Franzie, dapat malaman din ng lahat" aniya na parang wala lang "Hindi naman totoo diba??. Ginawa mo lang yun sa kina Franzie dahil wala kang ibang maisip??" "Pa'no pag hindi??" Naguguluhan na ako sa kaniya "Hay! Ano bang pinagsasabi mo!!. Ano na lang ang gagawin ko kapag malaman ito nila mama at papa. Papagalitan naman ako nun!!" Ani ko at umupo sa tabi niya "Alam mo namang ang dali lang kumalat ang mga chissmis ngayon. Parang virus!" Dagdag ko pa "Edi liligawan na lang kita. Para hindi na magalit mga magulang mo" aniya. Parang wala lang talaga sa kaniya "Bahala ka nga sa buhay mo!!" Ani ko at aalis na sana pero nahawakan niya kamay ko "San ka pupunta? Baka sabihin pa nilang wala akong kwentang boyfriend, dahil pinapabayaan ko lang ang girlfriend ko" (Hay naku!!! Nangigigil na talaga ako sa kaniya!!) Ilan sandali pa'y nabaling ang atensyon ko sa bagong dating lang. Si Perlie Napatingin siya sa kamay ko na hinawakan ni Aze kaya kumawala ako "Bes, totoo ba ang sinabi nito??" Aniya at tumingin kay Aze at tumingin sa akin "Hin-" "Oo" Gulat akong tumingin kay Aze "Uy bes!. Kailan pa ha?" Balik tingin ako kay Perlie "Hi-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita naman si Aze "Nung isang araw pa" at tumayo at lumapit sa akin (Pigilan niyo ko!. Mapapatay ko na ang lalaking ito!!) "Mauna na kami bes ha?" Ani ko at ngumiti ng pilit sa kaniya Hindi ko na hinintay na magsalita si Perlie at hinila ko na si Aze, papalayo sa lugar na yun Dinala ko siya sa lugar na walang tao "Ano ba Aze!! Ano na bang pumapasok sa utak mo!!. Anong sinasabi mong girlfriend mo'ko!!. Kanina ka pa sa room!!"ani ko pero hinanaan ko lang ang boses ko, baka may makarinig pa kasi "Pumayag ka naman diba??" "May sinabi ba ako???" "E, bakit umoo ka kanina nung magtanong si Peter na magjowa ba tayo??. Diba ang ibig sabihin nun ay pumapayag ka" Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa inis ng lalaking to. Kainis!! ____________________________________ Aze POV Alam kong kanina pa naiinis si Ziara sa mga ginawa ko. Ang cute niya kasi. "Bahala ka nga!! Huwag ka nang magpapakita sa akin pa!!" Aniya at umalis Napangisi na lang ako "Uy babe!!" Tawag ko at sinundan siya pero hindi mn lang ako nito nilingon ___~END OF CHAPTER 9~___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD