____________________________________
Ziara POV
~~KINABUKASAN~~
Nagising na lang ako ng may yumugyog sa akin. Pagdilat ko ng mata ay si Zhake pala
"Zhake naman!. Natutulog pa yung tao oh!!" Ani ko at bumalik na sana sa pagtulog
"Ate, may naghahanap sayo sa labas!"
Nagulat na lang ako sa sinabi niya kaya agad akong bumangon. Nahulog naman siya sa kama. Maliit lang kasi ang kamang to
"Ate naman!"
"Sorry!!" ani ko at tinulungan siyang tumayo
"Sino yung naghahanap sa akin??"
"Pinapasok na po ni papa. Anak kasi yun ng boss niya. Aze ata ang ngalan??. Oo tama!. Si kuya Aze!!"
(Si Aze??? Anong ginagawa niya dito??)
"Bakit daw??"
"Ewan ko po. May importante raw kayong pag-usapan"
May bigla na lang akong naalala
___~FLASHBACK~___
"Bakit ano ba kayo?? Hindi naman kayo magjowa ah!" depensa ni Peter
"Girlfriend ko siya. Diba babe??" sambit naman nj Aze at inakbayan ako
Nagulat naman ako sa sinabi niya
"Totoo ba Ziara??" Napatingin ako kay Peter
"Ah, o-oo. Sorry ha?. Nakalimutan ko lang" ani ko
Ngumisi naman itong si Aze kay Peter.
~END OF FLASHBAC K~
Nagulat na lang ako ng maalala yun
(Patay ka Ara!!!!) Saad sa isipan ko at dali-daling lumabas ng kuwarto
Pagkadating ko sa sala ay nadatnan ko si mama, papa at Aze na nakatayo. Ang lalim ng tingin ni papa kay Aze
"Pasalamat ka't anak ka ng boss ko kaya kita pinapasok sa pamamahay ko. Pero ito tatandaan mo, hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa anak ko" galit pero mahinahong sambit ni papa
"Ma, pa. Puwede po bang doon muna kayo?? Ako na po ang bahalang kumausap sa kaniya" nakangiti kong sambit sa kanila
____________________________________
Tita Klea POV (mama ni Ara/Ziara)
"Sge anak" ani ko at tinulak si Welton papuntang kusina
"Bakit mo naman sinabi yun??. Ikaw talaga!" mahinang sambit ko habang papunta kami sa kusina
"Para matakot ba" sabi naman niya at mahinang tumawa
____________________________________
Back to Ziara POV
Pagkaalis ni mama at papa ay nilapitan ko kaagad si Aze
"Hoy! Bakit ka pumunta dito!!?. Sira na talaga ang utak mo noh!!. At pa'no mo nalaman ang bahay namin, ha??" singhal ko sa kaniya pero dumistansiya ako. Hindi pa ka si ako nagmogmog
"Ziara, my babe. For your information, kaya ako pumunta dito, dahil kailangan nating magpractice para ngayong Monday. Remember??"
(Oo nga pala. Bwisit na Mapeh!!!)
"Ang aga-aga mo pa ha!?"
Tumingin naman siya sa relo niya
"Maaga?? O ikaw lang tong late gumising"
Tumingin naman ako sa orasan namin. (8:40 na pala)
(Hay!! Kainis talagang lalaking toh!!)
___~HOUSE OF BRAZE SUAREZ~___
Wala akong ibang nagawa kundi sumama sa lokong toh!. Para din naman ito sa grades namin. Ano ba kasi ang pumasok sa kokote ni Sir!
Dito pa lang sa loob ng sasakyan ay namangha na ako sa kalakihan ng bahay nila. Hininto naman ni Aze ang kotse niya. Kaya bumaba na ako. Ayokong pagbuksan pa niya ako
Dali-dali naman siyang naglakad papasok sa bahay nila na animo'y walang kasama. Kaya ako na ang nag-adjust. Sinundan ko na lang ito
Pagpasok namin sa loob ay bumungad agad si Blaire sa amin. Pero hindi niya ako nakita. Kasi nasa likuran ako ni Aze
"Kuya, saan ka ba nagpunta. Ang aga-aga mong nawala" ani Blaire at mukhang aalis ata
"Its none on your business" cold na sambit ni Aze
(Hahampalusin ko kaya toh??)
"Uy Ziara!! Nandiyan ka pala. I didn't see you there!" Nakita pala ako ni Blaire
"Good morning Blaire!" Bati ko dito at ngumiti sa kaniya
"Good morning. Ikaw ba ang pinuntahan ni kuya kani-" hindi na naituloy ni Blaire ang kaniyang sasabihin ng hilahin ako ni Aze
(Ang hilig niya talagang manghila noh??)
"Hanggang kailan pa kayo magchichismisan??" aniya
"Di naman kuya. I need to go na nga eh!"
"Umalis ka na wala akong pakialam"
"Ok. Bye na lang Ziara"
Ngitian ko na lang si Blaire at umalis na din siya
____________________________________
Nandito kami sa kuwarto ngayon ni Aze. Maging dito ay sobrang laki. Kalahati lang siguro ang sala namin dito
"Uy Aze!!, sabi mo mag-pra-practice tayo!!. Bat naglalaro ka lang diyan!" Ani ko sabay hampas sa kaniya
Hindi siya sumagot at tinuon ang atensyon sa paglalaro
"Bahala ka nga!!. Magpeperform akong mag-isa!!" Ani ko at umalis
Pero hindi pa mn ako nakalabas sa kuwarto niya ay nahawakan niya ang kamay ko
"Bawal kang umalis!. Dito ka lang!"
Nagtataka naman ako sa kaniya
"Mas mabuti pang uuwi na lang ako. Kaysa dito na wa-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya
"Pag sinabi kong bawal umalis. Ay bawal ha?? May gagawin pa tayo" aniya at ngumisi ng nakakaloko
(Mukhang alam ko na ang binabalak ng lalaking to ah!)
Tumakbo ako sa may pinto pero naunahan niya ako. Dali-dali niya iyong sinara at nilock
"Aze!. Papatayin talaga kita kapag may ginawa ka sa akin. I swear!. Hindi talaga ako magdadalawang isip!"
Lumapit naman ito sa akin na ngumisi ng nakakaloko. Umatras lang ako ng umatras habang papalapit siya sa akin
"Ziara, wala si Blaire. Wala sila mom and dad. Nasa baba sina yaya. We can do whatever we want"
"Aze. Isusumbong kita kay papa. Ipapakulong talaga kita" pananakot ko sa kaniya pero mukhang wala lang sa kaniya
"Wala akong pake" diin niyang salita
Hanggang sa wala na akong maatrasan. Tuma kbo ako kahit saan. Pero nahuli pa rin niya ako. Binuhat niya ako hanggang sa kama
"YAYA ELA!!! TULUNGAN NIYO 'KO!!!" malakas na sigaw ko
"Sssshhhh!. Hindi sila makakarinig sa'yo"
"YAYA ELA!! MAY r****t DITO!!!" sigaw ko ulit at nasa kama na talaga ako at pumatong sa akin
Tinakpan naman niya ang bibig ko
"Huwag ka kasing maingay"
____________________________________
Aze POV
Huwag kayong ano diyan ha!!. Iniisin ko lang tong si Ziara
Natigilan na lang ako ng tumingin ako sa mga mata niya. (Her eyes, is so much damn beautiful. And her lips, nakakaakit)
(My ghodd ano na bang nangyayari sa akin???)
Nabalik na lang ako sa realidad ng tinulak niya ako at nandito na ako sa sahig
____________________________________
Ziara POV
(Hay!. Salamat. Nakatakas din ako sa kaniya)
Tumakbo lang ako ng tumakbo. Tumigil lang ako dahil hingal na hingal ako
Sa kalalakad ko dito ay napadpad ako sa isang silid. Aalis na sana ako sa silid na iyon, pero nahagilap sa mata ko ang isang picture frame. Nilapitan ko ito
Si Aze at isang napakagandang babae. Mukhang ang saya-saya nila sa larawan na 'yun
Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Medyo pareho lang to ng kalaki sa kuwarto ko. May iba't-ibang pictures. Puro sina Aze at nung babae
Sa bandang gilid naman ay merong gitara. Sa kabila ay may malaking teddy bear. Alam niyo ba yung collections??. Parang ganun
(Ka ano-ani kaya ni Aze ang babaeng ito??) Tanong sa isipan ko
"Anong ginagawa mo dito??"
___~END OF CHAPTER 10~___