CHAPTER 11

1287 Words
____________________________________ Still Ziara POV “Anong ginagawa mo dito??” Halos mabitawan ko ang picture frame nung may nagsalita. Pagtingin ko, ay si Aze lang pala. Nakapamulsa ito at seryosong tumingin sa akin Ibinalik ko muna yung picture frame at balik tingin muli kay Aze “Sorry Aze, naligaw kasi ako, kaya Napadpad ako sa silid na ito” ani ko “Bawal kang pumasok diyan” aniya at kinaladkad ako palabas ng silid “Sorry” ani ko habang naglalakad kami “No!. Its okay. Basta sa susunod ay huwag ka nang pumasok sa kuwartong yun” aniya sabay hinto at tumingin sa akin “Okay” mahinang sambit ko.“Aze?” “Yes??” “Iinom lang ako ng tubig ha??” “Sure!. Nandon lang sila yaya sa baba. Balik ka na lang ulit sa kuwarto ko, para makapag-practice na tayo” “Sge” ani ko at umalis na siya ‘Ano kayang nangyari dun?? Kanina lang ay parang ewan, ngayon ay seryoso na naman. Hayst!. Bahala siya!’ Saad sa isipan ko at nagsimula nang maglakad ____________________________________ Tapos na akong uminom ng tubig. Kaya't napagdesisyonan kung magchikahan muna kay Yaya Ela na naghahanda ng pananghalian siguro. Meron ding dalawa pang kasambahay dito. Puwede lang naman sigurong magchikahan diba?? “Uhmm. Yaya Ela??” Nakuha ko naman ang atensyon niya habang nagsli-slice ito “Yes, iha!. May kailangan ka ba??” Aniya at balik sa pagslice “Ako po pala si Ziara. Ara na lang po, para mas maliit” “Naku! Hindi pa mn kita kilala ng lubusan Ara, nararamdaman kong mabuti kang bata” aniya sabay ngiti "Salamat na lang po kung ganon" ani ko at ngitian din siya “Ara?? Tama ba??” Ani nung isang kasambahay “Opo” sagot ko “Magkaibigan ba kayo ni Sir Aze??” “Hindi ko alam kung magkaibigan ba kami ng lalaking yun. Ni hindi ko nga alam kung anong ugali nun. Minsan, seryoso, minsan abnormal” sambit ko Tumawa naman sila “Heheheh. Pagpasensyahan mo na yang si Sir. Minsan nga masungit sa amin, pero may bait din naman siya” yaya 2 “Akalain mo Ziara este Ara. Ikaw lang unang babaeng dinala dito ni Sir! Simula nung...” saad nung yaya 1 at parang nagdadalawang isip kung itutuloy niya ang sasabihin niya “Simula nung, ano po??” corious kong tanong “Rose!! Ang daldal mo na!!” Suway ni Yaya Ela “Yaya Ela, ano pong simula nung??” Takang tanong ko “Pasensya ka na Ara. Papagalitan kasi kami ni Sir Aze kung sasabihin namin sa iyo” aniya kaya tumahimik na lang ako “Mas mabuti ding, sa kaniya mo mismo makukuha. Kaysa sa amin” dagdag nung yaya2 “Ah, sige po. Ilan taon na po kayong nagtratrabaho bilang yaya dito??” iniba ko na lang ang topic “Mag-a-apat na taon na akong nagtratrabaho dito” ani Yaya Rose “Ako namn, ay magdadalawang taon pa lang” ani nung yaya 2 naman “Eh ikaw po, yaya Ela??”-ako “Simula supling pa yang si Sir Aze ako na ang yaya niyan. Parang ako na nga ang tinuturing niyang mama. Pero sabi ko naman sa kaniya na yaya niya lang ako” sagot ni yaya Ela “Bakit po?? Asan po ba, mama at papa niya/ nila??” “Palagi na lang nasa trabaho. Wala na nga silang oras para sa mga anak nila” sambit ni Yaya Ela “Ano ka ba Rose!! Para din naman yun sa dalawa!! Naiintindihan na nila yun!!” yung Yaya 2 naman “O siya!. Huwag na tayong magdaldalan dito. Kayong dalawa, alam niyo na gagawin niyo ha??. Puntahan ko na si Sir Aze, para mananghalian na” ani yaya Ela “Sge po” sagot naman nung Rose “Makakaasa po kayo” ani nung yaya 2 Aalis na sana si Yaya Ela ng pigilan ko “Yaya Ela!” Sabay pigil ko sa kaniya “Bakit iha??” “Puwede po bang, ako na lang po ang tatawag kay Aze??. Kahit yun lang po. Para makatulong din naman ako sa inyo kahit konting pamamaraan” “Bisita ka dito Ara” “Ok langpo. Di naman po ako sanay na walang gagawin. Plsss po!!” Pagmamakaawa ko dito “Sge na sge na. Mapilit kang bata ka” “Salamat po” ani ko at umalis na ____________________________________ “Aze????” Ani ko habang binubuksan ang pinto ng kuwarto niya Pagpasok ko sa loob ay, wala siya. Kaya hinanap ko ito “Aze??. Asan ka na bang lalaki ka!” Nagulat na lang ako nang may nagsalita sa likod “Ziara ang tagal mong nakabalik ah!” Pagharap ko sa kaniya ay nagulat ako dahil naka tuwalya lang ito. Kaya agad kong tinakpan ang mga mata ko “Ba-ba't ka naka tuwalya lang??” Ani ko habang hindi pa rin inaalis ang mga kamay sa mata “Malamang naligo. Naiinip na kasi akong kakaantay sayo. Kaya naligo na lang ako” “At isa pa, masuwerte ka dahil ikaw lang ang nakatingin sa katawan ko. It's free kung titigan mo lang ang katawan ko, basta ikaw, my babe” ‘Abnormal talaga to noh?? Kanina sobrang seryoso, ngayon. Hayst!!’ “Babe mo mukha mo!. Pinapasabi pala ni Yaya Ela na bumaba ka na raw, kasi kakain na” ani ko at lumabas sa kuwarto niya ____________________________________ After maglunch ay bumalik agad kami sa kuwarto niya. Magpapractice. Kaya eto ngayon pinagtatalunan namin kung ano ang kakantahin namin “Ikaw at Ako, by Moira and Jason na lang kasi Aze” sumbat ko “Ayoko. Marami pa mn dyang iba na maganda kaysa sa kantang 'yan” “Bakit ba?? Wala namang problema sa kantang ito!” “Ayoko. Ayoko. Ayoko” diin niyang sambit “Ok fine!!. Ikaw naman ang nanalo!!. Ako na mag-aadjust ha??” Nakaabot talaga kami ng isang oras at kalahati sa pag-aaway lang sa aming kakantahin ____________________________________ “Uhmm Aze??” ani ko at habang siya ay nakahiga katabi ko “Yes babe?” Aniya kaya't binatukan ko “Huwag na huwag mo akong tawaging babe. Walang tayo. Okay??” “E, sa gusto kong inisin ka. Hahahah” Di ko na pinansin ang kaniyang sinabi kaya't nagtanong na ako. Corious lang ako dun sa magandang babae kanina “Yung pinasukan kong silid kanina. May nakita akong picture. Ikaw at isang magandang babae. Sino siya Aze??” Ilan segundo pa siyang tumahimik bago nagsalita “Siya si Zilianna for short Anna” “Ah!!. Sino sya sa buhay mo??. Bakit halos lahat ng pictures niya ay nasa silid na yun??” “Bakit ko naman sasagutin yan!!. Pagkatapos mo akong takasan kanina” aniya pero inirapan ko lang siya “Akala mo talaga na may gagawin ako sayo noh!!. Hahahah. Tawang-tawa na ako sa iyo kanina. Pero pinipigilan ko lang. Hahahah” aniya at tumawa pa “Alam mo namang na trauma ako sa pangyayaring yan diba??. Ayoko nang maalala o balikan pa muli” “Paano na lang kapag nakakaasawa ka na. Hindi kayo makakapag-gawa ng baby, dahil lang sa trauma na yan!” “Kung mahal niya ako, maiintindihan niya. Hindi naman ibig sabihin na, hindi ako mabubuntis. Kung tutulungan niya akong makalimot, maraming salamat. Pero sino kaya yung taong makakasama ko habambuhay noh!!??” “Puwede bang ako na lang??” Napatingin ako kay Aze “Sira ka talaga!!” Ani ko at binatukan ulit siya “Isa pa, hahalikan talaga kita” Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Parang namula na kasi ako. My heart. Ang lakas ng t***k niya ____~END OF CHAPTER 11~____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD