bc

Destiny's Timeline (Taglish/Cmpleted)

book_age16+
381
FOLLOW
1.5K
READ
love-triangle
second chance
drama
tragedy
sweet
Writing Challenge
bxg
betrayal
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Broken-hearted, miserable and hurt. Sa mundong kasuko-suko na ay pinilit pa rin ni Destiny na maging matatag. Kahit na nandoon na sa kaniya ang katanungan na bakit nangyayari ito sa buhay niya ganong dapat sana ay umayon ang tadhana sa kaniya dahil kapangalan na niya iyon.

Siguro nga ay nakatadhana na mabuhay siya sa mundong ito na pasan-pasan lahat ng problemang dumadating sa buhay niya.

Ngunit bakit noong dumating sa buhay niya si Reeve ay biglang nagkakulay ang mundo niya? Si Reeve na isa sa vocalist ng bandang paborito niyang panoorin mula sa tanghalan sa isang coffee shop.

Simula nang nag-krus ang landas nilang dalawa ay natuto siyang magpahalaga, magmahal at higit sa lahat magpalaya.

Date Started: October 28, 2019

Date Ended: January 4, 2020 (3:41 pm)

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Destiny.   "BYE, Ma'am Des." Nakangiti at kumakaway na paalam ni Chesca sa akin. Isa sa magiliw at makulit na istudyante ko na nasa ikatlong baitang.    Napangiti ako at kumaway pabalik sa kaniya. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko sa teacher's table at isinilid sa bag ko ang mahahalagang bagay na iuuwi ko.   "Des, tara sa Walang Forever 143!"    Napatigil ako sa pag-aayos at napatingin kay Kris na naghihintay sa labas ng klasrum ko. Siya ang isa sa ka-close ko na co-teacher ko. Napakamasayahin niya kaya masarap kasama.   Napaisip naman ako bigla kung busy ba ako mamayang gabi. Ah, oo nga pala gagawa ako ng lesson plan ngunit baka ipagpapaliban ko muna. Gusto ko din magpahinga sa coffee shop ngayon at makinig sa bandang Harmony. Sa banda ba mismo o gusto mong titigan ang bokalista nila? Napairap ako sa tanong na sumagi sa isip ko. Hindi ko naman itatanggi na ang gwapo nilang lahat ngunit nakakaakit lang talaga ang lalakeng kumakanta dahil siya ang umaangat sa paningin ko.    "Des, ano?" Tanong ulit sa akin ni Kris. Kumibot ang labi ko bago tumango sa kaniya.   Kumislap naman ang mga mata nito sa tuwa dahil sa pagpayag ko. "Black coffee for her and Latté for me." Nakangiting sabi ni Kris sa order naming dalawa.   "Bakit ngayon ka nag-aya?" Tanong ko bigla sa kaniya.    Nakakapagtaka lang. Nag-aaya kasi ito tuwing may okasiyon o kaya naman ay may magandang balita ito sa akin. Mukhang good mood na good mood pa siya ngayon.   "Omg! Sinagot ko na si Ferdinand!" Excited na balita nito. Napahagikhik naman ako dahil sa itsura pa lang niya ay alam ko na masaya na siya. Engineer si Ferdinand na siyang kasalukuyang may hawak ng pagsasagawa ng bagong building sa Angel School.   "Masaya ako para sa inyo. Matagal ka din na niligawan ni Ferdinand." Natatawang sabi ko. Isa ako sa saksi kung paano magtago ng kilig si Kris sa tuwing pinapadalhan siya ng mga liham ni Ferdinand bagamat hindi na uso iyon. May isa pa ngang kahon na pagmamay-ari ni Kris kung saan doon niya iniipon ang mga bigay na sulat ni Ferdinand.    "I'll be blessing you two." Natatawang biro ko.   "Yes po, Ate Destiny. Huwag niyo po kaming paghihiwalayin." nakangiting sakay nito sa biro ko at sabay na lamang kaming natawa nang mahina sa kalokohan namin.    Sadiyang may mga tao talaga na swerte sa pag-ibig. Nakakalungkot lang dahil hindi ata ako isa sa kanila. Minsan na akomg nabigo sa pag-ibig na siyang naging dahilan kung bakit ngayon ay takot na akong magmahal muli.    "Des, ayos ka lang?"    Napaayos ako nang upo dahil sa tanong niya. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.   "Ah? Ano, ayos lang ako. Pagod lang siguro. Ang kulit ng mga bata kanina." Palusot ko na mukhang kinagat naman niya.   "Yes! Makulit talaga sila at alam ko namang sanay ka na. Ikaw pa ba? Jusko, favorite teacher ka nga ata ng mga studyante mo."    Nangingiting napailing na lamang ako.   Maya-maya ay dumating na ang order namin kasabay nito ang pag-akyat ng pamilyar na mga lalake sa maliit na entablado dito sa coffee shop.    Panandaliang bumagal ang takbo ng oras nang makita ko ang lalakeng hinahangaan ko sa malayo.   "Good evening, everyone. This is The Harmony."    Nagpalakpakan naman kami nang nakita namin na naghahanda na sila sa pag-awit nila. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Reeve.   Reeve Montes. Ang lalakeng nakakuha ng atensiyon ko sa kanilang lima. Siya ang madalas na vocalist sa kanila. Nakakagaan ng pakiramdam iyong boses niya. Hindi nakakasawang pakinggan. Isa siya sa dahilan kung bakit bumabalik-balik ako sa coffee shop na ito.   I saw the familiar playful smile on his lips. Kusa akong nahawa sa ngiti niya na dahilan para makita ko ang dimple nito. May ilang napakagikhik at hindi napigilan na kiligin sa kaniya at napailing na lamang ako.   "This song is dedicated for someone I admire from a far. Nagtatama ang paningin naming dalawa pero nakakatawa dahil hindi namin kilala ang isa't isa ngunit hindi niya alam na sa simpleng pagtitig niya sa akin ay nahuhulog ang loob ko sa ngiti at kislap ng mga mata niya."   Natahimik ang ilan sa sinabi niya. Kahit ako natahimik rin. Napaka-swerte ng babaeng gusto ni Reeve. Alam kong pare-parehas kami ng nasa isip ngayon.   "Gosh, may love life na pala si Papa Reeve mo." Bulong ni Kris sa akin at napainom na lamang ako ng kape ko. Hinayaan kong gumuhit ang pait ng black coffee sa lalamunan ko.   Taga-hanga lang naman niya ako. Bakit naman ako aasa na magiging akin ang isang bituin na kumikinang sa taas kung ako ay isang taga-lupa lamang na nakatadhanang humanga sa kaniya mula sa ibaba.   "Ang corny mo, Reeve! Kumanta ka na lang." Natatawang biro ni Gideon na siyang guitarist ng banda. Napailing naman si Reeve at hinawakan na ang mikropono sa harapan niya.    Nagsimulang tumugtog ang kantang 'Bulong' ng December Avenue. Napapikit ako nang marinig ko muli ang napakalamig na boses ni Reeve na punong-puno ng emosiyon.   "Hindi masabi ang nararamdaman Hindi makalapit sadyang nanginginig na lang Mga kamay na sabik sa piling mo Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo" Minulat ko ang mata ko. Hindi ko alam kung nililinlang ba ako ng aking paningin o sadiyang sa akin nga nakatitig si Reeve? "Ako'y alipin ng pagibig mo Handang ibigin ang isang tulad mo Hangga't ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin" Umiwas siya ng tingin sa direksiyon ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali sa isipin na nasa direksiyon ko nakatingin si Reeve. "Hindi mapakali Hanggang tingin nalang Bumubulong sa'yong tabi Sadyang walang makapantay Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko Ako'y alipin ng pagibig mo Handang ibigin ang isang tulad mo Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin Ohhh woahhhh..." "Ako'y alipin ng pagibig mo Handang ibigin ang isang tulad mo Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin Ng mga bituin Ng mga bituin" Muling nagtama ang paningin namin sa pagkakataong ito at nagulat ako sa pag-ngiti niya sa akin. "Goodness! Sa atin ba ngumiti si Reeve, Des?! Oh my gosh! Pwedeng mag-cheat for a minute? Omg, kinilig ako eh." Kinikilig na sabi ni Kris samantalang natulala naman ako at hindi ko alam ang reaksiyon ko. "Ng mga bituin" Huling linya na sinabi niya bago natapos ang kanta nang hindi inaalis ang tingin sa direksiyon namin ni Kris. Bakit ganito? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Anong nangyayari? Bakit parang wala akong naririnig ngayon at tila ang buong atensiyon ko ay na kay Reeve lamang. Napailing ako sa iniisip ko. Walang nangyayari. Hindi ako magpapalinlang. Mabilis kong inubos ang kape ko. "Teka, nagmamadali ka ata Des?" Tumango ako. "May nakalimutan akong gawin. Uuwi na ako." Tumayo na ako at nagpaalam kay Kris na mukhang dismayado sa biglaang pag-alis ko.   "Miss, wait!"   Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon at ang paghawak nito sa kamay ko.   Agad ko itong nilingon at kahit natataranta na ay pinilit kong maging kalmado.   "B-Bakit? Anong kailangan mo sa akin?" Nagtataka ngunit kalmadong tanong ko kay Reeve.   Gusto kong manghina dahil nasa harapan ko siya ngayon. Ang lalakeng hinahangaan ko ay nandito lamang sa harapan ko!     "Gusto kong malaman ang pangalan mo." Nahihiyang sabi nito at nakita ko kung paano siya pamulahan ng tenga.   Napamaang naman ako.   "No." Bigla na lamang iyon na lumabas sa bibig ko. Gusto ko mang bawiin ay huli na ang lahat.   Bumuka ang bibig ni Reeve na tila may sasabihin pa ngunit mabilis akong umalis at iniwan siya. Napagat na lamang ako ng labi ko nang marinig ko ang isang sigaw.   "DESTINY VERDADERO! IYON ANG PANGALAN NIYA. KAIBIGAN KO IYAN!"   Kris, humanda ka sa akin bukas.    It's August 13, 2019 when the great Reeve Montes had known my existence.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
45.6K
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K
bc

SILENCE

read
393.6K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
444.8K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
208.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook