Chapter 13

1328 Words
Chapter 13 - Destiny's Timeline Destiny. PINANOOD ko kung paano alalayan ni Reeve si Lola habang ako ay nakasunod sa kanilang dalawa. Hindi ko maiwasan na mapangiti at isipin na maswerte ako dahil nandito sa tabi ko si Reeve. Nawala na ang tampo ko sa kaniya kanina, Unang beses lang naman na nangyari iyon kaya hindi ko na ginawang big deal pa. Mukhang excited pa man din si Reeve sa mangyayari ngayon sa coffee shop at ayokong sirain ang araw niya dahil lang sa pagtatampo ko. Pinaupo kami ni Reeve sa bakanteng upuan. Nakakapagtaka lang dahil wala gaanong customer ang coffee shop. Maya-maya lang rin ay nagdatingan na ang mga ito ngunit pawang mga kakilala ata ni Reeve ang mga ito sapagkat lumalapit ang lahat ng mga ito at bumabati sa kaniya. "Hello, Destiny." Bati ni Jix sa akin at ngumiti naman si Dylan na kasama niyang nagse-set up ng instruments sa mini stage. "Hi din po!" Nakangiting bati niya nang makita si Lola sa tabi ko. "Ang babait na bata." Puri ni Lola nang makaalis ang dalawa. "Wala pa si Gideon at Emerson. Tiyak magugustuham niyo din sila, La." Mabilis silang nakapag-set up ng mga instruments sa stage. Sabay din na dumating si Emerson at Gideon na ayon sa kanila ay matindi daw ang traffic sa labas kaya nahuli sila. Habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang bisita. Iniinom na nga namin Lola iyong inorder na coffee ni Reeve para sa amin. Si Reeve naman ay kanina pa hindi mapakali at aligaga sa pag-aayos. Kinakabahan ba siya para sa performance nila? Ngayon ko lang siya nakita nang ganito. Maya-maya ay nagtama ang paningin naming dalawa. Noong una ay nagulat siya na mahuli din ako na nakatingin sa kaniya ngunit pagkaraa'y ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay. Akmang tatayo na sana ako para lumapit kay Reeve nang pigilan ako ni Lola. "Hayaan mo muna, busy siya." Umiling ako. "Nag-aalala ako dahil mukhang kinakabahan siya." "Ayos lang si Reeve apo." Huminga na lamang ako nang malalim bago naisip na ipagsawalang-bahala na lamang iyon at maniwala na ayos lang talaga siya. Nang dumami na ang customers sa coffee shop ay umakyat na din sila Reeve sa entablado. Katulad ng dati ay agad na naagaw nila ang atensiyon ng nakararami. Hindi ko maiwasan na maging proud habang nakatingin sa kanila. Sa mga nakalipas na araw ay napalapit ako sa buong miyembro ng The Harmony. Totoong mababait sila at masayang kasama kahit na madalas ay panay kalokohan ay biruan ang lumalabasa sa bibig nila. Kung ikukumpara ko sa dati, parang ang layo-layo ko noon sa kanila pero sino nga ba naman ang mag-aakala na pagdudugtungin ng tadhana ang landas namin? Tumutok ang mata ko sa direksiyon ni Reevena kumpara kanina mas kalmado na siyang tingnan ngayon. Posible ba na umaayos na sa akin ang tadhana? Nagsimula ng tumugtog ang banda ng Harmony. Sa totoo lang ay wala namang espesyal na araw para sa coffee shop. Parang katulad lang ng dati ngunit kaya siguro kami inimbitahan ni Reeve ay iyon ay para makita din ni Lola kung paano sila magperform. Nihira lang makalabas ng bahay ang Lola kaya panigurado masaya din siya ngayon na nandito na siya. Binalingan ko si Lola habang matamang nanood kila Reeve na nagpeperform sa harapan ng The Man who can't be moved by The Script. Napangiti ako at binalik ang mata ko sa harapan at nahuling nakatingin si Reeve sa gawi namin. Kinindatan niya pa ako na ikinailing ko pero hindi ko itatanggi na kinilig ako. "'Cause if one day you wake up and find that you're missing me And your heart starts to wonder where on this earth I could be Thinkin' maybe you'll come back here to the place that we'd meet And you'll see me waiting for you on our corner of the street So I'm not moving, I'm not moving" Pagkanta ni Reeve na sinabayan pa ni Gideon. Ang ganda ng blending ng boses nila. Enjoy na enjoy din si Jix at Emerson sa pagtugtog sa electric guitar na hawak nila gayundin si Dylan sa paggamit nito ng drums. "Going back to the corner Where I first saw you Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move." Reeve sings as he closed his eyes and I immediately smiled. Is he reminiscing the day we've fist met? 'Cause I'm doing it too. Pagkatapos ng kanta ay bumaba si Dylan at Jix na magkasama. Pumunta si Gideon sa piano at si Emerson ay naiwan sa pagtugtog ng gitara. Kumuha din si Reeve ng sarili niyang gitara at muli ay nagsimula na silang kumanta. Agad na nanindig ang balahibo ko nang tinugtog nila ang intro ng kantang Ngiti. "Minamasdan kita Nang hindi mo alam Pinapangarap kong ikaw ay akin Mapupulang labi At matinkad mong ngiti Umaabot hanggang sa langit Huwag ka lang titingin sa akin At baka matunaw ang puso kong sabik" Tumingin panandalian si Reeve sa audience at ngumiti kaya naghigikhikan ang ilang kababaihan sa loob ng coffee shop. "Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay gagalaw Ang mundo ko'y tumitigil Para lang sayo Ang awit ng aking puso Sana'y mapansin mo rin Ang lihim kong pagtingin" Sa pagkakataong ito ay sa akin naman siya tumingin. "Minamahal kita ng di mo alam Huwag ka sanang magagalit Tinamaan yata talaga ang aking puso Na dati akala ko'y manhid Hindi pa rin makalapit Inuunahan ng kaba sa aking dibdib Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling (Sa iyong ngiti) Sa tuwing ikaw ay gagalaw Ang mundo ko'y tumitigil Para lang sa'yo... (Para lang sa'yo ang awit ng aking puso) Sana ay mapansin mo rin... Ang lihim kong pagtingin Sa iyong ngiti." Pagkatapos niyang kumanta ay biglang namatay ang ilaw sa coffee shop at biglang may spotlight na tumama sa direksiyon ko. Napamaang ako sa pangyayaring iyon. Parang nawala ang boses ko at hindi ako makapagsalita. Sa akin tumutok ang atensiyon ng mga tao sa coffee shop. Tanging ang pagbilis ng t***k ng puso ko ang naririnig ko. Ang mga mata ko ay tanging kay Reeve lang nakatingin. Bumagal ang mga pangyayari sa paligid maging ang pagbaba ni Reeve ng stage at ang paghawak niya sa kamay ko patungong stage. Tumugtog ang kantang Mabagal nila Daniel at Moira. Bigla na lamang akong isinayaw ni Reeve na ikinabigla ko ngunit sumabay na lamang ako. Gustong-gusto ko nang itago ang mukha ko sa dibdib niya dahil nag-iinit ang mga pisngi ko sa hiya. Iniisip ko ang mga matang nakatingin sa amin ngunit nang hinapit ako ni Reeve papalapit sa kaniya ay natigilan ako. "Breath, babe. I-enjoy mo iyong sayaw natin. Minsan lang pumapayag na kumanta si Emerson." Nakangising aniya na ikinatawa ko nang mahina dahil doon ay kumalma ako nang kaunti. Ang ganda ng boses ni Emerson. Though expected ko na maganda talaga ang boses nilang lima ngunit hindi ko akalain na may kani-kaniya silang timbre at ang kantang ito ay sadiyang bumagay sa boses ni Emerson. "Gusto kitang isayaw nang mabagal Gusto kitang isayaw nang mabagal Hawak kamay Pikit-mata Sumasabay sa musika Gusto kitang isayaw nang mabagal Ito na ang kantang hinihintay natin Ito na ang pagkakataon na sabihin sa'yo Ang nararamdaman ng puso ko Matagal ko nang gustong sabihin ito" Biglang huminto si Emerson sa pagkanta at patakbong inabot ni Dylan ang mic kay Reeve at tinapik pa ang balikat nito bago umalis. Napasinghap ang lahat ng lumuhod sa harapan ko si Reeve at hawak ang kamay ko. Nakatitig ang mga mata nito sa akin. Mukha siyang kinakabahan ulit at ganun din ako. H-Hindi kaya? "Destiny Verdadero, mula nang makilala kita hinihintay ko na lagi ang pagdating mo dito sa coffee shop para panoorin ang performance ng banda namin. Nang magkaroon ako ng lakas ng loob ay tinanong na kita kung ano ang pangalan mo pero tinakbuhan mo lang ako sa unang pagkikita natin. Hindi ko din sukat-akalain na Lola mo pala si Manang Rosita. Mukhang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana." Huminga nang malalim si Reeve. Naluha naman ako sa sinabi niya. Tadhana. Nang banggitin niya ang salitang iyon ay nagkaroon ako ng pag-asa. "Destiny, sumasang-ayon ka ba na nakatadhana tayong dalawa para sa isa't isa? Destiny, can you be my girlfriend?" Napatuptop ako ng bibig ko. October 15, 2019 Finally, I opened my heart again for Reeve and now I'm his girl friend! Say bye to single life, Destiny. To the real Destiny, hope you let me become happy this time.  . . . Are you enjoying the story? Vote and leave some comments! What do you think will happen next?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD