ISAGANI NADALA ako ng emosyon at damdamin ko na biglang kumawala sa akin para kay Vanna, kaya hindi ako nakapag-isip ng tama. Masyado mabilis ang lahat sa amin at muntik na ring may mangyari sa amin dahil sa kapusukan ko na sinagot din naman ni Vanna agad. Pero siguro nga ay nasa tama pa kaming wisyo din ni Vanna kaya ns control pa namin ang dapat maganap.Dahil kung wala na siguro ako sa wisyo ay sana na tuloy na may maganap sa amin. Takot at kaba kasi ang agad na namayani sa akin ng makita kong putlang putla si Vanna. Hindi ko alam kung na takot ba siya sa akin o kung ano man. Mabilis na nakabawi ako sa pagnanasa ko maging sa init na lumukob sa akin, dahil ang tanging gusto ko lang ng mga sandaling ‘yun ay maging maayos ang lagay ni Vanna. Naging maayos naman din agad ang paghinga niya k

