Habang abala si Zachary sa pag-iwas kay Monica. Si Candice naman ay araw araw naman na pinapasaya ni Noe sa isla. Minsan ay halos araw-araw ito na may dalang bungkos ng mga sariwang bulaklak na pinipitas pa nito sa garden ng Ina nito na mahilig din sa mga bulaklak kaya nga kapag nandoon si Maliyah ay tuwang tuwa ito na pagmasdan ang mga bulaklak. “Noe,anak kami ay matanda na at hindi na bumabata kailan ba kayo magpapakasal ni Maliyah ng makapamanhikan na tayo sa kanyang mga magulang!?” Tanong ng Ina ni Noe dito. “Nay,naman hindi pa nga po ako sinasagot si Maliyah tapos kayo naman po diyan ay excited pa sa akin na ikasal kami!”Sagot ni Noe dito na lubhang napakasarap na pakinggan mula sa kanyang Ina na gusto din nito si Maliyah para sa kanya na hindi nito tinitingnan ang panlabas na any

