Habang nasa isla si Candice at namumuhay ng matiwasay,sila Zachary at ang kanilang anak naman ay kahit papano ay unti-unti na din ng mga ito na natatanggap ang pagkawala ni Candice. “Zach, pirmahan mo na ang project na ito ng sa gayon ay makapagsimula na ang building team natin para sa masimulan ito!” Bungad ni Monica kay Zachary na abalang nagtitipa sa kanyang laptop,dahil may importante ito na sinesend na email sa mayor ng Isla Verde dahil gusto nito na tingnan ang site ng isla dahil ng makita ni Zach sa isang website ang ganda ng Isla ay agad siyang nabighani sa ganda nito kaya naman gumawa siya ng paraan para makontak ang mayor ng nasabing Isla. Nang matapos sa ginagawa nito ay saka niya binalingan ng tingin ang kanyang secretary. “Ito ba iyong proposal na binigay mo sa akin ng naka

