Habang nagluluto sila aling Milagros at Maliyah sa kusina ay biglang naitanong ni Aling Milagros kay Maliyah kung may naalala na ba ito sa kanyang na kahit kaunting detalye lamang. “Anak,wala ka pa din ba naalala na kahit na ano mula sa iyong nakaraan?”Tanong ni aling Milagros. “Wala po Nay, hinihintay ko nga din po sana ay kahit papaano ay makaalala na ako ng sa gayon ay kung may pamilya man na naghihintay sa akin ay maipaalam ko sa kanila na ako ay buhay na buhay pa!” Sagot ni Maliyah sa tanong sa kanya ng nanay-nanayan niya. “Ganoon ba iha,basta kami ng tatay Nestor mo ay nandito lamang bumalik man sa hindi ang ala-ala mo ay maari ka na manatili sa poder namin at kung bumalik man ang ala-ala mo sana ay h'wag mo din kami na kalimutan.” Wika pa ng ginang kay Maliyah na agad na binitawa

