Naging maayos naman ang buhay ni Candice sa isla kahit pa madalas ay iniisip niya din kung sino ba talaga siya,saan siya nagmula kung may pamilya ba siya na naghihintay sa pagbabalik mga katanungan sa isipan na hindi pa din masagot kahit pa halos anim na buwan na ang lumipas mula ng mapadpad siya sa isla. Minsan ay isinama siya ni aling Milagros sa bayan at sumakay sila sa isang fastcraft kung tawagin sa isla,isa itong sasakyan pangdagat na gamit ng mga taga Isla lalo na kapag maghahatid ng mga produkto nila sa bayan. “Nanay Milagros,hindi po ba nakakatakot kapag nasa gitna na ng dagat?” Tanong pa nito sa nanay-nanayan na napamahal na din sa kanya. “Hindi naman iha,atsaka hindi naman bumabyahe ang mga fastcraft kapag mataas masyado ang alon kaya wala ka dapat na ipag-alala!” Sagot ni al

