CHARLOTTE POV
Magkasama kaming muli ni Hiro ngayon dahil ngayon kami mamimili ng mga kailangan naming school supplies. For the first time rin ay hindi tumutol si mama nang ipaalam ako ni Hiro sa kaniya kahit pa napapadalas ang labas ko na kasama ito. Hanggang sa National Book Store ay may pailan-ilang estudyante na galing sa ibang school ang napapatingin kay Hiro. I bet he didn’t notice the eyes of these girls na nakatingin sa kaniya dahil abala ito sa pagpili ng fountain pen na bibilhin niya at maging ng mga drawing materials nito.
Hindi ko na lang din sila pinansin at namili na lang ako ng mga kakailanganin ko at inilagay iyon sa basket na dala ko. Natigilan lang ako sa pagpili ng ballpen nang may kamay na kumuha ng basket na hawak-hawak ko. When I looked at who it is, nakita ko si Hiro na nakangiti sa akin.
“Ako na magdadala nito,” aniya.
“Kaya ko naman bitbitin ‘yan at saka marami na ‘yang nasa basket na dala mo kaya okay lang naman kung ako na magbubuhat,” saad ko. “Come on, Hiro, hindi naman ako gano’n kahina para hindi makayanan ang ganyang basket lang.”
He shrugged his shoulders ngunit hindi na talaga nito ibinalik sa akin ang basket na may lamang school supplies ko. Napalabi na lang ako dahil doon at tinapos na lang ang pamimili ng ballpen para makapila na kami sa cashier at nang hindi na mahirapan sa pagbubuhat si Hiro.
Nang makapila kami ay pinauna na ako ni Hiro sa pagpapa-scan ng mga pinamili ko. Akmang sasabihin nito sa cashier na siya na ang magbabayad no’ng akin pero mabilis kong iniabot ang isang libo sa cashier kaya walang nagawa si Hiro kundi ang bayaran lang ang kaniya.
“Kung ibang babae ang ginagawan ko ng gano’n, they’ll probably like it,” aniya.
“I am not like those other girls, Hiro,” sabi ko. “Isa pa, hindi naman lahat ng babae ay materialistic at pera ang habol. Kung may naencounter ka man na gano’n, huwag mo naman sana lahatin because for girls like me, mas gusto namin na nagiging independent kami.”
Humingi ito ng pasensya para sa naging pahayag niya and I accepted it. I couldn’t blame him. Marami rin naman talagang ibang babae ang umaasa sa mga kayang ibigay ng karelasyon nila, but love isn’t all about the money. If you love someone, if you really care about someone, you’ll love him or her if he or she has everything and love him or her even more when he or she has nothing. Hindi pera ang sukatan ng pagmamahal.
Gaya ng palagi naming ginagawa kada lalabas kami, kumain na rin kami sa labas ng meryenda. I looked at my wristwatch at 2:30pm pa lang.
“Uuwi ka ba nang maaga?” tanong ko kay Hiro.
Nag-isip pa ito sandali bago ito umiling. “Hindi naman. Why?”
“Gusto sana kitang isama sa ice cream house na alam ko. Malapit lang naman dito. ‘Yon ay kung okay lang,” saad ko. “Naisip ko lang kasi na madalas na ikaw na lang ang nag-eeffort para sa akin, so gusto ko ring makabawi kahit papaano. Hindi lang din para sa mga ginagawa mo sa akin kundi para na rin sa mga bagay na nagagawa mo para kay mama.”
His smile became wider kaya halos hindi na makita ang mata nito. “Sure! Kahit saan, basta kasama ka.”
Muli ay naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin dito. Kahit anong pagpipigil ang gawin ko, at kahit ilang beses ko pang sabihin na sasanayin ko ang sarili ko sa presensya’t sinasabi niya, hindi ko iyon magawa. Parang laging bago sa akin ang mga ginagawa’t sinasabi niya.
Nang matapos kami sa kinakain namin ay minabuti muna naming ihatid ang mga pinamili namin sa sasakyan ni Hiro nang hindi kami nahihirapan sa pagdadala no’n. Agad din kaming umalis ng parking lot at dumiretso sa ground floor ng mall para roon lumabas dahil nasa likod lang ng mall na ‘to ang sinasabi kong ice cream shop. Bago pa man kami makarating sa aming pupuntahan ay hinarap ko si Hiro.
“Sana hindi ka mag-expect na mamahalin ang pagdadalhan ko sa ‘yo, ha? Hindi na afford ng budget ko ang mga mamahaling ice cream, eh,” ani ko.
“Just like you, hindi ako naghahangad na gastusan mo, Cha, so please don’t worry about it,” aniya. “Masaya ako sa kung ano ang kaya mong ibigay. Actually, kahit hindi ka na nga magbigay, masaya pa rin ako. As long as I’m with you, I will be happy.”
Napangiti ako dahil sa sinabi niya kaya dumiretso na kami sa ice cream shop na sinasabi ko. Inintroduce ko muna kay Hiro ang iba’t ibang flavor na nandoon at sinabi ko rin dito kung alin-alin ang flavors na masarap para sa akin. Sa huli ay bumili ako ng coconut ice cream with red beans, habang siya naman ay pumili ng choco pinipig. With those simple desserts, naging masaya kaming dalawa habang nakaupo kami sa mga upuan na nandoon. Naging masaya rin ako lalo nang makita at malaman kong nagustuhan ni Hiro ang ice cream na binili ko para sa kaniya.
Bumili pa ito ulit ng isa pa bago namin naisipang bumalik na sa sasakyan niya. But when we were on our way to his car, may dalawang pamilyar na pigura akong nakita sa hindi kalayuan. They were arguing about something, but their voices are inaudible dahil sa distansyang namamagitan sa amin. Natigilan din si Hiro nang tumigil ako sa paglalakad lalo pa nang makita kong umiiyak si Sarah sa harap ni Stephen. What’s happening?
I looked at Hiro, but he only gave me a subtle smile. Sa pagbalik ng tingin ko sa dalawa, I found Stephen looking at our direction at tila natigilan ito nang makita kami. He uttered something kaya pati si Sarah ay napatingin sa direksyon namin. We were far from them, ngunit hindi kayang itago ng distansya ang namumugto nitong mga mata. Mabilis pa sa alas kwatro na nagpunas ito ng luha niya bago ngumiti sa akin. I gave her a small smile, at saka ibinalik kay Stephen ang tingin ko. Bakit umiiyak si Sarah? Did something happen between the two of them?
“Cha, gusto mo bang lapitan si Sarah?” Hiro asked.
Ayoko mang makialam sa problema nina Sarah at Stephen but I could no longer take it. Kung nitong nakaraan ay nagawa kong magpigil na makialam, this time, I found myself walking near to where Sarah is. Sinalubong ako nito kaya hindi ko nagawang lapitan si Stephen. Si Hiro naman ang lumapit sa kaniya.
I didn’t ask anything. Ang tanging ginawa ko ay yakapin si Sarah nang mahigpit. Hindi ko ito pipilitin na magkwento, but I want her to know that I am here. Gumanti ito sa yakap ko kasabay ng pag-iyak niya. Muli kong tinignan si Stephen ngunit yumuko lang ito nang magtagpo ang mga mata namin.
Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap kay Sarah, bagkus ay ito ang hinayaan ko na bumitaw sa pagkakayakap sa akin dahil siya lang ang nakakaalam kung hanggang kailan niya kailangan ng masasandalan. Nang tumahan na ito ay nginitian niya ako.
“Thank you,” she mumbled. She pressed my hand gently at muling naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Stephen. Hiro tapped his back bago nito hinayaang sumakay sina Sarah at Stephen ng sasakyan na dala ni Stephen. Sarah waved at me one last time bago sila tuluyang umalis ng parking lot.
Hiro walked near me. “He didn’t do anything. Hindi siya ang rason kung bakit umiyak si Sarah,” saad nito kahit hindi naman ako nagtatanong. Dahil doon ay mas naguluhan ako. Kung hindi si Stephen ang may kagagawan, bakit umiyak si Sarah?
“I’m not in the right place to say kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa, but I hope that you’ll believe me because I know Stephen, hindi nito kayang saktan si Sarah,” he stated.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga, while silently hoping na wala ngang kinalaman si Stephen sa pag-iyak ng kaibigan ko—dahil kung mayroon man, hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan.