FITS 37

1578 Words
CHARLOTTE POV Mabilis na lumipas ang araw. Siguro’y gano’n nga kapag alam mo sa sarili mo na masaya ka. Every little moment that I had with Hiro, lahat iyon ay nagbigay ng saya sa akin. For the first time in my life, naramdaman ko na kaya ko ang lahat, na walang problema ang magdudulot ng lungkot sa akin because even in my bad days, he was there to talk and listen to me. Madalas na rin ang late night talks naming dalawa, kahit pa maraming beses ko itong nakakatulugan. Hindi rin ito napapagod na isurprise ako, maging si mama ay binibigyan nito ng bulaklak at tsokolate. As for their relationship, hindi ko masasabing ayos na iyon but all I know is that it is improving. Hindi na gaya ng dati na halos tutol si mama sa aming dalawa ni Hiro. “Sabay na tayong mamili ng school supplies, Cha,” ani Annaisha sa akin habang kumakain kami sa food court sa SM. Kasama rin namin si Kiko dahil ilang linggo na lang din ay paalis na ito ng bansa. I bit my lower lip. “May usapan na kasi kami ni Hiro na sabay kaming mamimili ng gamit, Annaisha,” nag-aalangan na saad ko. Nag-aalala ako na baka magtampo ito but when a grin plastered on her face, nakahinga ako nang maluwag. “Iba na talaga kapag may lovelife,” aniya. I hissed at saka ngumiti. “Kailan mo ba siya balak sagutin? Malapit na nga pala birthday ng isang iyon.” Nabanggit din sa akin ni Caleb ang tungkol sa kung kailan ang birthday ni Hiro. Kaya isa pa rin iyon sa iniisip ko dahil wala pang pumapasok na ideya sa isip ko kung anong ireregalo ko sa kaniya. Halos lahat naman kasi ay mayroon na si Hiro, wala na akong maibibigay rito na kakailanganin niya. “Don’t rush her, Annaisha. Hayaan mo na pag-isipan ni Cha kung kailan niya sasagutin si Hiro,” ani Kiko. “Malay mo naman, magbago pa isip niya at magkachance pa ako.” He grinned afterwards. Binato ko naman ito ng tissue. Kung hindi lang ako sanay sa mga ganyang patutsada ni Kiko, panigurado ay makakaramdam ako ng awkwardness lalo pa at magkaibigan kami, but he’s always been like that. Wala naman itong pinagbago. “Asa ka pa na magkakachance ka pa, eh hulog na hulog na rin ‘yang si Cha kay Dela Vega,” saad ni Annaisha kaya natawa ako. Wala akong sinabi para kontrahin ang sinabi nito dahil itanggi ko man o hindi, totoo naman ang sinabi niya. “Sino ba naman kasi ang hindi mafofall sa isang ‘yon? Gwapo na, napakasweet pa. Hindi kaya ng isa rito, panay hangin lang ang dala,” asik ni Annaisha na alam naman naming si Kiko ang pinariringgan nito. I heard how Kiko hissed. “Gwapo rin naman ako, hindi ko lang ugaling maging sweet,” ani Kiko. “If I will do that, gusto ko na isang babae lang ang makakaranas. Hindi iyong pati sa kaibigan, eh sweet ako.” Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ako manhid para hindi marealize na ang naging ganap noong nakaraan kina Hiro at Thalia ang tinutukoy ni Kiko. Sino ba naman kasi ang hindi mag-iisip nang tungkol sa kanila kung gano’n ang naging rason ni Hiro? “Pinaglalaban mo?” Hindi ko na sila pinakinggan pa. Mas pinili kong ituon ang pansin ko sa shawarma rice na kinakain ko. Hindi kagaya kanina, pakiramdam ko ay hindi na masarap ang kinakain ko—and this is not about my trust for Hiro. Kung tiwala lang din ang pag-uusapan ay malaki ang tiwala ko sa kaniya, kay Thalia ako walang tiwala. Speaking of her, hindi ko pa rin nagagawang sabihin kay Hiro ang tungkol sa chat nito sa akin. I couldn’t find the courage to say it to him dahil ayokong magkagulo silang magkaibigan. Okay na ako na alam kong wala na siya para kay Hiro—that she’s just a friend to him. Nang matapos kami sa pagkain ay naglibot-libot pa kami sandali. Nagawi pa ako sa booksale para bumili ng isang libro na babasahin ko. Sinulit ko na rin ang oras na ‘yon para matignan ko kung may makikita akong pwedeng ibigay kay Hiro, kahit pa simpleng bagay lang. Sapatos kaya? I bet he has lots of it at wala akong pambili ng mga mamahaling sapatos. Bracelet? Relo? Kwintas? Hindi naman ito mahilig sa accessories at bawal sa kanilang mga atleta. Damit? Hindi ko naman kabisado kung anong brand ang gusto nito. “Nakakastress mag-isip ng regalo,” saad ko kay Annaisha dahil si Kiko ay humiwalay sa amin para bumili ng bow tie dahil kailangan niya raw iyon para sa isang formal party na pupuntahan nila ng pamilya niya. “Sa mga ganitong pagkakataon, pakiramdam ko ay hindi ko pa kilala nang lubos si Hiro.” “Gaga! Bakit ka pa nahihirapang mag-isip ng regalo, eh pwede namang um-oo ka na lang sa kaniya sa mismong birthday niya!” suhestiyon nito. “Hindi na kailangan ni Hiro ng mga bagong gamit, Cha. Ikaw na ang kailangan no’n sa buhay niya.” Napaismid ako dahil sa sinabi nito. Hindi naman niya alam ang tumatakbo sa isip ni Hiro kaya paano niya nasabi na ako na ang kailangan ng isang ‘yon? Nanliligaw ito, oo, but for me to think na gano’n na ako kahalaga sa kaniya, parang hindi naman tama. “Aigoo, ang hirap kapag first time ‘no?” komento pa ni Annaisha. Nakita ko kung paanong napapailing-iling ito. “Listen to me, Cha. Alam ko na ang mga ganyan. Listen to the expert.” I hissed once again. “Bilhin mo na lang din ang kailangan mo nang mahanap na natin si Kiko,” ani ko at iniwan na ito sa section kung nasaan siya. Pakiramdam ko naman ay ang init-init ng pisngi ko dahil naiisip ko ang sinabi ni Annaisha. Thinking about her suggestion, bumibilis na agad ang t***k ng puso ko. Gano’n ba ka-worth it ang yes na manggagaling sa akin? Matapos nilang mamili ay agad na rin naming napagkasunduan na umuwi na dahil anong oras na rin. Dahil nakatira sila sa iisang subdivision ay ako ang una nilang hinatid sa bahay. Agad naman akong nagpasalamat kay Kiko para sa paghatid. Pahabol naman ni Annaisha ay pag-isipan ko ang suggestion niya at um-oo na lang ako roon dahil hindi naman niya ako titigilan kung hihindi ako. “Naturuan po kasi ako ni mommy na magluto kaya kahit papaano ay marunong po ako,” anang isang tinig galing sa kusina. Hindi pa man ako nakakapasok ng bahay ay rinig ko na ang boses lalaking iyon. Pagpasok ko sa sala namin ay agad akong napansin ni mama and I was shocked to see kung sino ang kasama nito. “Kanina ka pa hinihintay ni Hiro, napakatagal mo umuwi,” sabi ni mama sa akin. “Bakit—” hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin sa nasasaksihan ko ngayon. Ngumiti lang naman sa akin si Hiro. “Tikman mo ang adobo niya, masarap pa lang magluto itong manliligaw mo,” dagdag ni mama bago ito naupo sa mesa. Lumapit ako sa gawi nilang dalawa at agad naman akong pinatikim ni Hiro ng luto nito. “Masarap nga,” sabi ko. Mas lalong lumawak naman ang ngiti sa labi ni Hiro dahil doon. Hinila ko naman ito papalapit sa akin. “Anong nangyari? Bakit parang close kayo ni mama? Hindi mo naman siguro siya sinuhulan ‘no?” “Nasuhulan?” He chuckled. “I came to visit you pero sabi ng mama mo ay umalis ka raw. I told her that I’ll wait. Since maghahapunan na rin at nabanggit nito na ikaw ang nagluluto sa inyo, I volunteered to cook the dinner para pag-uwi mo ay kakain ka na lang. Ayon lang naman ang nangyari.” “Hindi ka naman niya pinagalitan?” I asked. “Hoy, Charlotte, naririnig ko ang sinasabi mo kahit pa binubulong-bulong mo riyan,” komento ni mama kaya awtomatiko kong naitikom ang bibig ko. Hiro ruffled my hair. “Gutom ka na ba?” he asked. “Medyo. Kumain naman ako ng shawarma rice kanina sa SM,” ani ko. He held me on my wrist at saka humila ng isang upuan para paupuin ako roon. “Sit back and relax. Ako na muna ang mag-aasikaso sa inyo ngayon,” aniya. Hinayaan ko na lang ito sa gusto niyang gawin. Tila tuwang-tuwa naman si mama dahil sa ipinapakita ni Hiro no’ng mga oras na ‘yon. Sinusundan ko lang din ng tingin si Hiro sa bawat bagay na ginagawa nito—mula sa pag-aayos ng mesa, hanggang sa paglalagay nito ng pagkain sa plato ko. “I hope you’ll eat a lot,” aniya at saka ako nginitian. “Kayo rin po, tita, enjoy po kayo.” Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang makitang mukhang okay na nga si mama kay Hiro. Masaya ako na sa kabila ng mga nangyari, magaan na ang loob ni mama sa taong gusto ko. I looked at Hiro and seeing him beside me at kuntento sa kung ano lang ang buhay na mayroon ako, makes my heart leap. I don’t deserve this kind of treatment, but he has his own way of telling me na espesyal akong tao. He has his own way of making me feel loved. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD