CHARLOTTE POV
“Nasaan na raw ba sila?” hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na na itinatanong ni Annaisha iyan sa amin ni Hiro. Kaming tatlo kasi ang nauna sa school.
Kasalukuyan naming hinihintay sina Caleb, Sarah at Stephen dahil sabay-sabay kaming magpapaenroll ngayon para sa darating na second sem. Iyon din kasi ang naging usapan naming lahat. Buti na lang din ay same sched ang enrollment ng department of Architecture at ng department namin. Kasalukuyan ding nilalaro ni Hiro ang kamay ko na nakapatong sa hood ng sasakyan nito.
“Huwag mo kasing hintayin. Dadating din naman sila maya-maya panigurado,” saad ko. Tumingin ito sa akin at doon ay isang nakakalokong ngiti ang kumawala sa labi nito. Sinundan ko ang tingin nito at nakatingin ito sa kamay ko na nilalaro ni Hiro. “Sige, hintayin mo na lang pala sila. Kung ano-ano na naman ang iniisip mo.”
Umismid ito. “Ang dami-dami naman kasing pakulo. Sa ibang school hindi naman kailangang magpaenroll kapag second semester lang,” pagrereklamong muli ni Annaisha kaya natawa kami ni Hiro. Halata kasing bored na bored na ito sa paghihintay. I looked at my watch at halos thirty minutes na rin pala kaming naghihintay sa tatlo. “Sa susunod talaga hindi na ako maniniwala sa on the way ng tatlong ‘yon.”
Ilang sandali pa nga ay dumating na rin sina Caleb. My mouth formed an O nang makita kong magkasama sina Sarah at Stephen sa iisang sasakyan but I didn’t say anything. Umalis muna si Hiro para lapitan sina Caleb at si Sarah naman ay hinila ni Annaisha papalapit sa gawi ko, mukhang balak niya itong interogahin sa kaparehong bagay na naiisip ko.
“Bakit magkasama kayong dalawa sa sasakyan?” Annaisha asked. As expected. Nakita ko kung paanong pinamulahan ng pisngi si Sarah dahil sa naging tanong ni Annaisha sa kaniya. “Oh my gosh, don’t tell me na kayo na at hindi lang kayo nagsasabi?”
Mabilis na napailing si Sarah. “No, walang kami. Sadyang iyong bahay nina Stephen kasi, madadaanan iyong amin kaya isinabay na niya ako. Ang hirap din kasi magcommute at…ayon. Late na kami kaya ayon.”
“I didn’t know na gano’n kayo ka-close para isabay ka niya, Sarah,” tila pangungusisa pa ni Annaisha. Nakita ko pa kung paanong naniningkit ang mata nito.
Nang makita kong tila hindi na alam ni Sarah ang isasagot sa kaibigan namin ay hinawakan ko na ang kamay ni Annaisha at inaya na ito na pumasok ng school. Kumukontra pa ito sa ginagawa ko but I told her na mahihirapan kami sa pila kapag nagtagal pa kami. Ipinaalala ko rin sa kaniya kung paanong nagmamadali na ito kanina. Mabuti na lang din at nakinig ito sa akin. I looked at Sarah na kasabayan namin sa paglalakad and she mouthed thank you, kumindat lang naman ako rito.
Nagpaalam na sina Hiro sa amin matapos nila kaming ihatid dahil iba ang hall nila para sa enrollment. Kami naman nina Sarah at Annaisha ay pumila na sa hall na nakalaan para sa program namin. We expected na maraming magpapaenroll ngayon lalo pa at 2 days enrollment lang per department ang mayroon kaya hindi na bago sa amin ang mahabang pila. After all, mula first year pa lang ay ginagawa na namin ito.
“So, what’s the catch between you and Stephen?” tanong ulit ni Annaisha kay Sarah na nasa likuran ko sa pila. Ako ang nasa gitna nilang dalawa kaya agad ko itong pinigilan.
“Magkasama sila sa student council, Annaisha, kaya hindi na nakakagulat na isinabay siya ni Stephen,” ani ko. “One more thing, pareho na silang nasa tamang edad. I am sure ano man ang mayroon sa kanila, alam na nila ‘yon. Let’s respect their privacy, shall we?”
Hindi na nagsalita pa si Annaisha matapos nitong marealize na magkasama nga ang dalawa sa organisasyon nila. Tinignan ko si Sarah at nakayuko lang ito, mukhang nagiguilty sa hindi nito pagsasabi sa amin. Sarah’s too easy to read. Madali para sa akin na malaman na may hindi ito masabi sa amin ni Annaisha and she shouldn’t feel sorry about that. No matter what, kailangan naming respetuhin ang privacy nito dahil may karapatan din itong hindi magbahagi ng ganap sa buhay niya.
Saktong before lunch ay natapos kami sa enrollment. Next month ay pasukan na ulit para sa second semester namin, our last semester dahil graduating student na kaming tatlo hindi gaya nina Hiro.
“Ang bilis ng buwan,” ani Annaisha habang nakatambay kami sa bench kung saan namin hinihintay sina Hiro. Ito ang kaparehong bench kung saan ay kinausap ako ni Hiro para ayain sa party nilang mga atleta. “Sa March, graduate na tayong tatlo.”
“Mamimiss ko ‘yong parereklamo ko sa mga ginagawa sa acads,” saad ko.
“Ano pa ‘yong pagrereklamo ko?” gatong ni Annaisha kaya nagtawanan kaming tatlo.
At some point, fulfilling sa pakiramdam na patapos na kami. But at the same time, alam ko sa sarili ko na marami akong mamimiss sa pagiging estudyante. Not to mention na isang taon pa si Hiro rito dahil five years ang program na kinukuha niya. Hindi ko alam kung anong magiging ganap sa amin sa mga panahong iyon.
Hindi rin nagtagal ay dumating na sina Hiro at sabay-sabay na kaming pumunta sa pinakamalapit na fast food chain para kumain ng pananghalian. Iyong tatlong lalaki na ang umorder para sa amin kaya muli kaming nag-usap-usap na tatlo ng mga bagay-bagay na tungkol sa graduation kahit pa may limang buwan pa bago mangyari iyon. Natigil lang kami sa pag-uusap nang makabalik na sina Hiro sa mesa.
After naming mananghalian ay nagpaalam na rin agad sina Stephen at Sarah. May pupuntahan pa raw kasi si Stephen kaya kailangan na niyang maihatid si Sarah sa kanila. Hindi na rin naman kumontra si Sarah sa sinabi nito kaya hinayaan na lang namin ito. Nang makaalis sila ay muli na namang nakibusisi si Annaisha tungkol sa dalawa.
“I smell something fishy kay Stephen at Sarah,” ani nito.
“Tigil-tigilan mo kasi ang kakaoverthink sa lahat ng bagay,” pagbibiro ko. She pouted her lips. “Kahit naman may namamagitan sa kanila, labas na tayo roon. Hayaan na lang natin sa kanila iyon.”
“Kung sabagay,” aniya. “Ako nga, walang lovelife tas poproblemahin ko pa lovelife ng iba ‘no? Tagal kasi manligaw ni Caleb—”
Halos maibuga ni Caleb ang iniinom nang marinig nito ang sinabi ni Annaisha. Hindi ko naman napigilan ang matawa dahil sa nangyayari. Maging si Hiro ay tawang-tawa sa naging reaksyon ng kaibigan.
Tinampal naman ni Annaisha ang braso ni Caleb. “Ito naman! Hindi ka naman mabiro. Mabibilaukan ka pa, bakit? Gusto mo rin akong ligawan ‘no?”
“Maghunos dili ka sa mga naiisip mo, Annaisha. Baka kapag nasaktan ka, ako pa sisihin mo,” sagot ni Caleb.
“Sus, eh nakaraan lang ang saya-saya mo dahil sa akin. Okay lang ‘yan, aminin mo na kasi na crush mo ‘ko.”
Tawa ako nang tawa nang makita kong pinamumulahan na ng tenga si Caleb dahil sa pinagsasabi ni Annaisha. Natigilan lang ako nang maramdaman ko ang kamay ni Hiro na hinawakan ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. I looked at him, but his eyes were glued to Annaisha and Caleb na ngayon ay nagtatalo na sa harap namin.
Nang mapatingin si Annaisha sa direksyon namin ay sinubukan kong pasimpleng bawiin kay Hiro ang mga kamay ko but he won’t let go of it kaya sa huli ay sumuko na lang din ako at hinayaan na ito. Binitawan lang nito ang kamay ko nang matapos kaming kumain at napagdesisyonan na naming umuwi.
Naunang umalis sina Annaisha at Caleb kesa sa amin ni Hiro dahil may kinausap pa ito sandali sa cellphone niya. Nang matapos ang tawag ay agad din itong lumapit sa akin.
“My aunt called, sorry. Pupunta raw kasi sila sa bahay,” aniya.
“Loko, hindi mo kailangang magsabi—” hindi ko naituloy ang dapat ay sasabihin ko nang may tumawag sa pangalan ni Hiro. Nang lingunin namin iyon ay bumungad sa amin ang ngiting-ngiti na si Thalia. Kasama nito ang ibang kaibigan niya.
“Hey,” Hiro simply greeted.
“Hindi ka nagsabi na magpapaenroll ka na,” ani Thalia. “Nakakatampo naman ‘yon.”
Mas pinili kong dumistansya sa kanila at manahimik sa isang tabi lalo pa nang mapansin ko ang pagtingin ni Thalia sa direksyon ko but before I could take another step, Hiro’s hand caught me on my wrist.
“Uh, yeah. Kasabay namin sina Cha kasi ngayon din ang enrollment ng department nila,” saad ni Hiro.
“I see,” ani Thalia at saka muling tumingin sa akin.
Hindi ko magawang salubungin ang mga tingin nito kaya mas pinili kong yumuko na lang. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla akong akbayan ni Hiro.
“I’m sorry, Thalia pero kailangan ko na kasing ihatid sina Cha sa kanila,” ani Hiro. Napatingin ako sa kaniya pero parang wala lang dito ang pag-akbay niya sa akin, na parang wala lang sa kaniya na si Thalia ang nasa harap namin. “Take care. Mauuna na kami sa inyo.”
Nang akayin na ako ni Hiro paalis doon ay wala na akong ibang nagawa pa kundi sumunod sa kaniya. This time, he didn’t let go of me.