CHARLOTTE POV
“Thank you po,” saad ko sa driver nina Kiko nang maihatid ako nito sa bahay.
Nang makaalis na ito ay agad kong kinuha ang cellphone ko para itext sina Kiko at Annaisha na nakauwi na ako ng bahay namin. Akma namang papasok na ako ng bahay nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Halos mapapitlag ako dahil sa pagkabigla, but my emotion subsided when I saw that it was Hiro. May hawak-hawak itong rose bouquet habang nakangiti. Iniabot niya iyon sa akin at agad naman akong nagpasalamat sa kaniya. “Gabi na, ah. Kanina ka pa nandito?” tanong ko.
“Medyo, pero okay lang. Ako rin naman ang may gustong maghintay sa ‘yo,” sagot niya.
Napatingin ako sa bahay namin at nakabukas naman ang ilaw, senyales na nandoon si mama sa loob.
“Hindi na ako kumatok pa kasi baka hindi kumportable ang mama mo na makasama ako habang wala ka. After all, may hindi pa rin naging pagkakaunawaan sa side niya at ng family ko,” aniya na tila alam nito ang tumakbo sa isip ko no’ng mga sandaling iyon.
Wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan nito but there’s this guilt inside me dahil sa mga nangyari. Sa tingin ko rin ay hindi lang si mama ang magiging hindi kumportable sa presensya niya. I looked at Hiro at saka ito nginitian. “Kumakain ka ba ng tusok-tusok?” tanong ko.
Nang tumango ito ay napangiti ako. Hinawakan ko siya sa palapulsuhan niya at naglakad kami papunta sa parke nang gano’n ang ayos namin. Me, holding on his wrist habang ang bulaklak na bigay nito ay nasa kabilang kamay ko, habang siya ay nasa likuran ko at nagpapatangay sa kung saan ko siya dadalhin.
Right at that moment, I felt calmness sa katahimikan na nangingibabaw sa amin. It’s as if just being here with him is more than enough for me to be at peace. Tanging ang bilis ng t***k ng puso ko ang siyang bumibingi sa akin nang mga sandaling iyon. Tinignan ko si Hiro and he smiled from ear to ear the moment our gazes met. In a snapped, a smile formed in my lips. I never knew that a broken and scarred person can still be this beautiful…not until he came.
Nang makarating kami sa kainan na pinupuntahan ko madalas ay ako na ang kumuha ng baso para sa amin ni Hiro. Sinabihan ko rin ito na kumuha lang ng kahit na anong gusto niya at ako na ang magbabayad.
When he was eating his chosen street foods, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsulyap dito. May panaka-nakang pagkakataon na pinapanuod ko ito sa ginagawa niya. When he seems to be enjoying his food, napapangiti ako. The view of seeing him happy makes my heart warm. Pakiramdam ko no’ng mga sandaling iyon ay iyon na ang pinakapaborito kong ngiti sa lahat.
“Thank you, Cha,” he uttered habang nakaupo kami sa swing na nasa park.
“Para sa?”
“For spending time with me kahit pa mukhang napagod ka rin sa naging lakad mo,” he said. “I appreciate everything that you’re doing for me. I came here to see you kahit pa sandali lang, yet you made me the happiest ngayong nandito ka at magkasama tayo.”
I smiled at him. “Wala ‘yon. Ako pa nga ang dapat na magpasalamat sa ‘yo kasi kahit pa gabing-gabi na, hinintay mo pa rin ako at may dala ka pang bulaklak.”
“Well, you deserve it,” aniya at saka ginulo nang bahagya ang buhok ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin but he laughed. “Namiss ko ‘yan,” dagdag nito.
Hindi ko napigilan ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi nito sa akin. Hindi ko alam kung saan nito nakukuha ang gano’ng lakas ng loob para sabihin ang mga bagay-bagay nang gano’n lang.
Napatingin ako sa mga paa ko at saka napalabi. “Kasama mo lang ako nakaraan, paanong may namiss ka agad sa akin?”
“When I’m spending time with you, there’s this part of me which kept on wishing that the time I get to spend with you won’t end,” aniya. “With you, payapa ang loob ko, Cha. Iyong saya ko kapag kasama ka, iyon ‘yong klase ng saya na kahit na sino ay aayawang matapos.”
“You like me that much, huh?” I asked. When he chuckled a bit and shrugged his shoulders, I couldn’t help myself but hissed.
Napatingin ako sa kalawakan at doon ay nagpakawala ng isang malalim na paghinga. I am not vocal when it comes to my feelings but iyong paraan ng pagdedescribe ni Hiro sa nararamdaman niya sa akin, it matches how I feel everytime that I’m with him. I don’t know if I could call this fate or destiny, basta ang alam ko lang, nagtutugma ang mga puso naming dalawa.
Magkatabi kaming naglakad sa daan pabalik ng bahay. Ibinigay na rin nito sa akin ang jacket na suot-suot niya dahil malamig na raw ang gabi. Kagaya kanina ay walang nagsasalita sa aming dalawa. After all, we don’t need to always have a conversation because our presence is more than enough—for him, as it is for me.
“Sige na, pumasok ka na muna bago ako aalis,” ani nito nang makarating kami sa tapat ng bahay.
“Hindi na, mauna ka na. Hinatid mo na nga ako pauwi tapos hindi pa kita sasamahan dito hanggang sa makaalis ka,” pagkontra ko.
“Cha, sige na. Mas gusto kong makita kang safe,” aniya.
Natawa ako. “Hindi tayo matatapos dito kung ayaw mong pumayag sa sinabi ko,” saad ko at saka ito binelatan. His hands went to my cheek at saka iyon bahagyang pinisil.
“Sige na, pagbibigyan kita ngayon, but promise me na sa susunod, ikaw naman ang makikinig sa akin,” aniya.
Napatango-tango ako. “Next time, bawi ako sa ‘yo.”
“That’s a promise, Cha,” aniya. Muli ay tumango ako at saka ngumiti. “Uuwi na muna ako. Para makapagpahinga ka na rin. Thank you, Cha,” he added.
“Thank you rin, Hiro,” saad ko naman. “Mag-iingat ka.”
“I will,” he said as he waved goodbye at me. Akmang pasakay na ito ng driver seat ng kotse niya nang maisipan ko itong tawagin ulit. He stopped upon my call.
“Gusto ko lang sabihin na nagpapasalamat ako nang sobra,” ani ko. “Huwag mo sana…” I breathed, “Huwag mo sana akong sukuan.”
Halos pahina nang pahina ang boses ko nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Hindi ko rin alam kung tama ba na hinihingi ko ‘yon sa kaniya gayong nanliligaw pa lang naman ito. When he didn’t utter another word, I decided to look at him again, but I was surprised when I saw that he’s near me. Dahil mas matangkad ito sa akin ay hindi ko naiiwasan ang mapatingala. When his face leaned down on me, my heartbeat doubled its speed. Nang lumapat sa noo ko ang labi nito, butterflies crippled their wings inside my stomach.
“Hinding-hindi kita susukuan,” aniya. “Hinding-hindi rin ako mapapagod na ligawan ka kahit gaano pa katagal, Cha.”
Hindi ako nakaimik.
“You probably don’t see yourself the way I see it, but you’re more than worth it to wait, Cha,” he uttered. “So, kung may dapat mang nagpapasalamat sa ‘yo, ako ‘yon.”
“Hindi mo kailangang—” he cut me off when he held my hand.
“Thank you for coming into my life,” he said. “Thank you for giving me a chance to be a part of you.”