FITS 34.2

1654 Words
CHARLOTTE POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil inaaya kami ni Kiko na pumunta sa kanila para sa isang salo-salo bilang pasasalamat daw na ligtas silang nakabalik ng Pilipinas. Nakausap ko na rin si Hiro kahapon tungkol sa event ngayon and it was okay for him too. Kung tutuusin ay pinaaalalahanan ako nito na hindi ko kailangang magpaalam sa kaniya but I am always the one insisting na magpapaalam ako sa bawat lakad ko dahil gusto kong respetuhin ang lugar nito sa buhay ko. I picked up my phone at saka lumabas ng kwarto para dumiretso sa kusina. Nang maasikaso ko ang sinaing na isasalang ko ay agad kong binati ng good morning si Hiro. Ilang minuto lang ay nagreply ito sa messages ko. He also asked me kung kumusta na ang nararamdaman ko tungkol sa kahapon at hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa concern na ipinapakita nito. I assured him na ayos na ang lahat para sa akin.  “Iyang ngiti mo, sinasabi ko na sa ‘yo, sa una lang ‘yan,” ani mama kaya naputol ang saying nararamdaman ko. Napalabi lang ako habang tinitignan ito na dumiretso sa lagayan ng kape at saka nag-asikaso ng maiinom niya. “Pare-pareho lang lahat ng lalaki kaya kung ako sa ‘yo ay mas magfofocus na lang ako sa pag-aaral ko.” “Ma naman,” pagsaway ko. “Hindi naman lahat ng lalaki, sasaktan ka. Mayroon pa ring mabubuting lalaki na gaya ni Hiro—” she cut me off bago ko pa man matapos ang dapat ay sasabihin ko.  “Maliban sa tungkol sa pamilya niya, sa buhay niya sa school ninyo, ano pang alam mo sa kaniya?” she asked. “Kilala mo ba talaga ang lalaking ginugusto mo?”  Hindi ko nagawang sumagot sa naging tanong nito.  Umismid naman ito. “Kita mo, hindi mo magawang sumagot kasi ‘yang mayroon kayong dalawa, mababaw pa sa mababaw.”  Isang maliit na ngiti lang ang naibigay ko at saka bumalik na sa ginagawa ko. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling si mama. Hindi nito kilala si Hiro sa paraang nakilala ko ito. Ni maging ang unang encounter nilang dalawa ay hindi naging maganda. Gayunpaman, gusto kong sumugal.  I’ve never been so sure in my life tungkol sa isang lalaki, ngayon lang. Kung sad ulo ay magiging tama ang lahat ng sinasabi ni mama, I’d still be grateful dahil alam ko na anuman ang mangyari, mananatiling worth it ang isang Hiro Dela Vega.  Nag-asikaso na ako sa kusina nang matapos kaming kumain. Ipinagpapasalamat ko naman na hindi na nagsalita si mama tungkol sa amin ni Hiro. Sa kabila no’n, masaya pa rin ako na ngayon ay nagkakaroon na ito ng sabi sa mga bagay na ginagawa ko. Nang matapos ako sa pagliligpit sa kusina ay saktong nahuli ng mga mata ko si mama na nakatingin sa akin mula sa sala. Mabilis naman itong nag-iwas ng tingin sa akin.  “Ma,” I called. Hindi niya ako nilingon. “Salamat, ma,” saad ko nang buong puso. Wala naman itong sinabi at nagpatuloy lang ito sa pag-aayos ng mga gamit sa bag nito. Hindi vocal si mama sa lahat kaya nauunawaan ko kung wala itong sasabihin. Ang mahalaga, iyong pakiramdam na ibinibigay sa akin ng ginagawa nito para sa ikabubuti ko.  Pumasok na ako ng banyo para maligo. Isang kaswal na party lang naman daw ang magaganap kaya isang pantalon at simpleng white t-shirt lang ang sinuot ko. Ayon naman din kay Kiko ay pamilya lang nito ang kasama namin at sanay na sanay na sila sa pormahan ko.  Agad kong itinext si Annaisha kung nasaan na siya nang matapos ako sa pagbibihis and she immediately replied na on the way na siya para sunduin ako. Ikinagulat ko naman iyon dahil ang usapan ay magkocommute lang ako dahil magkalapit naman na ang bahay nilang dalawa.  Agad na binati ni Annaisha si mama nang makarating ito sa bahay at saka ako muling ipinagpaalam kahit pa alam na ni mama ang lakad namin. Sinabihan lang ako nito na umuwi nang maaga at huwag masyadong magpapagabi sa daan. Umalis na rin kami agad matapos no’n.  When we were on our way to Kiko’s house, iminessage ko si Hiro na nakaalis na kami. He sent me a picture of his dog and him playing with their water hose kaya napangiti naman ako dahil doon. Dumaan na rin muna si Annaisha sa isang flower shop dahil gusto raw nito na may ibigay sa mama ni Kiko. Nang matapos siya roon ay nagtuloy-tuloy na ang byahe namin.  “I am so glad to see that you’re both finally here,” pagbati sa amin ni Kiko at saka kami niyakap. “Come inside,” dagdag pa nito. Hindi naman ito ang unang beses na nakarating kami sa bahay nina Kiko kaya kahit papaano ay hindi na ako nakaramdam ng hiya.  “Mom, Dad, sina Annaisha at Charlotte,” Kiko said. Nakita ko kung paanong lumawak ang ngiti ng parents niya.  “Ang laki ng pinagbago ninyong dalawa mula no’ng huling uwi ko,” komento ni tita Kyleen na mama ni Kiko at saka ito lumapit sa amin para bumeso. Iniabot ni Annaisha ang bulaklak sa kaniya at agad naman na nagpasalamat ang ginang.  With his mom’s instruction, Kiko accompanied us to their mini theater. Hindi ko naman napigilan ang mamangha nang makitang binago nila ang interior ng lugar na ‘yon. Mas lumaki rin ang pinakascreen sa harap. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang parents niya, maging ang mga kasama nila sa bahay na may dala-dalang mga snacks.  Nanuod kami ng movie habang naghihintay sa pagsapit ng 2:30pm dahil ro’n daw darating ang mga pagkaing inorder ng mommy ni Kiko. There was never a dull moment when we were together. Kagaya kasi ni Kiko ay makwela rin ang mga magulang nito. Nabanggit din nila sa amin kung bakit hindi nagawang sumama ni ate Kaylee sa kanila sa pag-uwi rito.   We took some pictures and sent it to ate Kaylee, who immediately responded na tatawag siya. Pagbukas na pagbukas ng camera ay agad na ibinigay ni Kiko sa amin ni Annaisha ang cellphone niya. We greeted ate Kaylee at kagaya ni tita Kyleen ay napuna rin nito na malaki ang pinagbago naming ni Annaisha. Noong nakaraang taon kasi ay hindi rin ito nakauwi kaya hindi ko sila masisisi kung gano’n ang tingin nila sa amin.  “So, Cha, nililigawan ka na ba ng kapatid ko?” ate Kaylee asked out of nowhere kaya halos mabuga ko ang coke na iniinom ko.  Mabilis pa alas kwatro na umiling ako. “Hindi po, ate,” sagot ko. “Matalik na magkaibigan lang po talaga kami ni Kiko.”  “Aigoo,” she reacted. “Napakahina ng kapatid ko, pero kapag nandito ‘yan sa America, ikaw naman ang—” hindi nito naituloy ang sasabihin nang patayin ni Kiko ang tawag. “Kiko naman,” pagsaway ng mommy nito sa kaniya.  “Sorry, ‘my, napakadaldal ni ate, eh.” “Akala mo ba hindi namin alam?” Annaisha asked at saka bahagyang tumawa. “Halatang-halata na gusto mo si Cha ‘no! Noon pa kaya.”  Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Annaisha, and when she saw my reaction, tinaasan ako nito ng kilay.  “Don’t tell me na wala kang idea na nagkagusto si Kiko sa ‘yo?” she asked. Dahan-dahan akong umiling. “Tsk. Napakamanhid mo naman, Cha. Paano ba kita naging kaibigan?”  Napatingin ako kay Kiko at diretso lang itong nakatingin sa akin. I swallowed the lump in my throat kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. Sa gulat ko naman ay napaangkla si tita Kyleen sa braso ko.  “Cha, I’ll be glad kung magiging kayo ni Kiko,” ani nito.  “Mommy naman!”  “Uhm, sorry po,” halos pabulong kong saad. “May…May iba na po kasi akong nagugustuhan at…nanliligaw na po siya sa akin.”  Bumalot ang katahimikan sa lugar matapos ang sinabi ko. I heard how Kiko tsk-ed and left the room. Bigla naman akong naguilty dahil kung totoo ang mga sinasabi nila, I must have hurt him. Ngunit kung pagtitimbangin ko ang dalawa, mas gusto kong masaktan na ito ngayon kesa umabot sa puntong may tao akong mapapaasa gayong si Hiro naman ang gusto ko.  “Excuse me po,” I muttered, and they let me leave the room nang wala na silang sinasabi. Plano ko munang magpahangin sa labas gawa ng mga nangyari. But just when I wanted things to be okay, nakita ko si Kiko sa kaparehong lugar kung saan ako dapat papunta. Akmang tatalikod na ako nang bigla nitong tawagin ang pangalan ko. Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kung nasaan siya.  He looked at me straight into my eyes at hindi ko iyon kinayang tagalan kaya muli rin ay iniiwas ko ang tingin ko.  “Huwag mo na sanang pansinin ang pang-aasar nilang lahat,” aniya. “It was all in the past. Hindi lang din nila magawang maka-get over.”  He chuckled but I couldn’t do the same thing. “Sorry, Kiko,” ang tanging nasabi ko.  “Sorry? For what? For being honest?” he asked. Tumango naman ako. “Why would you say sorry kung iniligtas mo lang naman ako sa posibleng sakit na maramdaman ko kung mas pinili mo ‘kong paasahin? Don’t be, Cha. Wala ka namang kasalanan na ibang tao ang gusto mo.” “Thank you sa pang-unawa,” saad ko.  He didn’t utter another word. Nagpaalam na ako rito na papasok na ako ulit sa loob, and he stayed silent habang nakatingin sa langit. Akmang aalis na ako nang bigla pa itong may sinabi.  “Remind Hiro to take good care of you. If he won’t,” he paused for a bit, “desidido akong agawin ka mula sa kaniya, Cha.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD