CHARLOTTE POV
“Thalia used to live in the same subdivision as me,” aniya habang nakaupo na kami sa loob ng kaniyang sasakyan. “Do’n kami napalapit sa isa’t isa, doon ko na rin siya nagustuhan.”
Wala akong ibang ginawa kundi ang makinig sa kwento nito sa akin dahil gusto ko ring maliwanagan. Gusto kong malaman ang rason kung bakit ngayon ay magkaibigan na lang sila. Was it because Thalia refused to return his feelings or was it because Hiro gave up?
“In the scale of love, what I felt for her was just like the first type of love. Iyong puppy love lang kumbaga,” aniya. “Kung gaano kabilis na nag-umpisa, gano’n din kabilis na natapos. She liked another guy, and it hurts me for a little while noon. But thinking about it right now, naisip ko na nakakatawa ang dating ako.”
“A-Anong nararamdaman mo kay Thalia ngayon?” tanong ko. He looked at me at saka ngumiti at umiling.
“She’s just a friend for me,” sagot nito. “Hindi lang din talaga ako nakapagsabi dahil biglaan ang paghila sa akin ni Thalia sa lakad ngayon. But other than that, wala na akong ibang nararamdaman. Kung sa ‘yo, meron pa.”
Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa litanya nito. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin doon but the moment I heard that, parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko.
“I won’t ask you to trust me, Cha,” saad niya at saka ngumiti at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa magkahawak naming kamay. “I will earn your trust kaya uunti-untiin natin ang lahat. I will show you kung gaano ako kaseryoso sa ‘yo.”
Hindi ko na nagawang magsalita pa. Alam kong hindi nito hinihingi na magtiwala ako sa kaniya, but his gestures are more than enough for me to secretly trust him. After all, we all have this part in our lives where we have to take some risk para sa mga bagay na alam nating worth it sugalan. As for me, si Hiro iyon.
Safe niya akong naihatid sa bahay namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at nagpasalamat naman ako sa kaniya para roon.
“Thank you for today, Hiro,” sabi ko.
Ginulo nito ang buhok ko at saka bahagyang pinisil ang tuktok ng ilong ko. Napaismid tuloy ako dahil doon kaya natawa ito. “Silly. Ako pa nga ‘tong dapat magthank you sa ‘yo,” sabi niya. “I’m sorry kung hindi nanggaling sa akin ang tungkol kay Thalia. Hindi ko na lang din ikinikwento kasi para sa akin wala na lang ang bagay na ‘yon, eh.”
I gave him a genuine smile. “No worries, we all have our past na ayaw nating pag-usapan,” sabi ko. “Mag-iingat ka sa pag-uwi, Hiro—” hindi ko natapos ang dapat ay sasabihin ko nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko at may sinuot na bracelet doon. May pendant ito na hugis bulaklak at kulay lilang maliliit na bato na nakapalibot sa mismong link nito.
“No’ng bumibili si Thalia ng alahas kanina, nakita ko ‘to and I thought of you,” ani nito. Hinawakan niya ang kamay ko matapos niyang isuot sa akin iyon. “It is a jasmine flower, and I hope that this bracelet will symbolize that whatever happens, I am devoted to you.”
Those words were enough to wake the butterflies inside my stomach. It was beautifully uttered that he was able to left me speechless.