FITS 33

1834 Words
CHARLOTTE POV "Alam na ba ni Annaisha na nakauwi ka na?" tanong ko kay Kiko at saka inilapag sa harapan nito ang isang baso ng orange juice. "No. Dito ako agad dumiretso pagkatapos kong mag-ayos ng gamit sa bahay," aniya at saka uminom sa juice na ibinigay ko. "How are you? How's Annaisha? Wala na akong balita sa inyong dalawa mula no'ng umalis ako," dagdag nito. Kababata naming dalawa ni Annaisha si Kiko. Kinailangan lang nito na umalis papunta sa ibang bansa dahil na rin sa trabaho ng daddy nito. Kung tutuusin ay mas naunang naging kaibigan ni Annaisha si Kiko kumpara sa akin dahil sa kaparehong village lang sila nakatira. Noon nga'y inaasar-asar ko pa silang dalawa dahil talaga namang malapit sila noon sa isa't isa. "Same old, same old. Magkaklase pa rin kami at ito, graduating na. Isang sem na lang at mamartsa na kami," sabi ko. "Ikaw, kumusta sa America? Mukhang nag-enjoy ka masyado sa ibang bansa, ah? So ano, may lovelife ka na ba ha?" tanong ko at saka tumawa. He hissed at saka umiling. "Lovelife? Kagaya noon, hindi ko pa rin priority. I mean, I've had flings here and there pero s iyong seseryosohin ko mismo, wala pa." "Naku, huwag kang masasanay sa mga fling fling na 'yan at baka bumalik din sa 'yo ang karma niyan sige ka," pagpapaalala ko. "You're still the same Cha I've known ever since," aniya at saka ngumiti. "Namiss ko 'yang mga paalala mo. Haven't heard that for so long and it's nice to be back." "Magi-stay ka na rito?" Bahagya itong ngumiti at saka umiling. "Break ko lang kaya nakauwi ako pero babalik din ako ng America," aniya. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa buhay-buhay at nang tawagin ako ni mama para magpatulong sa kusina ay sumunod din si Kiko. Gaya ng dati ay tinutulungan ako nito sa kusina dahil hilig niya rin ang pagluluto, that's why he's taking up culinary courses sa America. Nagpapasalamat naman ako sa kulit at presensya nito dahil kahit papaano ay nawala sa isip ko ang sinabi ni Thalia kanina. Dito na rin sa bahay nagtanghalian si Kiko. Tinext ko si Annaisha na nakauwi na si Kiko at ang bruha ay agad na tumawag at tila magtatampo pa dahil hindi raw siya sinabihan agad ni Kiko na pauwi ito. Ilang sandali pa ay pumunta rin sa bahay namin si Annaisha at saka nito niyakap ang kaibigan. Nang magpaalam na si mama na aalis na siya ay nagsabi rin ako na lalabas kami nina Annaisha. Wala naman itong sinabi so I assumed na okay lang sa kaniya.  Iniwan ko na muna silang dalawa sa sala dahil kailangan kong maligo at ihanda ang sarili ko. Nang matapos ako sa pag-aayos ay roon naming napagkasunduang tatlo na sa SM na pumunta.  Nang makasakay na kami sa sasakyan ni Kiko ay roon ko lang din naalala na imessage si Hiro. I texted him na paalis kami nina Annaisha para pumunta sa SM and he told me na mag-iingat ako sa magiging lakad ko. Nagpasalamat naman ako sa sinabi niya. I tried waiting kung may sasabihin pa ito after no’n ngunit nang makalipas na na ang ilang sandal na wala na itong naging message ay minabuti ko na lang na itago ang cellphone ko dahil kada matitignan ko ‘yon ay naaalala ko ang message ni Thalia sa akin kaninang umaga.  “Anong gusto ninyong gawin? Snacks? Shopping? Tell me, my treat,” ani Kiko habang inaalalayan niya kaming bumaba ng sasakyan niya. Doon ko rin Nakita kung paanong inilibot nito ang mata niya sa kabuuan ng lugar. “Nothing has changed in this place,” komento nito.  “Isang taon pa lang mula no’ng huli mong uwi, Kiko. You can’t expect a sudden change sa Pilipinas sa gano’ng panahon lang,” saad naman ni Annaisha na tinawanan namin ni Kiko. Tumuloy na kami sa pagpasok sa loob ng SM North at dumiretso na muna kami sa food court. Umorder lang ako ng potato fries at frappe dahil kakakain ko lang sa bahay. Matapos namin doon ay napagkasunduan naming tatlo na manuod ng sine. Good thing na panay comedy ang palabas ngayon kaya halos saktan kami ng tiyan kakatawa sa palabas.  Seeing and hearing them laugh bring back a lot of nostalgic memories na mayroon kami no’ng mga bata pa kaming tatlo. Maging ang nakasanayan namin na pagsishare sa popcorn ay hindi namin nakalimutan. Masaya ako na kahit pa pinaghiwa-hiwalay kami ng distansya ay walang nagbago sa pagkakaibigan naming tatlo.  Nang matapos ang movie na pinapanuod namin ay inaya kami ni Kiko na pumunta sa Forever 21. Sabi nito ay ililibre niya kami ng damit na gusto naming. I picked a simple nude pink hoodie dahil hindi naman ako sanay na nagsusuot ng mga damit na galing sa mga ganitong brand dahil hindi ito ang nakasanayan ko. Si Annaisha naman ay isang cocktail dress ang pinili.  Nang makalabas kami ng boutique ay nag-aya si Kiko na pumunta ng arcade. Tawanan naman kami nang tawanan dahil kagaya noon ay wala pa ring pinagbago si Annaisha. Siya pa rin ang pinakamababa ang score sa aming tatlo pagdating sa basketball. Nang makaramdam na kami ng pagod ay naupo kami sa bench na naroon sa labas.  “Oh, nandito rin pala si Hiro, Cha?” Napukaw ng sinabi ni Annaisha ang atensyon ko. Sinundan ko ang direksyon na tinitignan nito at doon ay Nakita ko si Hiro na nakangiti habang tumatawa ang kasama nito. It was Thalia. I checked my phone at matinding disappointment ang naramdaman ko nang makitang wala akong natanggap na message galing kay Hiro na nagsasabing papunta ito ng SM North. “Hiro!”  Bago ko pa man matakpan ang bibig ni Annaisha ay natawag na nito si Hiro. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin sa direksyon namin si Hiro.  “Who is he?” I heard Kiko asked. “Boyfriend mo?”  Umiling ako. “Nanliligaw pa lang,” sagot ko nang halos pabulong.  “I see,” aniya. Hindi ko na rin nagawang magsalita pa dahil narinig ko na ang boses ni Hiro na binati si Annaisha.  “Hi, Cha,” Hiro called. Wala akong naging choice kundi tignan ito at saka pilit na ngumiti.  “Hi,” I greeted back. “Hindi ko alam na pupunta ka rin dito,” dagdag ko.  “Biglaan lang din ang lakad kaya hindi na ako nakapagsabi sa ‘yo,” aniya. I did not answer. “Supposedly dapat kasama rin namin si Caleb but something urgent came up kaya ako na lang muna ang umalalay kay Thalia.”  “Interesting,” dinig kong komento ni Kiko na nasa tabi ko bago ito tumayo at lumapit kay Hiro. “You’re courting my friend, yet you forgot to tell her tungkol sa biglaang lakad mo, pare?” Nanlaki ang mata ko dahil sa tinuran nito. “Isn’t that an invalid reason?”  “Kiko,” pagtawag ko sa pangalan nito. Napatingin ako kay Hiro at seryoso lang din itong nakatingin kay Kiko.  After a while, Kiko laughed at saka nag-abot ng kamay kay Hiro. “Kiko, by the way. Childhood friend nina Cha at Annaisha.”  Inabot din ni Hiro ang kamay nito at saka ipinakilala ang sarili niya. Maging si Thalia ay ipinakilala rin nito kay Kiko. Hindi ko naman napigilan ang mapatingin sa babaeng katabi ni Hiro ngayon.  For the rest of the afternoon ay nakasama na namin sina Hiro at Thalia. It was Hiro’s choice to do that. Wala naman akong ginawa sa buong oras na kasama namin sila kundi manahimik. Hindi ko alam kung paano ko dapat pakitunguhan si Thalia, hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan ang pakikipag-usap kay Hiro.  Pagsapit ng alas kwatro ay napagkasunduan na naming lahat na umuwi muna dahil malayo-layo pa ang byahe nina Annaisha at Kiko pauwi sa village nila.  “Hiro, saan umuuwi ang friend mo?” Kiko asked out of nowhere.  “Why do you ask?” tanong ni Thalia. “Don’t tell me…”  Kiko chuckled a bit. “Don’t overthink, missy. Hindi kita type. Tinatanong ko lang para kung on the way ka, ride with us. Si Hiro na ang bahalang maghatid kay Cha sa kanila. It seems like they need some time alone and by alone, it means hindi ka kasama.”  “Kiko,” I warned once again. He raised his hands up in the air na parang sumusuko na ito. “Sorry,” pabulong na saad ko kay Hiro na nasa tapat ko lang.  “Sa Santa Lucia umuuwi si Thalia,” ani Hiro na sagot sa tanong ni Kiko. Nakita ko kung paanong lumawak ang ngiti ni Kiko sa narinig.  “That’s great then. Santa Ana kami at on the way ang uuwian ng kaibigan mo—” “Come on, Hiro. Don’t tell me na pasasabayin mo ‘ko sa kanila?” Thalia asked. I looked at Kiko at saka umiling. Nagkibit-balikat lang naman ito sa akin.  “Thalia, Kiko’s right. I need some time to talk with Cha,” saad ni Hiro. “Isa pa, pinagbigyan na kita sa lakad na gusto mo. Balato mo na sa akin ‘to, okay?”  Hindi na sumagot pa si Thalia, but before entering the car, she glared at me. Hindi ko na lang din iyon pinansin dahil wala namang mangyayari kung papatulan ko pa siya. I waved goodbye towards Kiko and Annaisha nang buhayin na ni Kiko ang makina ng sasakyan niya, hanggang sa makaalis na sila at hindi ko na sila matanaw sa parking lot.  Naputol ang pagtingin ko sa dinaanan nina Kiko nang may biglang humawak sa palapulsuhan ko. It was Hiro. I looked at him at may sinasabi ang mata nito na hindi ko maipaliwanag.  “Why?” I asked. He caressed my hand gently habang nakatingin doon. “Dahil hindi ko nasabi na aalis ako kasama ni Thalia.” I smiled a bit. “Ayos lang. Kagaya ng sabi mo, biglaan din,” saad ko. “One more thing, wala pa naman akong rights para mag-isip ng kung ano. Magkaibigan kayo, eh.”  “I promise that it won’t happen again,” aniya. Mas naging totoo ang ngiti ko nang marinig ang katagang iyon.  Magkasabay kaming naglakad papunta sa kung saan nakapark ang kotse niya. Iniimbita pa niya ako na makasabay sa dinner pero sabi ko’y sa sunod na lang dahil kailangan kong umuwi sa bahay at lutuan si mama.   Nang makarating kami sa kotse niya at pinagbuksan na ako nito ng pinto ng sasakyan, I faced him. With my remaining courage ay tinanong ko ang isang bagay na gumugulo sa akin mula pa kanina.  “Totoo ba na…nagustuhan mo si Thalia noon?” I asked.  Bakas naman ang pagkagulat niya base sa ekspresyon nito. Narinig ko pa ang paghinga nito nang malalim at saka ito bahagyang lumapit sa akin. Ang sunod na salitang binitawan niya ay tila kurot sa dibdib ko.  “Yes,” he answered without any hesitation.  “What…happened?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD