CHARLOTTE POV
Hindi pa rin naalis sa isip ko ang sinabi ni Sarah kanina habang nasa mall kami. Iyong takot nito sa commitment na nag-uugat sa takot niya na baka isang araw ay biglang magbago ang tao kung kailan mahal na niya ito, magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala iyong naging epekto sa akin. Maging ako ay natatakot sa gano'ng senaryo dahil sa lagay namin ngayon, everything can change in a snap. Kahit ayokong mag-isip, parang laging sinusubok ang pagtitiwala at paniniwala ko kay Hiro sa mga ganitong sitwasyon.
Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. I looked at it at rumehistro ang pangalan ni Hiro sa screen. Napangiti naman ako nang bahagya nang makita ang pangalan nito sa screen ng cellphone ko. Sinagot ko ang tawag nito at saka inihiga sa kama ang sarili ko.
"I'm sorry for calling. Nakaabala ba ako?" he asked.
"Hindi naman, wala naman akong ginagawa," sagot ko. "Nakauwi ka na ba sa inyo?"
"Yep, medyo kadarating ko lang din," aniya. Hindi ko naman tuloy napigilan ang makaramdam ng guilt kahit pa nag-insist siya at si Caleb kanina na sila na ang bahalang maghatid kina Annaisha at Sarah sa kani-kanilang mga bahay. "Hey, don't worry about me. Hinatid ko rin kasi si Caleb kaya medyo natagalan ako sa pag-uwi but I'm fine."
Sa kabila ng sinabi nito ay hindi ko naiwasan ang mapalabi. "Pasensya na talaga," I uttered. "Nga pala, wala ka bang napansin kina Annaisha at Caleb kanina?"
"Maliban sa napakatahimik nila no'ng bumabyahe na tayo pauwi, wala naman na. Bakit mo natanong?"
Bumuntong-hininga ako. "Pakiramdam ko kasi may nagbago. Hindi sila halos nagpapansinan kanina sa mall, tapos ayon, tahimik din sila masyado no'ng pauwi na tayo. Hindi naman sila gano'n no'ng nasa school pa tayo, eh."
"Do you want me to ask Caleb kung anong mayroon sa kanila?" tanong nito.
Mabilis pa sa alas kwatro na napailing-iling ako kahit pa hindi niya naman iyon nakikita. "Hindi, hindi. Ayoko rin naman na mainvade ang privacy noong dalawa. The least thing na pwede nating gawin ngayon ay maghintay kung kailan sila maging ready magsabi," sabi ko. "Nga pala, maiba tayo ulit, kailan ang enrollment ninyo para sa second sem?"
"Sasabay na lang kami ni Caleb kung kailan kayo mag-eenroll," aniya. "Mas pabor naman sa akin iyon kasi makakasama kita."
Hindi ko napigilan ang umismid para pigilan ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. Hindi ako nakapagsalita dahil naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ever since he started courting me, naging cheesy na tao na si Hiro. I don't know if he noticed that, but napapadalas ang mga banat nito sa akin. Minsan ay hindi ko mapigilang manibago dahil hindi ko naman siya ganyan nakilala but it's a good thing that he's making this side of him known to me.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras pa na tumagal ang pag-uusap naming dalawa dahil nang muli akong magmulat ng mga mata ko ay mataas na ang sikat ng araw. Napabangon ako bigla para hanapin ang cellphone ko at hindi nga ako nagkamali, nakatulugan ko na naman si Hiro. Agad akong nagsend ng good morning message rito kasama ng paghingi ko ng pasensya na nakatulugan ko siya ulit. Akmang magsesend pa ako ng panibagong mensahe sa kaniya nang may biglang notification na dumating sa akin. It was a message request from Thalia, Hiro's friend. When I viewed her message ay agad na nangunot ang noo ko.
Hiro's courting you, is it true?
Hindi ko alam kung dapat ko bang replyan ang message nito but despite the bad guts that I have, nireplyan ko ito ng oo na sinamahan ko ng smiley face. When I saw that she's typing, I waited for her reply.
Good for you.
Nang makita kong may tinatype pa itong muli ay hindi na muna ako nagreply.
I just hope that when the right time comes at balak mo na siya sagutin, siguraduhin mo muna na nakalimutan na ni Hiro ang feelings niya sa akin. Ayon lang, good morning. :))
Para naman akong napako sa kinalalagyan ko no'ng mga oras na 'yon. Hindi ko nagawang replyan ang mensahe ni Thalia sa akin at nanatili lang akong nakatingin doon. Hiro used to like her? Walang nabanggit sa akin si Hiro tungkol doon. Ang alam ko lang ay magkaibigan sila...
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman matapos no'n. Dapat ba akong magselos? Dapat ba akong magtampo? Pero bakit? Paano? May karapatan na ba ako sa mga gano'ng bagay?
Natigilan lang akong muli nang makitang nagmessage na si Hiro sa akin. He greeted me good morning ngunit hindi ko iyon magawang replyan. Hindi ko mapigilang mag-isip kung kailan niya balak sabihin sa akin na nagkagusto siya kay Thalia bago pa man sila mapunta sa status na mayroon sila ngayon. Hindi ko rin alam kung dapat kong sabihin dito ang naging chat ni Thalia sa akin pero natatakot ako na baka hindi maging maganda ang kalabasan no'n para sa pagkakaibigan nila.
"Ano ka ba, Cha! Past is past!" pagsaway ko sa sarili ko at saka nagtipa ng reply para kay Hiro ngunit matapos kong isend ang reply ko ay napabalik ako sa kung nasaan ang mensahe ni Thalia sa akin. "Trust him..." bulong ko pa sa sarili ko.
"Charlotte, lumabas ka muna ng kwarto mo at may naghahanap sa 'yo!" rinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko kaya nagpaalam na muna ako kay Hiro na may gagawin ako sandali bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
"Bakit po, ma?" tanong ko nang makita ko ito sa kusina. Inginuso lang nito ang labi niya papunta sa direksyon ng pinto. Naguguluhan man ay pumunta ako sa direksyong iyon at doon ay may nakita akong pigura ng isang lalaki na nakatalikod.
"Sino po—" Agad na nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Lumapad ang ngiti nito sa akin at doon na rin ako napangiti bago lumapit dito para yumakap. "Kiko! Namiss kita!"
"Long time no see, Cha," aniya at saka gumanti sa yakap ko.
He's back! Kiko is back!