CHARLOTTE POV
Hindi ko alam paano ko pakikitunguhan si Hiro matapos ang lahat ng nalaman ko. Hindi na kami magkasama yet the horror that I felt the moment I realize kung sino ang kabit ng daddy niya still lingers in me. Hindi ko rin alam paano ko sasabihin kay Hiro ang lahat—na ang nagdudulot ng problema sa pamilya niya ay kapamilya ko, na ang taong sumisira sa bagay na pinakaimportante sa kaniya ay mismong nanay ko. Right there and then, hindi ko kinayang tignan ito sa mga mata niya, ni hindi ko kinayang makipag-usap sa kaniya sa kaswal na pamamaraan.
He will hate me...that's for sure.
"Hoy, Cha! Kanina ka pa tulala riyan. Ano girl, lalaruan mo lang 'yang meryendang binili mo?"
Bumalik ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Annaisha. I didn't realize that I was already spacing out. Sadyang maraming tumatakbo sa isip ko na hindi ko alam kung paano o saan ko sisimulan ang lahat. Wala rin akong mapagsabihan ng problema ko dahil ang mga bagay na gaya nito ay hindi na dapat pang malaman ng iba, kahit na sino pa sa mga kaibigan ko.
"Baka namimiss si Hiro kasi wala sila eh," pang-aasar ni Sarah sa akin at saka sila nag-apir ni Annaisha.
Isang bahagyang ngiti lang ang kumawala sa labi ko. If only they know na ayaw ko rin munang makita si Hiro because the moment na magkikita kami, paniguradong kakainin lang ako ng guilt na nararamdaman ko.
Right now, pakiramdam ko ay napakasama kong kaibigan for keeping a very important secret, but I am scared. Natatakot ako sa mga posibleng maging kalabasan. Natatakot ako na baka mawalan na naman ako ng isang importanteng tao sa akin. He might loathe me for the rest of his life dahil sa koneksyon ko sa kabit ng tatay niya.
"Cha, okay ka lang ba talaga?" pagtatanong ulit ni Annaisha. "Hindi ka nakasagot sa recitation kanina dahil masyado kang lutang. Unang beses na nangyari 'to, Cha. May problema ka ba?"
Umiling ako at saka yumuko. "Wala akong problema," pagsisinungaling ko.
"Ngayong gabi nga pala 'yong party nina Hiro 'no?" Annaisha asked, siguro'y para na rin baguhin ang topic namin. Tumango lang naman ako bilang sagot. "I heard he's going with his friend, eh, kasi hindi mo siya sinamahan."
I sighed. "He'll be fine without me," saad ko at saka tumayo para pumunta ng banyo. Huling klase na namin 'to para sa araw na 'to but I don't feel the excitement na matapos ang klase ngayon. Nang makapasok ako sa isa sa mga cubicle sa banyo ay agad akong napahilamos sa mukha ko. Bakit ba kailangang maging ganito kakumplikado ang lahat?
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. I looked at it and I was in despair when I saw Hiro's name on top. He messaged me, asking if kumusta ako. Then, another message came but I didn't bother reading it. Hindi ko kayang basahin ang mga mensahe niya knowing that I am a terrible friend to him dahil hindi ko kayang pakawalan ang katotohanan na alam ko.
Nang matapos ang klase namin para sa araw na 'yon ay nagpaalam na rin ako agad kay Annaisha. Gusto ko nang makauwi sa bahay at magmukmok na lang sa kwarto, o hindi kaya'y abalahin ang sarili ko. Gusto ko ring makausap si mama tungkol sa daddy ni Hiro. As much as I value her, hindi naman tama na may pamilya na itong nasisira. Hindi tama na nakikisama siya sa lalaking may asawa't anak na.
Pagkarating ko sa bahay ay mas bumigat ang nararamdaman ko. Kumuha ako sa pitaka ko ng pambayad sa tricycle at saka nagpasalamat sa driver. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay rinig na rinig ko na ang boses ni mama, halatang may kausap ito. Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago ko pinihit ang seradura ng pinto. To my surprise, naroon din sa bahay ang daddy ni Hiro. Pakiramdam ko naman ay mawawalan ako ng lakas dahil sa nakikita ko. Now that I know him, hindi ko alam paano pa ito pakitunguhan nang maayos.
"Cha, ito may pasalubong sa 'yo ang tito—" hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni mama at ang pag-aabot sa akin nito ng box ng mga tsokolate.
"Bakit nandito siya, ma? Bakit nakikipagkita ka pa rin sa kaniya?" hindi ko napigilang itanong.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Malamang na magkikita kami dahil may relasyon kaming dalawa—"
Napahilamos ako sa mukha ko. "Ma, pamilyado siyang tao! Hindi mo po ba alam 'yon?! Sumisira ka ng pamilya ng iba, mama!"
Dinuro ako ni mama. "Ikaw na bata ka, tigil-tigilan mo ako ha? Eh, ano ngayon kung pamilyado siya? Isa pa, hindi naman na bago sa 'yo ang ganito, ah? Do'n sa mga naunang nakasama ko na may pamilya na, hindi ka naman nagreact nang ganyan! Ano't nag-iba ang ihip ng hangin?!"
Hindi ko sinagot si mama bagkus ay tinignan ko ang lalaki. "Mawalang galang na po pero hindi ba kayo nakokonsensya na pahirapan ang asawa't anak ninyo para sa pansamantalang kaligayahan lang? Anong klase kang tatay na nasisikmura mong makita ang asawa't anak mo na nahihirapan nang dahil sa kasalanan mo—"
Hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang tumama sa pisngi ko ang palad ni mama. Ang init ng pisngi na nararamdaman ko ngayon, ang sakit ng puso at sikip ng dibdib na nararamdaman ko ngayon ay kulang pa para pagbayaran ang ginagawa kong paglilihim kay Hiro. Kulang na kulang pa itong kabayaran para sa kasalanang ginagawa ng nanay ko kasama ang tatay ng taong gusto ko.
"Bastos na 'yang bibig mo, ha! Ano bang alam mo, Charlotte? Hoy–" bahagyang itinulak ni mama ang noo ko, "–para sabihin ko sa 'yo, wala kang karapatan na pakialaman kung sino ang gusto kong makasama ha? Wala kang karapatang bastusin ang lalaking kinakasama ko. Naiintindihan mo ba?! Bastos kang bata ka akala mo naman hindi ka palamunin dito sa puder ko! Saka ka magbanal-banalan kung may ambag ka na sa buhay ko!"
Hindi ko na napigilan ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Nasasaktan ako para sa lahat—para sa sarili ko, para kay Hiro, para kay mama. Nasasaktan akong marinig ang mga bagay na sinasabi sa akin ni mama nang harap-harapan. Nasasaktan ako para kay Hiro dahil sa kabila ng kabutihan niya, kailangan niyang pagdaanan ang ganitong problema, at nasasaktan ako para kay mama dahil sa mga ginagawa nito na ikinasisira na ng buhay niya. Hindi ko alam kung anong naging kasalanan namin sa buhay at ganito niya kami pinahihirapang lahat.
"Umalis ka na sa harapan ko at baka hindi kita matantsa, Charlotte!" asik ni mama sa akin.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo palabas ng bahay. Hindi pa rin tumitigil sa pag-uunahan ang mga luha ko. Hindi ko na rin masyadong naaaninag ang daan ngunit ayaw huminto ng mga paa ko. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapaupo ako sa damuhan sa parkeng nagsisilbing karamay ko.
I kept on asking myself kung mali ba na nakialam ako. Sa ganitong problema, hindi ko na rin maunawaan kung ano ba ang dapat kong gawin, ano bang tama at maling gawin. Kada pipiliin kong gumawa ng tamang bagay, mayroong nasasaktan. Ngunit gano'n din ang mangyayari kapag mas pinili ko ang bagay na alam kong mali.
Kinuha ko ang cellphone ko at buong lakas na nagtipa roon ng mensahe para kay Annaisha. Isang mensahe na naglalaman lang ng isang linya ngunit alam kong sapat na para sumahin ang sakit at gulo na nararamdaman ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko..." ang laman ng mensaheng iyon. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at yakapin ang sarili ko. Pa, bakit kailangan mo 'kong iwan nang ganito?
Hindi ko na rin alam kung ilang minuto na akong nananatili sa parke. Ang tanging alam ko lang ay ramdam ko ang kahamugan ng gabi, ramdam ko ang pag-ihip ng malamig na hangin at tanaw ko na ang mga bituin na kumikinang sa langit. Napahiga ako sa damuhan at saka ipinikit ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay namamanhid ako sa bigat ng nararamdaman ko.
Muli lang akong napadilat nang may maramdaman akong gumagalaw sa tabi ko. Nang maaninag ko na nang tuluyan kung sino iyon, pakiramdam ko ay bubuhos na naman ang luhang kanina'y pinipigilan ko na. Napabangon akong muli dahil sa presensya niya. Nang ngumiti ito sa akin at naupo sa harapan ko, mas bumigat ang laman ng dibdib ko. He's here. Hiro's here.
His hand cupped my cheeks at saka nito dahan-dahang pinahid ang luhang lumalandas sa pisngi ko. The gentleness of his touch emphasized the guilt na nararamdaman ko. I don't deserve this treatment, I don't deserve him.
"Nandito lang ako, Cha," aniya.
Nag-iwas ako ng tingin at pilit na pinakakalma ang sarili. "B-Bakit ka nandito? Dapat ay nando'n ka sa party ninyo at nagsasaya—" he cut me off.
"You need me, that's why I'm here," aniya. "Sinabihan ako ni Annaisha na—"
"Hindi ko kailangan ng kung sino, Hiro. Kaya ko ang sarili ko," pagpuputol ko sa dapat ay sasabihin nito.
I heard him sighed. "Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong hindi nagsasabi ng totoo ang taong kausap mo," saad nito. Nang tumingin ako sa kaniya ay isang maliit na ngiti lang ang ipinakita nito. "You were the one who taught me that asking for help does not make us weak. You were the one who taught me that it is okay to seek help whenever you need it—"
"Hindi mo naiintindihan, Hiro! Hindi mo 'ko pwedeng tulungan dahil hindi ko deserve 'yang kabaitang pinakikita mo!"
"Then, make me understand, Cha. Makikinig ako. Kailangan ko lang ding maintindihan kung saan ka nanggagaling."
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. "Ang daling sabihin ng mga katagang 'yan para sa 'yo, Hiro."
Natigilan ako nang bigla nitong hawakan ang mga kamay ko. "Nasasaktan ako na nakikita kitang ganito. Nasasaktan ako na hindi kita matulungan sa mga problema mo—"
"How much pain can you take, Hiro?" tanong ko na siyang pumutol sa dapat ay sasabihin nito.
"More than enough to handle the truth kung bakit ka nagkakaganyan," seryosong sagot niya.
Hindi ako nagsalita, bagkus ay dahan-dahan akong tumayo habang ang mga mata ko'y nakapako pa rin sa direksyon niya. Tumayo rin ito mula sa pagkakaupo at sandali pang bumalot sa amin ang katahimikan bago ko hinawakan ang palapulsuhan nito para dalhin siya sa lugar kung saan ay malalaman niya ang lahat-lahat ng gusto niyang malaman—lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa daddy niya. Pagkatapos nito, anuman ang mararamdaman ni Hiro sa akin, ay tatanggapin ko dahil 'yon...'yon ang dapat kong gawin. Ito ang tamang gawin.