CHARLOTTE POV
Hinila ko si Hiro hanggang sa huminto kaming dalawa sa tapat ng bahay na tinutuluyan namin ni mama. Bakas sa reaksyon nito ang pagtataka sa kung bakit ko siya isinama sa lugar na ito ngunit wala itong kahit na isang tanong na ibinato sa akin. Nang makakuha na ako ng sapat na lakas ng loob ay hinila kong muli si Hiro papasok ng bahay namin. Doon ay magkasabay naming nakita ang nanay ko at ang tatay ni Hiro na nasa iisang sofa at magkalapit sa isa't isa. Nang makita si Hiro ng daddy niya ay agad itong napatayo at napatawag sa pangalan ng anak.
Kaba at takot ang lumukob sa loob ko nang muling magtagpo ang mga mata ni Hiro at mga mata ko. Sinusubukan ko mang basahin ang naiisip nito ay hindi ko magawa. Masyadong balot ng sakit at lungkot ang paraan ng pagtitig niya sa akin hanggang sa maging blangko na ang reaksyon ng mga mata nito.
"A-Alam mo?" ang unang tanong na lumabas sa bibig ni Hiro. Wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko at dahan-dahang tumango bilang tugon sa naging tanong niya. No'ng mga sandaling iyon, wala akong ibang nagawa kundi ang ikuyom ang mga kamao ko para roon kumuha ng lakas kahit papaano. "K-Kailan pa? Bakit..." he breathed, "Bakit ngayon ko lang nalalaman ang lahat ng 'to, Cha?"
"Anak, wala siyang—" hindi natapos ng daddy ni Hiro ang dapat ay sasabihin nito dahil agad siyang pinutol ng sarili niyang anak.
"Do you know how much you're hurting mom, dad?" Hiro asked at saka ito sarkastikong tumawa. "Alam mo ba na kapag umaalis ka ng bahay, kapag nararamdaman ni mommy na nagsisinungaling ka, alam mo ba kung paano siya tahimik na umiiyak?! Kung paano siya nagbulag-bulagan sa ginagawa mong kalokohan, daddy?! Kung paano niya tiniis ang lahat para lang hindi masira nang tuluyan ang pamilya natin?!"
"Hiro, let me explain—"
"Explain what?!" Halos maging ako ay napapitlag nang mas tumaas ang boses ni Hiro. Sinubukan ko itong hawakan sa balikat niya but he shrugged me off kasabay ng pagtulo ng mga luha nito. "When you married mom, you promised her that you'll be with her and that you'll choose her for better or for worse—"
"Hindi mo naiintindihan, Hiro!" His dad snapped at him. "Hindi na kami masaya ng mommy mo! Hindi na kami okay sa pagsasama na mayroon kami, anak! Your mom and I tried pero hindi na namin maibalik ang kung anong mayroon kaming dalawa. Ang hirap-hirap and during my worst times, Cynthia was there to comfort me—"
"Kasal kayo ni mommy, dad! Kahit sana 'yon lang, isinaalang-alang mo naman! Kasal kayo at may anak kayo! Kung ganyan na hindi na kayo okay, hindi mo na mahal si mommy, bakit hindi ka pa nakipaghiwalay sa kaniya?! Why...dad? Why do you have to hurt us nang paulit-ulit?"
Nabalot ng katahimikan ang lugar matapos bitawan ni Hiro ang mga salitang iyon. Sinubukan kong lumapit dito but he signaled me to stop. Pakiramdam ko naman ay may kung anong kumurot sa dibdib ko. Letting him know the truth will have its own fair share of consequences, and as for me, ito na 'yon, ang paglayo ni Hiro sa akin. Nakinita ko na ang posibilidad na 'to but seeing him do it, maging ako ay nasasaktan but I know, wala akong karapatang pagsabihan ito sa ginagawa niya. He has all the rights to do this, he has all the rights to push me away.
"Of all the people, Cha, I trusted you," aniya. Natutop ko ang bibig ko habang kinakagat ko rin ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala mula sa akin. "Nakinig ako sa lahat ng mga payo mo, thinking that maybe this time, I already found someone with a sincere heart for me...pero mukhang mali ako. You...were just like everybody else," he uttered the last words with full of disappointment in his voice.
"Hiro..." I helplessly called, "hindi ko gustong itago ang lahat sa 'yo, hindi ko lang din alam kung paano ko sasabihin. Kung paano ko sisimulan. Kagaya mo, nagulat din ako nang malaman kong nanay ko ang kinakabit ng daddy mo. Nasaktan ako, hindi para sa akin kundi para sa 'yo dahil kaibigan kita." I swallowed the lump in my throat bago ako nagpatuloy. "Aaminin ko, hindi ko sinubukang sabihin sa 'yo kasi...kahit papaano naman pamilya ko pa rin si mama. I...have to protect her sa paraang alam ko. Akala ko rin kaya kong itama ang pagkakamali nila, na kailangan lang nila ng oras para makapag-isip kasi—"
"Hindi ko alam paano ka pakikinggan," Hiro said, stopping me from completing my sentence. "Hindi ko rin alam kung...kung kaya pa ba kitang paniwalaan."
"I...understand..."
Hindi ko mabilang ang beses na huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung tama bang sumugal ako sa paggawa ng bagay na 'to but if I won't, mas pagkakaitan ko lang si Hiro and he does not deserve that.
"Let's go, Hiro. Sa bahay na tayo mag-usap kasama ng mommy mo," pag-aaya ng daddy ni Hiro sa kaniyang anak.
Walang salitang lumabas sa bibig ni Hiro at hindi ko na rin mahanap pa ang natitirang lakas ng loob ko para tignan siya. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng karapatan na kausapin ito. Mula sa pagkakayuko ay kitang-kita ko kung paanong unti-unting umalis si Hiro sa lugar nang walang pasabi. Bumalot na ang katahimikan sa bahay nang makaalis sila ngunit hindi ko pa rin maigalaw ang mga paa ko, tila pako pa rin ako sa kinaroroonan ko.
"Bakit dinala mo rito ang anak niya?!" asik sa akin ni mama nang makapagsolo na kami. "Ano ba talagang gusto mong mangyari ha, Charlotte? May napala ka ba sa pagsusumbong sa kaibigan mo ha?!"
Naikuyom ko ang mga kamao ko upang pigilan ang namumuong inis sa akin. "Tama na, ma..." I mumbled.
"Akala mo naman mapapakain ka ng pagsasabi ng totoo—"
"Ma, tama na!" I exclaimed. "May asawa 'yong tao at kaibigan ko pa ang anak niya! Kahit sana konting respeto lang sa pamilya nila, ma! O kaya nama'y konting respeto lang sa sarili mo kasi sumusobra ka na po—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang muling dumapo sa pisngi ko ang palad ni mama. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa nagpapatong-patong na sakit na aking nararamdaman.
"Sa tingin mo ba mapapakain ka ng respetong sinasabi mo?! Mababayaran ba ng respeto ang lahat ng pangangailangan natin?! Ang lahat ng tuition mo sa pinapasukan mong school?!" sigaw nito sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak dahil sa naririnig ko mula kay mama. "Putangina! Kung may choice lang ako na mas maganda at mas matino kumpara sa pagiging kabit ko sa mayayamang lalaki, sa tingin mo ba hindi ko gagawin?! Sige nga, sabihin mo sa akin, may puwang ba ako sa lipunang ginagalawan natin ha, Charlotte?! Ni hindi ako makalabas ng bahay nang walang nakatingin sa akin! Kahit saan ako magpunta, may nanghuhusga! Ngayon mo sabihin sa akin kung saan ako dadalhin ng respetong sinasabi mo!"
"Pero hindi tama na manira ka ng pamilya, ma," mahinahong saad ko at saka umiling-iling. "Hindi ito ang gusto ni papa na makita sa atin, lalong-lalo na po sa 'yo, mama, kaya please..."
Hindi ako sinagot ni mama, bagkus ay umalis ito sa harapan ko nang walang sinasabi. Napahawak ako sa upuang naroon at saka bahagyang hinilot ang dibdib ko habang iniisip na anuman ang nararamdaman ko ngayon, deserve ko ito. After all, I was the one who caused them a lot of pain.