CHARLOTTE POV
Punuan ang gym nang makarating kami roon. Busy naman si Annaisha sa pagtitipa sa cellphone niya habang kami ni Sarah ay naghahanap ng bakanteng upuan. Hindi na rin kasi namin makausap pa si Caleb dahil abala na ito sa paghahanda sa magiging laro nila.
"May sinave raw na upuan si Caleb para sa atin. Sa likod daw ng bench nila mismo," ani Annaisha. She held my hand at si Sarah naman ay hinawakan ko rin sa palapulsuhan nito. Dahil masyado nang maraming tao ay kinailangan namin na sa mismong side na ng court dumaan. Nakayuko lang ako sa buong minuto na ginagawa namin 'yon dahil may pailan-ilang bulungan akong naririnig.
"Guys, here," ani Caleb sa amin at saka nito binuksan ang parang harang na naghihiwalay sa bench nila at sa bench kung saan ay pwedeng maupo ang mga manunuod.
Nang makapwesto na kami ay sakto namang si Hiro ang nasa harapan ko. Wala akong ibang nagawa kund palihim itong i-goodluck sa isip ko dahil walang salita ang gustong kumawala sa bibig ko. Hindi ko pa siya kayang kausapin dahil alam ko naman ang kasalanan ko rito.
Maayos na nag-umpisa ang laro. Caleb and Hiro's rhythm are definitely making it hard for Leon's group to keep up. Napuno rin ng sigawan ang gym lalo pa nang matapos ang first quarter at lamang na lamang ang grupo nina Hiro. Maging ako ay palihim na sumaya dahil sa panunumbalik ng laro ni Hiro sa court.
"Galing!" dinig kong saad ni Annaisha at saka nakipag-apir kay Caleb na tatawa-tawa naman. Caleb extended his gesture sa amin ni Sarah bago ito naupo sa tabi ng kaibigan.
"Nice game, pare," dinig kong saad ni Caleb kay Hiro habang pareho silang nagpupunas ng pawis. Uminom naman muna si Hiro sa water jug niya bago nito nilingon si Caleb.
"May tatlong quarter pa. Huwag kang pakampante," sagot nito.
Nang magsimula at natapos ang second at third quarter ay wala pa ring pinagbago ang resulta. Lamang ng 25 points ang grupo nina Hiro at Caleb mula sa team nina Leon. I looked at the opposing side at tila wala naman iyon kina Leon dahil tatawa-tawa pa ang mga 'to—or that's what I thought.
"Sana manalo sila," ani Sarah. "Ayokong manalo ang grupo nina Leon dahil kapag nanalo 'yang mga 'yan, mas yayabang pa grupo nila."
"Kaya 'yan," sagot naman ni Annaisha.
Hindi ako nakaimik lalo pa nang magsimula na ang fourth quarter at nagpalit ng rotation ang grupo nina Leon. Kung kanina ay hindi si Leon ang nagbabantay kay Hiro dahil kay Caleb siya nakafocus, ngayon ay siya na. Hindi naging maganda ang pakiramdam ko nang tila sinusubukang kausapin ni Leon si Hiro. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang pangungunot ng noo ni Hiro at ang pagtingin nito sa direksyon namin. Hindi ko alam kung ano ang gumugulo sa isip niya but I am worried na makaapekto ito sa kaniyang laro. When he tried to shoot the ball that he's holding, hindi ito pumasok. Marami ang nadisappoint sa pangyayaring iyon.
"Anong nangyayari kay Hiro?" dinig kong tanong ni Sarah ngunit hindi ko 'yon nagawang sagutin.
Nakailang beses na nagkaroon ng turnover ang grupo nina Caleb dahil kay Hiro at tila tuwang-tuwa naman si Leon sa nangyayari. Pinuntahan ni Caleb si Hiro at tinapik ang balikat nito. Nakita ko rin kung paanong napasulyap si Caleb sa direksyon namin—particularly sa direksyon ko. Ano bang mayroon at tingin sila nang tingin?
Nang magsimulang muli ang laro ay tila pinipilit ni Hiro na ibalik ang laro niya but it was of no use. Sa gulat ko, nang dapat ay magsoshoot si Caleb ay biglang tumakbo si Leon papunta sa gawi nito at nakisabay ito ng pagtalon para tapalin ang bola. Nang makita kong papunta ito sa direksyon ko ay wala akong ibang nagawa kundi ang pumikit at harangan ang sarili ko, but few seconds passed at walang bola na tumama sa akin. Nang magmulat ako ng mga mata ko, there I saw Hiro na nakaupo sa sahig at nakasandal sa natumbang metal fence habang iniinda ang sakit ng kamay nito. My eyes grew wider nang makitang nagdurugo ang likod ng kamay niya. The medic rushed towards him and the last thing we know, Hiro won't play for the rest of the game.
"Hindi ko pa rin inexpect ang ginawa ni Hiro kanina," ani Annaisha. "Akalain mo, medyo malayo siya sa pwesto ni Caleb pero nang makita nito ang mangyayari, he rushed towards you tapos sinalo ang dapat ay bola na sa 'yo tatama. Napasama nga lang ang katawan niya dahil sa kabayanihan niya and prolly, masakit din ang kamay no'n dahil sa lakas ng impact ng bola, at tumama pa iyon sa metal fence kanina."
"Kahit pa nagtatampo siya sa 'yo, he did that to protect you," saad naman ni Sarah.
Wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Pakiramdam ko ay mas nadaragdagan lang ang utang ko kay Hiro dahil sa ginawa niya ngayon. Kaya rin ba siya nawala sa focus kanina ay dahil sinabi ni Leon sa kaniya ang mangyayari o may iba pang rason kaya tila naging occupied masyado ang isipan nito?
"Mauuna na muna ako sa inyo," pagpapaalam ko sa dalawa. "May kailangan lang akong puntahan."
Annaisha hummed a little. "Huwag mong isipin na may kasalanan ka sa nangyari sa kaniya. Wala ka namang alam na may gano'ng gagawin si Leon. Alam mo naman ang isang 'yon, top one sa listahan ni satanas sa impyerno."
Ngumiti ako nang bahagya at saka tumango nang isang beses. "Susubukan ko," saad ko.
Hindi ko na nahintay pa ang magiging sagot nila at dumiretso na ako sa cafeteria para bumili ng pagkain. Ipinalagay ko iyon sa isang styrofoam na lalagyan at saka tinahak ang daan papunta sa school's clinic. Pakiramdam ko naman ay ang bigat-bigat ng bawat hakbang ko habang iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kay Hiro. Dapat ba muna akong magpasalamat o dapat kong unahin ang paghingi ng tawad? Kung hindi dahil sa akin ay hindi sana ito mapapahamak. Pakiramdam ko rin ay ito na ang gustong sabihin ni Caleb sa amin no'ng nasa cafeteria kami. Kung may kinalaman nga ako sa naging laro ngayon, hindi ko na naman mapapatawad ang sarili ko.
Nang nasa harap na ako ng clinic ay dahan-dahan akong kumatok. Ilang sandali pa ay pinagbuksan ako ng nurse na nagbabantay roon.
"Si Dela Vega ba ang sadya mo?" she asked. Tumango naman ako. She let me in without another word. "Ibinilin niya sa akin na mga kaibigan niya lang ang papasukin kung dadalaw man sa kaniya and I saw you in the picture he showed me kaya patutuluyin kita," aniya.
"Thank you po," saad ko.
She signaled the way kung saan ko makikita si Hiro and told me na nasa pinakahuling higaan ito rito sa clinic. Kagat-kagat ang pang-ibabang labi dahil sa kaba, dahan-dahan akong naglakad sa direksyon na itinuro no'ng nurse, and when I got there, Hiro's peacefully lying on his bed at tila natutulog ito. Napatingin ako sa kamay niyang may benda at hindi ko napigilang samaan ng pakiramdam dahil sa nangyari.
"What are you doing here?" tanong nito at dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata niya.
"I..." I couldn't seem to finish my words. Hindi ko alam ang dapat sabihin at pakiramdam ko ay bibigay ang loob ko anytime.
"What?" tila may iritasyong tanong nito. "Kung wala kang sasabihin—"
"I'm sorry..." I said, as my voice began to break, "I'm really sorry."