CHARLOTTE POV
Matapos ang naging tagpo namin ni Hiro sa clinic ay naging abala ako no'ng mga sumunod na araw. Maliban sa papalapit na ang finals namin, kailangan kong asikasuhin ang mga notes ni Hiro dahil may parte sa nangyari sa kaniya na kasalanan ko. Si Caleb na ang inaatasan kong magnotes sa mga klase nila at matapos ang mga klase ko ay isinusulat ko 'yon sa vacant time ko o hindi kaya'y iniuuwi ko sa bahay para roon gawin. Sa dami ng kumplikadong terms sa Architecture, minsan ay nakakatulugan ko ang pagsusulat ng notes ni Hiro. He actually said na hindi ko ito kailangang gawin dahil magiging maayos naman daw ang kamay niya in due time but I insisted dahil may parte sa nangyari sa kaniya na kasalanan ko.
"Kinacareer mo na masyado ang pagsusulat ng notes ni Hiro," ani Annaisha sa akin bago nito inilapag sa tabi ko ang sandwich at softdrinks na ipinabili ko sa kaniya. "Kumusta na nga pala ang kamay ng isang 'yon?"
"Medyo maayos naman na. May iilang times lang daw na nakirot pero bearable naman daw ang sakit," sagot ko. Sa aming lahat kasi, ako ang may pinakakomunikasyon kay Hiro at maging sa school nurse na nag-aasikaso rito. Si Caleb kasi ay abala umattend ng lectures nila, sina Annaisha at Sarah naman ay bihira makapunta sa clinic kada nandoon si Hiro.
Kapag nasa bahay nila si Hiro, I am doing my best to remind him tungkol sa mga gamot na kailangan nitong inumin. Maging sa magiging therapy ng kamay nito ay pinaaalalahanan ko pa siya dahil pinipilit niya na hindi niya kailangan ang gano'ng bagay. Sa mga gano'ng pagkakataon, nagiging masaya na rin ako dahil kahit papaano ay nakakausap ko na siya.
"Buti nga kamo at hindi nagreklamo iyong mga magulang ni Hiro kundi naku, may kalalagyan talaga si Leon," saad naman ni Sarah.
Right after the incident, nagharap ang mga magulang nina Hiro at Leon sa counselor's office. Doon namin nalaman na mismong si Hiro ang nagsabi sa mga magulang niya na huwag na palakihin pa ang nangyaring insidente.
Napatingin ako sa orasan ko nang tumunog ang alarm na sinet ko sa cellphone ko. Agad kong pinatay ang alarm at nagtipa ng message para kay Hiro dahil oras na ng pag-inom nito ng gamot niya.
To: Hiro
Meds time. Huwag kalimutan :))
After few minutes, he replied.
From: Hiro Dela Vega
Paano ko makakalimutan kung lagi mong pinapaalala? Silly.
Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako dahil sa reply nito. Kung magkasama lang kami, paniguradong tinatarayan na ako nito dahil sa palagi kong pagpapaalala sa kaniya.
"Ay! Ay! Ay! Grabe naman ang ngiting 'yan. Ngiting comeback na ba this?" sabi pa ni Annaisha na may himig ng pang-aasar sa tono ng pananalita nito.
Napailing-iling na lang ako habang nangingiti pa rin at inilapag nang muli ang cellphone ko sa table. Dahil si Caleb ang bakante ngayong lunch, siya ang kasama ni Hiro sa pagkain. Mamayang hapon ay dadaan ako ulit sa clinic para maibigay kay Hiro ang mga notes na natapos ko na isulat lalo pa at kailangan din niya ang mga 'yon dahil sabay-sabay naman kaming magfafinals.
"Totoo nga ang kasabihan ano? No matter what happens, the heart will want who it wants," ani Sarah. "Sino ba naman ang mag-aakala na dahil lang sa graham balls ay magkakaroon kayo ng ganitong koneksyon ni Hiro, not to mention itong mga problema ninyo nitong mga nakaraan. With that kind of connection, parang kahit anong mahirap na ibato sa inyo, kakayanin ninyo."
Pinisil ko nang bahagya ang pisngi ni Sarah. "Huwag tayong mag-assume ng mga bagay-bagay at baka masaktan tayo nang wala sa oras," sabi ko. "Hiro and I were just...friends."
I heard how Annaisha hissed. "Kahit sino na nakakakilala sa inyo ay hindi maniniwala na friends lang ang turing ninyo sa isa't isa. Aminin, kinikilig ka na rin kapag nakakasama mo siya."
Hindi ko na sinagot pa ang sinabi nito at nagfocus na sa mga natitira kong subjects para sa araw na ito. Pagsapit nang uwian, gaya ng nakagawian ay nauna akong umalis ng classroom kesa kina Annaisha at Sarah. Tinext ko rin si Caleb at nagsabi ito na kinailangan na niyang iwan si Hiro kanina. Nabanggit din niya na balak muna ni Hiro na tumuloy pansamantala sa apartment nito na malapit sa school dahil hassle para sa kaniya na bumabyahe nang malayo. Nagpasalamat ako rito bago ko itinago ang cellphone ko.
Dalawang magkakasunod na katok ang ginawa ko. Gaya rin ng nakagawian ay pinagbuksan ako ng nurse ni Hiro at saka pinapasok. Hindi pa man ako nakakarating sa pwesto ni Hiro ay rinig na rinig ko na ang pagtawa nito at ng isa pang babae. Nagpaalam sandali ang nurse ng clinic na may kailangan siyang puntahan kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. I took slow steps para pumunta sa bed na okupado ni Hiro and I saw him laughing with a girl—as expected dahil na rin sa boses na naririnig ko kanina pa.
Isang maliit na ngiti ang ibinigay ko sa kanilang dalawa at nginitian din ako no'ng babae. May kung ano naman sa mga mata ni Hiro na hindi ko mabasa.
"Pasensya na sa istorbo. Ibibigay ko lang sana ang notes ni Hiro," saad ko at saka iniabot sa babae ang mga notes na natapos ko. Kinuha naman niya iyon at inilagay sa side table ni Hiro. "Kasama na rin diyan ang notes na hiniram ko kay Caleb. Nasabihan ko na siya na sa 'yo niya na lang kunin," dagdag ko at saka muling nag-iwas ng tingin.
The girl chuckled a bit. "I'm sorry, I was kind of rude for not introducing myself. By the way–" she lend me her hand, "–I'm Thalia Eirenne. You are?"
"Cha," sagot ko at saka tinanggap ang kamay nito. Sunod kong tinignan si Hiro na seryoso pa ring nakatingin sa akin ngunit hindi ko kayang tagalan ang pagtitig dito kaya agad ko ring iniiwas ang mga mata ko. "Iwan ko na muna kayong dalawa—"
"Thalia, I think you should go," ani Hiro na pumutol sa dapat ay sasabihin ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito sa kaibigan niya. Maging si Thalia ay tila hindi makapaniwala sa narinig but later on, she smiled as she grabbed her shoulder bag.
"I'll see you tomorrow, then," ani ng babae at saka tinapik sa balikat si Hiro at umalis.
Nang maiwan kaming dalawa ay bumalot ang katahimikan sa clinic. Hindi pa rin bumabalik ang nurse kaya hindi ko alam kung paano ko iiwan si Hiro rito nang mag-isa.
"Sa apartment ko na muna ako uuwi," ani Hiro sa akin.
I hummed a little. "Nabanggit nga sa akin ni Caleb."
Muling lumukob ang katahimikan sa aming dalawa. Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. I kept on taking secret glances on him, only to find him na nakatitig lang sa direksyon ko.
"Are you..." he started. Hinintay ko ang kasunod no'n ngunit tila ayaw na niyang dugtungan. "Nothing. Nevermind."
Tumayo na ito at inasikaso na ang mga gamit niya. Lumapit naman ako para tulungan siyang magligpit ng mga kailangan niyang iuwi lalo na ang mga notes niya dahil may kabigatan ang mga iyon.
But to my surprise, when I was busy on fixing Hiro's notes, his arms snaked into my waist. Nakabackhug ito sa akin habang ang ulo niya ay nakapatong sa balikat ko. Hindi ko napigilan ang kung anong kiliti na naramdaman ko sa tiyan ko dahil sa ginagawa nito. Maging ang paghinga niya malapit sa leeg ko ay tila may kung anong kuryenteng ibinibigay sa akin.
"Hiro..." I called.
"Please, just stay with me kahit ilang minuto lang," he said. "Gusto ko munang umuwi ulit sa 'yo kahit ngayon lang because after everything that happened between you, me and our families, I still want to go back to you."