FITS 21

1210 Words
CHARLOTTE POV "So, what's the catch? Okay na kayo?" Annaisha asked me habang nakasandal ako sa may sink sa banyo at hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya.Kasalukuyan itong nag-aayos ng sarili niya habang ako ay nakatingin lang sa kaniya. "Parang gano'n na nga pero hindi pa hundred percent. We both agreed to try to heal from the things na nagbigay ng sakit sa amin," sagot ko. No'ng araw na niyakap ako ni Hiro sa clinic, do'n ko lang ito nakausap nang maayos at masinsinan. Doon ito humingi ng chance sa akin na maayos namin ang lahat kung sakali at maibalik naman sa dati ang kung anong mayroon kami. I told him na magiging mahirap na ibalik sa dati ang lahat dahil sa laki ng gulo na nangyari sa pagitan naming dalawa but we'll try. Sasamahan ko siyang sumubok dahil gaya niya, ayon din ang gusto kong mangyari. I want us to go back to what we used to be like. "Kahit papaano, masaya pa rin ako para sa 'yo, Cha," ani Annaisha. "Sa dami ng pinagdaanan mo sa buhay, I can't blame you na natakot kang sabihin kay Hiro ang lahat. Naiintindihan ko because I've seen you from your best version to the worst version of yourself. But this time, if you can, please take some risk and be honest na lang din. Hindi naman lahat ng tao, iiwan ka. Piliin mo lang kung kanino ka magtitiwala." Nagpasalamat ako sa paalala ni Annaisha sa akin at inaya na ako nito na lumabas ng banyo. Agad naman akong tumalima dahil sa ilang minuto lang ay magkakaroon na kami ng panibagong klase. Kumpara sa mga nakaraan ay nagagawa ko nang makapagfocus nang sobra ulit sa pag-aaral. Kahit papaano at paunti-unti, bumabalik na ang sigla ko na makipagsabayan sa klase. Hindi rin naman nawala sa akin ang mga katagang sinabi ni Annaisha. I was too scared dahil sa mga nangyari sa nakaraan ko. Too scared that I forgot to see the goodness in Hiro, na nakalimutan kong makita na hindi siya gaya ng iba na iiwanan ako. Too sacred that I forgot to trust him wholeheartedly. Nang dumating ang lunch time ay nakasabay na ulit namin sina Hiro at Caleb sa pagkain. Wala sina Sarah at Stephen dahil pareho silang parte ng Student Council at abala sila para sa nalalapit na pagtatapos ng semester na 'to. "Kumusta ang kamay mo?" tanong ko kay Hiro na kasalukuyang nasa tabi ko. "Mas okay na. Iyong sugat lang talaga ang napalalim kaya sumakit nang todo 'to," he said. "Hindi ko kasi napansin na matulis pala 'yong taas ng metal fence. Hindi ko rin naibalanse ang bigat ko kaya 'yan." Nang makita kong maglalagay na ito ng ointment sa parteng nasugatan sa kamay niya ay kinuha ko ang lalagyan no'n at nagboluntaryo na ako na ang maglalagay. Hindi na ito nakipagtalo pa at hinayaan na lang ako na gawin ang bagay na 'yon sa kaniya. "How's you...and your mom?" Natigilan ako sa ginagawa dahil sa tinanong nito. Sandaling nagtagpo ang mga mata namin pero agad akong nag-iwas at ipinagpatuloy ang paglalagay ng ointment sa sugat nito. "Hindi pa kami nagkakausap nang maayos," pag-amin ko kasabay ng kung anong parang kumurot sa dibdib ko. Hindi ko magawang makausap si mama dahil halata rito na umiiwas siya na kausapin ako. Madalas nga rin ay wala ito sa bahay. Magigising ako na nakaalis na siya, ngunit matutulog din ako na wala pa ito sa bahay at nasa trabaho pa. Kada susubukan kong kausapin ulit ito, palagi nitong sasabihin na pagod siya at bahala na ako sa gusto kong gawin. Pilit akong ngumiti nang makita ko ang lungkot sa mga mata ni Hiro. "Ikaw? Kumusta na family mo?" pagbabalik ko ng tanong. "Dad promised na hindi na niya ulit gagawin ang bagay na ginawa niya. If he will, mawawala kami ni mommy sa kaniya," aniya. I showed him a subtle smile. "I am glad to know na magiging maayos ang family mo. You deserve that." "I hope one day, you can meet my mom, Cha—" Halos maibuga ko iniinom ko dahil sa biglang sinabi ni Hiro sa akin. He wants me to what? Meet his mom? Paano kung may alam ito sa mga nangyari? Paniguradong aayawan nito na nakakasama ko ang anak niya. Sino ba namang nanay ang magiging kumportable knowing na ang kaibigan ng anak niya ay anak ng babaeng naging kabit ng asawa niya? I forced a smile. "We'll see." Mas lumawak ang ngiti nito at saka ginulo ang buhok ko. As of now, ayokong mangako kay Hiro. Ayokong saktan itong muli dahil pakiramdam niya ay natatraydor ko siya. Nakisalo naman kami sa usapan nina Caleb at Annaisha matapos ang pag-uusap namin. May panaka-nakang pagkakataon na napapatingin ako kay Hiro dahil masayang makita na tumatawa na ito kahit papaano. Masaya rin para sa akin na kahit papaano, unti-unti nang naaayos ang lahat. Hindi man bumalik sa dati, kuntento na ako basta okay kami. Nagboluntaryo pa sina Hiro na ihahatid nila kami sa classroom namin kaya hindi na ako nagtaka nang marami na namang mata at bulong-bulungan kaming narinig sa paligid. People will believe what they want to believe kaya hinayaan ko na lang ang senaryong iyon. Naunang pumasok si Annaisha sa room namin habang ako ay naiwan pa sa labas para magpasalamat kina Caleb at Hiro dahil sa effort nila. Akmang papasok na ako sa room nang may muling humawak sa palapulsuhan ko. Nang tumingin ako sa likuran ko ay roon ko nakita ang nakangiting si Hiro. Nakita ko rin kung paanong dumistansya si Caleb dahil mukhang may sasabihin ang kaibigan niya. "May sasabihin ka pa ba?" tanong ko. "Thank you for the things that you did for me no'ng nasa clinic ako," aniya. Para namang may humaplos sa puso ko nang marinig ko ang pagpapasalamat nito sa akin. "Simpleng bagay lang naman 'yon kaya hindi mo kailangang magpasalamat," saad ko. "Isa pa, anuman ang ginawa ko, responsibilidad ko 'yon st ginusto ko rin naman. You're my friend and somehow, may parte sa nangyari na kasalanan ko." I heard how he hissed at sa gulat ko ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. Parang may mga paru-paro na naghuhurumintado sa sikmura ko nang muling magtama ang mga mata naming dalawa. He's staring at me nang walang sinasabi kaya pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko dahil sa ginagawa nito. "I didn't have the chance to tell you this kahit pa no'ng nagagawa nating magsolo sa clinic but I want you to know that..." he breathed as another comforting smile streaked on his lips, "hinding-hindi kita iiwan." As much as I want to be happy after hearing that, alam kong mahirap panindigan ang salitang iyon kaya mas kinabahan ako at natakot. That phrase was easier said than done. Para sa akin, masyado pang maaga para sa mga gano'ng pangako. Doon naman pumasok sa isip ko ang sinabi ni Annaisha. I smiled a bit. "Hindi mo kailangang gawin o pilitin ang sarili mo na manatili, Hiro—" "Just this once, Cha, trust me," pagpuputol nito sa dapat ay sasabihin ko. I looked into his eyes without saying another word. If only he knew na kaya mas matindi ang takot ko ay dahil sa sobrang pagtitiwala ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD