CHARLOTTE POV
"Let's go to an amusement park."
Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga nang mabasa ko ang message ni Hiro sa akin. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko at kinurot ang sarili para masigurong hindi ako nananaginip and yes, everything was real. Agad akong nagtype ng reply para sa kaniya, asking if anong mayroon at nag-aaya ito. May espesyal na okasyon ba? Birthday niya ba ngayon?
From: Hiro
Nothing. Gusto ko lang makabonding ka ulit, Cha.
Napalabi ako dahil sa sinabi nito, but then pumayag din ako sa imbitasyon niya dahil wala naman akong ginagawa at gagawin sa araw na 'yon. His last text informed me na susunduin niya ako rito sa bahay namin. I couldn't help but asked him kung ayos lang ba sa kaniya na gawin iyon and when he answered yes, doon ko lang nagawang pumayag sa gusto nitong gawin.
Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga para makapag-umpisa na sa pag-aasikaso rito sa bahay muna at mamaya ay mag-aasikaso na ako ng sarili ko. Nang matapos ako sa paghihilamos at toothbrush, nagsimula na akong maglinis ng kwarto ko. Sabado ngayon at nasaktuhan na may event ang mga professors sa school kaya wala kaming pasok. Still, I was stunned na inaya ako ni Hiro na lumabas. This was supposed to be his rest day yet here he is, isasama ako sa lakad niya sa amusement park.
Pagkatapos sa kwarto ko ay isinunod ko ang kwarto ni mama, ang sala, kusina at ang pinakahuli kong nilinis ay ang banyo. Sunod kong inasikaso ang pagluluto. As usual, wala rito si mama. Kung nasaan ito ay hindi na rin ako sigurado. Hindi na rin ako naghahanap at nagtatanong dahil baka mapagalitan na naman ako nito. Habang hinihintay ko ang pagkaluto ng kanin sa kalan, tinext ko si mama na aalis ako mamaya kasama si Hiro. Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi ito nagrereply. Nagchat din ako sa kaniya para magpaalam pero sineen lang ako ni mama.
Inilapag ko na ang cellphone ko at muling gumalaw ng kung ano-ano sa kusina para abalahin ang sarili. Hindi na bago sa akin na ganito kami ni mama but everytime na may mangyayaring ganito, nasasaktan pa rin ako. Mukhang kahit ilang taon pa kaming magsama, pabigat pa rin ang tingin nito sa akin at hinding-hindi na iyon magbabago.
Nang maluto na ang kanin at ulam na inihanda ko para sa akin ay kumain na ako mag-isa at sinecure ang mga natirang pagkain sa taguan para may makain si mama mamaya kapag umuwi na ito. Pagkatapos no'n ay paghuhugas naman ng plato ang ginawa ko at saka ako muling bumalik sa kwarto kopara magpalipas ng oras. Ang usapan namin ni Hiro ay before lunch kami magkikitang dalawa para sabay na lang na kumain sa kung saan man kami pupunta. It was his suggestion. I don't know too if I should consider this as a date. Kung tutuusin siguro ay gala lang ito para sa kaniya and I'll do the same dahil ayokong umasa sa bagay na 'yon.
Nag-asikaso na ako ng sarili ko pagpatak ng 10:30am. Ayokong maging pa-VIP masyado kapag dumating si Hiro at ayoko rin na may tao akong pinaghihintay kaya hindi bale na na maaga basta hindi niya ako maaabutang hindi pa nakaayos. Nakakahiya naman kung ako na ang inaya tapos magpapahintay pa ako.
I pulled out a simple black jogger pants and topped it with a gray-colored shirt. Kinuha ko rin ang isa sa mga denim jacket at sapatos kong puti para suotin mamaya. Naglagay ako ng kaunting cheek tint sa pisngi at labi ko at saka hinayaan lang na nakalugay ang buhok ko. When I checked the time, it was already 11:20am and Hiro texted me that he's on his way. Nagpabango na ako at saka dinala ang sling bag kung nasaan nakalagay ang cellphone at wallet ko, while silently hoping na hindi mahal ang pumunta sa mga gano'ng lugar.
From: Hiro
I am here. You can come out now. :)
I took one last deep breath bago ako lumabas ng bahay. Sinigurado ko munang nakakandado na ang pinto bago ko nilabas si Hiro. Nakita ko itong naghihintay sa akin habang nakasandal sa kotseng dala-dala niya. Simpleng khaki shorts naman ang suot nito at collared white shirt na medyo fit sa katawan niya. Dahil doon ay mas naemphasize ang hubog ng katawan na mayroon ito.
"Hi," I greeted.
He smiled. "Thank you at pumayag kang lumabas kasama ko, Cha."
"Wala 'yon, wala pa naman akong gagawin pero ano..." Napakamot ako sa ulo ko, "sana hindi mahal sa pupuntahan natin kasi medyo budget na ang pera ko."
He chuckled at saka pinisil nang bahagya ang pisngi ko. "Ako ang bahala so don't worry," aniya.
Inalalayan niya akong sumakay sa kotse niya bago ito umikot para sumakay sa driver's seat. Isinuot ko na rin muna ang seatbelt ko bago nito binuhay ang makina.
"Bago tayo tumuloy sa pupuntahan natin, may kailangan muna tayong puntahan," saad niya.
"Saan?"
He looked at me as another smile formed on his lips. "Sa kung saan nagtatrabaho ang mama mo. Hindi kita naipaalam sa kaniya kaya pupuntahan natin siya."
"Hiro—" he cut me off.
"Don't worry about me. Tinatanggap ko na ang nangyari. Kailangan ko pa ring respetuhin ang mama mo, Cha so sit back and relax."
Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang ito sa gusto niya. Habang nasa byahe kami, I couldn't stop myself sa pagtingin dito. Hindi ko alam na may kagaya niya sa mundo. I am amazed on how his family molded him to be this kind of man. My mother almost destroyed his family, yet here he is, handa pa ring irespeto ang mama ko sa kabila ng ginawa nito sa bagay na pinakainiingatan niya. Nag-iwas ako ng tingin nang mahuli ako ni Hiro na nakatingin sa kaniya. Inilipat ko sa labas ng sasakyan ang tingin ko para iwasan na ang pagtingin sa gawi nito. Hiro, how can I stop myself from liking you when you are this good?