CHARLOTTE POV
Hindi ako mapakali sa pwesto ko habang kausap ni Hiro si mama sa kung saan ay medyo malayo sa akin. Hindi ko alam kung ipinagpapaalam lang talaga ako nito o may iba pa siyang sinasabi kay mama. Whatever it is, may tiwala naman ako kay Hiro. Nang matapos sila ay muling pumasok ng bar ang nanay ko, samantalang si Hiro naman ay nakangiting lumapit sa akin.
"She said yes, but I have to bring you back before 10:00pm," aniya.
Napanguso ako dahil sa sinabi nito. "Hindi naman tayo aabutin nang 10:00pm sa amusement park, Hiro," saad ko.
"Let's see," aniya. Muli niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya at agad naman akong tumalima sa pagsakay roon. Sumakay na rin ito ng driver's seat at nang matapos ako sa pagsiseatbelt ay muli na niyang binuhay ang makina ng sasakyan.
"Hindi naman sa nagiging tsismosa ako pero ano pang napag-usapan ninyo ni mama?" hindi ko napigilang maisatinig. They were talking for like a whole 8 to 10 minutes. Kung para lang sa pagpapaalam ang buong oras na 'yon, I won't believe him.
"She asked me kung ano bang intensyon ko sa 'yo," he said. Agad naman na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. "Your mom cares for you, Cha. Siguro hindi niya lang naipapakita but she does."
"Sorry pa rin at natanong ka ni mama ng gano'n," ani ko bago ako yumuko para mag-iwas ng tingin sa kaniya. I felt his hand on my head at ginulo niya nang bahagya ang buhok ko.
"Don't worry about it, masaya rin naman ako na tinanong ng mama mo ang bagay na 'yon. At least, I know I still have the chance to prove myself to her na malinis ang intensyon ko sa 'yo. In that way, she won't worry about you."
Hindi na ako umimik pa at tumingin na lang ulit sa labas ng bintana. Hiro's the first guy who treated me like this. Hindi ako sanay sa pakiramdam ng ganito but everytime his mouth speaks words like that, pakiramdam ko ay hindi na nawawala ang mga paru-paro sa sikmura ko. My heart flutters, too. I really thought he won't be able to like me kapag nalaman nito ang buhay na mayroon ako but no. He's accepting everything about me wholeheartedly. He was courageous enough to do that.
Hindi ko napigilan ang mapangiti. When I was still a kid, my father always reminds me na huwag akong magsesettle sa lalaking bare minimum lang ang kayang ibigay sa akin, and that I should always remember na hindi porke nagawa akong iwan ng nanay ko, the rest of the people who will come into my life will leave me, too. When he died, I got scared, hurt and angry. Nagalit ako sa lahat because life acted like a b***h who wanted to take everything away from me—first, my chance of having a complete and a happy family. Next, my mom, and then, papa ko. It acted like I don't even deserve to be happy kaya paulit-ulit niya akong sasaktan. Seeing that a person like Hiro is more than willing to accept the scars I have in my own body, I am hoping against hope that life wouldn't take him away from me.
"We're here," saad ni Hiro. Napatingin ako sa labas and I saw that we're in Star City. Nauna itong lumabas kesa sa akin at umikot sa gawi ko para buksan ang pinto at alalayan ako. I thanked him bago ako muling nag-alala dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman mura ang entrance fee sa lugar na 'to.
"Hiro, masyado atang mahal dito. Baka pwedeng sa iba na lang tayo pumunta," pabulong kong saad. I heard how he chuckled as he held my wrist.
"Sino naman ang nagsabing pagbabayarin kita? Ako ang nag-aya so everything's on me, Cha," aniya. "Just be happy and enjoy your day off sa acads, okay na ako roon."
Akmang tututol pa ako nang maglagay siya bigla ng hintuturo niya sa bibig ko at saka ako iniling-ilingan na parang bata. We shared a peal of laughter after.
Pumila na kaming dalawa para makabili ng pass para sa mga rides na nandoon. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako makakapasok ng Star City. Hindi ko ugali ang gumastos ng pera sa mga ganitong lugar dahil may perya naman sa barangay namin kada piyesta.
Gaya ng sinabi ni Hiro ay siya nga ang nagbayad para sa pass naming dalawa. Nang makapasok na kami ay muli niya akong hinawakan sa palapulsuhan ko dahil na rin sa dami ng tao sa lugar.
"We'll eat first then pahinga bago tayo magrides," aniya.
"Sige."
Tumalima lang ako sa kahit saan pupunta si Hiro. After all, he knows this place better than I do. Nang makarating kami sa linya ng mga kainan ay nakita kong malapit iyon sa tinatawag nilang Pirate Adventure. Nagpaalam sandali si Hiro para umorder ng makakain. Habang wala ito ay naeenjoy ko naman ang tumingin sa mga taong nagtatawanan habang pasakay sila sa mga bangka-bangkang naroon. Napapangiti ako lalo pa kapag may nakikita akong mga batang tuwang-tuwa sa pagsakay roon, at ang iba ay excited din para sa oras na sila naman ang sasakay.
"Gusto mong sumakay riyan?"
Agad na napunta sa gawi ni Hiro ang tingin ko. Ni hindi ko namalayan na nakabalik na ito sa pwesto niya. Inilapag nito sa mesa ko ang pagkaing dala-dala niya.
Umiling ako. "Nag-eenjoy lang ako na panuorin sila. Growing up, wala akong mga ganyang karanasan so seeing a child happy makes me happy, too."
"You have a soft spot for kids. That's cute," aniya. "Kumain ka na muna. Sayang sarado ang ibang stalls kaya ito lang ang nabili ko."
I hissed. "Pakiramdam ko ay mahal nga itong binili mo tapos sasabihin mo na ito lang?" hindi ko napigilang magtaray dahil sa sinabi niya.
Natawa naman ang loko. Hindi ko rin alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko. "Am I that whipped for you kasi kahit nagsusungit ka, ang cute-cute mo sa paningin ko."
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong pisngi ko dahil sa sinabi niya. Bakit ba parang napakadali sa isang 'to ang bitawan ang mga gano'n salita?
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga rants namin sa acads at buhay habang kumakain. There was no dull moment the entire time that I was talking to him. Hiro knows how to uplift the conversation and I am grateful because of that. Tawa lang din ako nang tawa sa mga biro nito at sa mga kalokohang ginagawa nila ni Caleb sa department nila. Nasabi niya rin sa akin na kung may matino man daw sa kanilang magkakaibigan ay si Stephen lang iyon dahil nangunguna silang dalawa ni Caleb sa kalokohan.
Nang matapos kaming kumain ay muli akong hinawakan ni Hiro sa palapulsuhan ko. Napangiti naman ako dahil doon at saka tumalima sa kung saan siya pupunta. He went to the game kung saan ay kailangan niyang makashoot ng pitong bola mula sa sampung bola na ibibigay sa kaniya para makakuha ng malalaking teddy bears. Noong una ay mukhang sinadya nitong laruin ang pagtira dahil halos walang pumasok sa sampung bola na ibinigay sa kaniya. Tila tuwang-tuwa naman iyong nagpapalaro nang magbayad ulit si Hiro para sa isa pang round. The color in his face faded nang magawa ni Hiro na i-shoot ang sampung bola nang walang mintis. Ang kinuha nito ay ang isang teddy bear na nakasuot ng basketball jersey. He went for another round to get another bear na may ribbon sa kaniyang ulo. Hindi na siya pinayagan na maglaro ulit pagkatapos no'n dahil parehong grand prize ang nakuha ni Hiro. Pareho kaming tawang-tawa nang makalayo kami roon.
Iniabot nito sa akin ang teddy bear na nakasuot ng basketball jersey at saka niya niyakap ang teddy bear na may ribbon sa ulo.
"Kapag wala ako at mabigat ang nararamdaman mo, yakapin mo lang si Hiro," aniya.
"Ha?"
"Your bear. I am naming him Hiro," he answered. "Hindi sa lahat ng pagkakataon, kasama kita. Kaya kung wala ako at kailangan mo ng sasalo sa 'yo, Hiro will be there to catch you."
"So, ang pangalan ng teddy bear mo ay Cha?" saad ko na nagbibiro.
He hummed a little at saka tumango. "This will be my baby bear Cha para kapag down din ako at wala ka, alam kong may sasalo sa akin."
"In that case..." I patted the bear's head kung nasaan ang ribbon nito, "take good care of Hiro, Cha. Make him feel better lalo pa kapag kailangan niya ng masasandalan. Life's harsh, so be his comfort ha?"
Malawak ang naging pagngiti ko matapos kong kausapin ang teddy bear na hawak-hawak ni Hiro. Nang mapatingin ako sa gawi nito ay hindi ko naman mabasa ang ekspresyon niya.
"Why are you looking at me like that?" tanong ko.
He showed me a smile at saka ako hinila palapit sa kaniya para yakapin ako.
"In everything you do, palagi mo akong nasosorpresa," aniya. "Thank you, Cha."
Pabiro ko itong kinurot sa tagiliran niya. "Nasasanay kang yakapin ako," saad ko. "Sa susunod, magpapabayad na ako para sa yakap na kinukuha mo."
"Kahit magkano," tila pagsakay nito kaya natawa ako. Thank you, Hiro...for making me feel na posible pang sumaya ako.
"Pagkatapos natin dito, may gusto akong tao na ipakilala sa 'yo," saad ko. Humiwalay ito sa pagkakayakap at saka ako tinignan.
"Anak mo?"
"Loko!" asik ko. Tinawanan naman niya ako at saka ito tumango.
Ipinagpatuloy na namin ang pag-iikot sa park at pagsakay sa mga rides, and all the time that I was with him, my heart's being hopeful. I hope that what we're feeling right at this moment won't end...and fade.