CHARLOTTE POV
Halos mag-a-alas sais na nang makaapunta kami sa isa pa naming destinasyon dahil masyado kaming nawili sa amusement park na pinanggalingan namin. Sobrang memorable ng first amusement park experience ko, thanks to Hiro.
Nauna na ako sa paglabas ng sasakyan ni Hiro nang makarating kami sa libingan kung saan naroon si papa. Hinintay kong makalabas ito ng driver's seat at nang makababa na ito at nakalapit na sa akin, I held him on his wrist at saka siya hinila papunta sa kung nasaan ang puntod ng tatay ko.
Madalas kung bumisita ako rito, maliban sa mga panahon na kasagsagan ng midterm o finals ko. As much as possible, gusto kong napupuntahan si papa para magsabi sa kaniya ng mga nangyayari sa akin—maganda man o hindi. Even though he's not here physically, alam kong nakikinig ito sa lahat ng sinasabi ko because he's like that. No matter how bad things get, he will listen to me.
Umupo ako sa may damuhan nang makarating kami sa puntod ni papa. Nilinis ko naman muna ang nitso nito dahil may iilang dahon na nahulog doon. Naramdaman ko naman ang paggalaw ni Hiro at ang pag-upo nito sa tabi ko.
Lumingon ako sa kaniya at saka siya binigyan ng isang ngiti. "Hiro, I want you to meet my father," saad ko.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito matapos ang sinabi ko. "Hello po, tito. I am Hiro," aniya. "Huwag po kayong mag-alala kay Cha dahil sasamahan ko po ito anuman ang mangyari."
Kagaya ng nakasanayan ko ay nagkwento ako kay papa ng mga bagay na hindi ko nasabi sa kaniya dahil hindi ako nakakadalaw nitong nakaraan. All the time na nagkikwento ako, Hiro was there beside me. For once, his presence highlighted the fact na hindi ako nag-iisa.
Nang matapos ako sa pagkikwento ay humingi si Hiro sa akin dahil gusto niya raw kausapin si papa. Natatawa naman akong napatayo at saka lumayo nang sapat lang para hindi ko marinig ang sasabihin nito. Kitang-kita ko ang pagiging seryoso ng mukha ni Hiro mula sa gawi ko. When his eyes met mine, nginitian ako nito kaya ngumiti ako sa kaniya pabalik. Ilang sandali pa ay natapos na rin siya at tinawag na ako ulit para lumapit sa puntod ni papa.
"Ikinwento mo kay papa mga kalokohan ko 'no?" pabirong tanong ko. "Kidding aside, thank you kasi hanggang dito, ramdam ko 'yong respeto mo sa magulang ko. Kahit iyong ginawa mo kanina kay mama ay hindi ko inexpect."
"Don't think highly of me, Cha. Ginawa ko lang ang bagay na normal namang gawin ng isang lalaki sa magulang ng babaeng gusto niya," he uttered casually.
Hindi ko alam kung saan ako titingin matapos marinig ang sagot niya. Hindi rin bago sa akin na narinig ang mga katagang gusto niya ako, but everytime na maririnig ko 'yon, pakiramdam ko ay parang unang beses ko pa rin 'yong narinig mula sa kaniya, na tila hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang gaya ni Hiro Dela Vega na isa sa mga sikat na estudyante ng school namin at isa sa pinakamagagaling na varsity player ng department nila maging ng buong school ay nandito sa harapan ko at sinasabing gusto niya ako. I mean...sino ba naman ako? Dakilang medyo may pagkalampa na nakatapon ng graham balls sa quadrangle.
"Thank you, Hiro."
He chuckled a bit. "You should learn how to refrain from saying thank you sa mga bagay na deserve mo, Cha," saad nito. "Don't settle for less just because naiisip mo na hindi ka worth it mahalin nang sobra dahil sa buhay na mayroon ka o sa pagkatao na mayroon ang mama mo. After all, tao ka pa rin and every human being deserves to have a genuine and pure love, something that lasts for a lifetime."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o isagot sa sinabi nito. I didn't know na nababasa niya na ako sa gano'ng aspeto. Malungkot akong napangiti at napabuntong-hininga dahil natumpak nito ang nararamdaman ko. I am indeed treating myself so low dahil pakiramdam ko ay wala akong deserve sa buhay ko, lalo pa kung usaping makakapagpasaya sa akin. Happiness is something that I couldn't attain in this life dahil sa isang beses na magiging masaya ako, tripleng lungkot at sakit ang kapalit no'n. If I want to be happy, dapat ay handa rin ako sa kaakibat na sakit no'n, but what's unfortunate is that, pagod na ang puso kong masaktan.
"No matter how you view yourself, you are worthy to be love," ani Hiro nang hindi ako sumagot at saka nito bahagyang pinisil ang ilong ko gaya ng nakasanayan niya. I hissed because of what he did at saka hinilot ang parte ng ilong ko na pinisil niya. "Now that I already met your dad, tingin ko oras naman na para mameet mo ang family ko. Mom will surely love to meet you, Cha, kaya sana mapagbigyan mo ako kapag libre ka."
I smiled. "Bukas libre pa ako kasi prolly sa exam week, baka nga ni magkita sa school ay hindi na natin magawa," ani ko at saka natawa.
I saw how he pouted his lips at saka umiling-iling. "Asahan mong may manggugulo sa building ninyo," aniya. This time, it was my turn to shake my head habang ang ngiti sa labi ko ay hindi na maalis-alis. "Hindi uso sa akin na patahimikin ang buhay mo, Cha kaya dapat ay masanay ka na."
"Loko ka. Magfocus ka rin sa exams mo at huwag puro dalaw sa department namin. Para kaming kakainin ng iba sa paraan ng pagtingin nila kapag nandoon kayo nina Caleb sa building namin, eh," saad ko.
"I'm sorry, Cha, but you have to face the consequences of making me like you this much," aniya. Binatukan ko naman ito nang bahagya dahil sa kalokohan niya. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa matapos ang kulitan namin at sabay kaming napatingin sa langit, pinagmamasdan ang ganda ng langit dahil sa pagkinang ng bawat bituin at sa liwanag na ibinibigay ng buwan. "Cha..." he called.
"Hmm?"
"Can I hold your hand?" he asked.
Napatingin ako sa kaniya at saka ako natawa nang bahagya. "You've been holding me mula pa kanina, Hiro—"
"I did held you by your wrist, not by your hand," he said, cutting me off. Nang tumingin ito sa akin ay nagtama ang mga mata naming dalawa. Bumilis naman ang t***k ng puso ko nang diretso niya akong tinignan sa mga mata ko, and when his hand met mine, pakiramdam ko ay muling nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko. "I hope I can hold you like this forever."
Tanging ngiti ang naibigay ko sa kaniya at saka inilapat ang mga daliri ko sa kamay nito na nakaintertwine sa kamay ko. Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak and I realized that I am hoping the same thing as Hiro. I hope...you won't let go of my hand.