CHARLOTTE POV
Panay ang sipat ko sa sarili ko sa harap ng salamin dahil hindi ako mapakali sa kung ano ang itsura ko. Pakiramdam ko ay sisilaban ako anytime dahil sa kabang nararamdaman ko. Ngayon kasi ang punta namin ni Hiro sa bahay nila. I will meet his family, pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa akin ng pamilya niya knowing na may hindi magandang karanasan ang tatay ni Hiro sa mismong pamamahay namin.
"Are you okay? You seem tensed," tanong sa akin ni Hiro habang bumabyahe kami.
I forced a smile. Ayokong pag-alalahanin pa ito sa nararamdaman ko. He's happy and positive about this, ayokong sirain 'yon. "Oo, okay lang. Medyo puyat lang kasi ako dahil may binasa ako sa isang major subject namin," pagsisinungaling ko.
He chuckled at saka nito ginulo ang buhok ko gamit ang kanang kamay nito. "Napakasipag mo mag-aral 'no? I aspire to be like you. Hindi kasi ako nakakatagal sa pag-aaral dahil feeling ko lullaby ang binabasa ko at nakakaantok," aniya.
"Sadyang kailangan lang din mag-aral kasi ayoko naman bumagsak ngayong isang sem na lang at gagraduate na ako," sagot ko.
"Wala na akong mabibisita sa school kapag grumaduate ka na," saad niya at saka tumingin sa akin. Oo nga pala, mauuna ako sa paggraduate dahil apat na taon lang ang kurso ko samantalang limang taon ang kaniya. "Hindi bale, bibisitahin kita sa kung saan ka man magtatrabaho."
Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa pagiging seryoso ng mukha nito habang sinasabi 'yon. "Paniguradong mabibusy ka sa thesis mo, Hiro," saad ko. "Hindi mo 'ko kailangang bisitahin sa kung saang lupalop man ako mapunta after graduation. Focus on your goals at kapag graduating ka na, imbitahan mo na lang kami," dagdag ko sa tonong nagbibiro.
"Paniguradong imbitado ka," aniya. I shrugged my shoulders as he drove his way again. Tumingin na lang ako sa mga sasakyan sa labas. Noong una ay pinagtitripan kong bilangin ang mga kotseng nakakasalubong namin, but later on, I nodded off.
Nagising ako sa bahagyang pagtapik sa balikat ko. When I opened my eyes, mukha ni Hiro ang bumungad sa akin. Nakangiti rin ito kaya mabilis na nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ako ng upo. Unfortunately, nagkabanggaan ang mga ulo namin ni Hiro kaya sabay rin kaming napadaing sa sakit.
"Ano ba kasing ginagawa mo at gano'n ka kalapit?" pagtatanong ko rito habang hinihimas ang noo ko.
Tinawanan naman ako nito at saka inalalayan palabas ng kotse niya. "I'm sorry. Hindi ko lang din napigilan na mapatitig. Ang cute mo kapag natutulog ka," aniya.
I hissed at saka ito sinamaan ng tingin. He mouthed 'what' at napabuntong-hininga na lang ako. He held my hand at saka ako inalalayan din sa pagpasok sa bahay nila. I was stunned in my place to see how big their house is.
"Kayo lang nakatira rito?" halos pabulong kong tanong.
"Me, mom, dad, and iyong mga nagseserve rito sa bahay," sagot niya. "Don't look at our house na parang ang ganda-ganda niyan sa paningin mo. It's empty most of the time," dagdag nito at saka nag-iwas ng tingin sa akin.
There are two ways to interpret his message, ngunit parehong nakakasakit sa akin ang mga 'yon. It pains me how someone like him can still feel so empty inspite of the life na mayroon siya. Sa nangyari sa pamilya nito, I couldn't blame him. I just hope I could help to mend his brokenness.