FITS 24.2

1262 Words
CHARLOTTE POV Nang tuluyan na kaming makapasok sa bahay nila ay panay ang pagbati kay Hiro ng mga tauhan sa bahay nila. Hindi rin nagtagal ay may isang nakangiting ginang ang lumapit sa amin. Her fashion style screams elegance and I am sure na siya ang nanay ni Hiro dahil na rin sa pagiging hawig nilang dalawa. "You must be Charlotte," ani nito nang tuluyang makalapit sa gawi ko at saka ako bineso-beso. "Hello po," I greeted. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil alam nito ang pangalan ko. "I've heard a lot of things about you, hija. Paborito kang ikwento sa akin ng anak ko," saad pa nito at saka tinignan si Hiro na nasa likuran ko. "Mommy naman, baka mailang si Cha niyan," saad ni Hiro at saka lumapit sa ina para humalik sa pisngi nito. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti at isiping kahit pala ang pamilyang gaya nila ay nakakaranas din ng problema. I mean, come to think of it, akala ko noon kapag mayaman ka, immune ka sa mga problema ng buhay kasi wala namang bagay ang hindi kayang tapatan ng pera but their family is different. Sa kabila ng rangya ng buhay na mayroon sila, nararamdaman nila ang pagiging empty sa isa't isa. "There's nothing to worry about. Napakagandang bata nitong si Charlotte," komento pang muli ng nanay ni Hiro. "Same school kayo ng anak ko, tama ba?" "Opo, ma'am," saad ko. "Ma'am?" She laughed na tila ba hindi ito makapaniwala sa itinawag ko sa kaniya. "Am I that old to be referred to as ma'am? You can call me tita, hija and welcome to our humble abode." Nakaramdam ako ng gaan nang sabihin niya ang mga katagang iyon. She's making me feel at home already kahit pa bago lang ako nakatungtong sa bahay nila. Hindi ko naman tuloy napigilang lingunin si Hiro at mukhang nakuha nito ang tanong sa isipan ko. Sa gulat ko ay umiling siya. Nagiguilty naman na napatingin akong muli sa mommy ni Hiro na malawak pa rin ang ngiti sa akin. She doesn't know na nanay ko ang naging kabit ng asawa niya kaya sobrang warm ng pagwelcome nito sa akin, na nanay ko ang muntikang sumira sa pamilya niya. Pakiramdam ko ay dumoble ang kaninang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam pero parang nagiging kasabwat ako sa pagtatago ni Hiro ng katotohanan mula sa sariling nanay niya. Naputol ang pag-iisip ko nang may pamilyar na boses akong narinig. I was stunned in my place nang muli kong makita ang tatay ni Hiro. Hindi ko naman alam kung paano ako dapat magreact dahil halata sa ekspresyon nito na nagulat din ito nang makita niya ako. Nilapitan siya ng kaniyang asawa at saka inilapit sa gawi namin. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Hiro sa balikat ko nang tuluyang makalapit ang daddy niya sa kung saan kami nakapwesto. "Ito nga pala si Charlotte, hon. I am not quite sure kung nabanggit siya ng anak mo sa 'yo but siya 'yong paboritong ikwento ni Hiro sa akin," pagpapakilala ng ginang sa akin. Isang pilit na ngiti ang kumawala sa tatay ni Hiro at saka nag-abot ng kamay sa gawi ko. "I'm Hiro's father. It's a pleasure to...finally meet you, Charlotte," ani ng daddy ni Hiro. I was left with no choice but to accept his hand dahil ayoko rin na makahalata ang ginang na may mali kung tatanggi ako. "It is nice to meet you po...sir," sabi ko. Mabilis din ang naging pagbitaw ko sa kamay nito. His presence made things awkward for me but I have to do this. Kailangan kong makisama because I don't want Hiro's effort to go to waste. He's anticipating this, ayokong masaktan ko ulit ito so I'll act for now. Aakto ako na wala akong alam sa mga nangyari. Hinila ako ng mommy ni Hiro papunta sa kusina. Doon ay nakita ko ang napakaraming pagkain na nakahanda roon. "Nagpahanda ako nang marami so be sure na kakain ka nang marami ha?" aniya sa akin. Para namang may humaplos sa dibdib ko nang sabihin iyon ng ginang. Ngumiti ako nang malapad at saka tumango. Nakita ko naman ang kakaibang saya rito nang pumayag ako sa gusto niya. When she started preparing the rest of the foods on the table, mas minabuti kong tumulong. "Naku, ang saya-saya talaga magkaroon ng babaeng anak," komento nito at saka ginulo nang bahagya ang buhok ko. Natawa naman ako roon dahil parehong-pareho sila ni Hiro na ginagawa iyon sa akin. Napatingin ako sa may arko papasok ng dining hall at doon ay nakita ko si Hiro na nakatingin sa amin at nakangiti. He waved at me and I smiled at him in return bago nagpatuloy sa ginagawa. Nang matapos kami sa paghahanda ay agad kaming inimbitahan ng mommy ni Hiro para kumain. Doon ko rin nalaman na hindi nila tinatrato na parang ibang tao ang mga kasama nila sa bahay dahil kasabay rin namin silang kakain. That made everything a lot warmer for me. Napuno ng tawanan ang hapag dahil sa kwela ng lahat, maging ako ay tila mauubusan na ng hininga sa kakatawa dahil sa kanila. Nang matapos ang pagkain ay inanyayahan ako ng mommy ni Hiro na huwag munang aalis at pupunta kami sa mini cinema sa bahay nila. She told me to wait on the living room and I obliged. Ngunit pagdating ko roon ay nandoon din ang daddy ni Hiro. He cleared his throat and stood up upon seeing me. "Let's talk," ani nito sa seryosong boses at saka lumabas ng bahay nila. Napabuntong-hininga ako at kahit puno ng kaba ang dibdib ay lumabas ako para kausapin ito. Nang tuluyan akong makalapit sa gawi niya, sa gulat ko ay bigla itong ngumiti. "A-Ano po ang gusto ninyong pag-usapan, sir?" I asked. "I just want to thank you," he said. "Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi ako mamumulat sa naging kasalanan ko sa pamilya ko—lalong-lalo na sa anak kong si Hiro." Hindi ako sumagot at hinayaan na muna itong magsalita. "As you can see, I have an almost perfect family. Siguro nagtataka ka rin, hija, kung bakit ko pa piniling magloko sa kabila ng pamilyang mayroon ako," he uttered at saka ako muling nilingon, "my answer is it was suffocating. Ang ganitong buhay, nakakaubos din minsan. Pero naging makasarili ako at mas piniling gumawa ng imoral na bagay kesa resolbahin ang lahat kasama ang asawa't anak ko kaya maraming salamat." "Hindi n'yo po kailangang magpasalamat sa akin," saad ko. "Okay na po 'yong narealize ninyo ang mali ninyo at hindi na ninyo uulitin ang kasalanang nagawa ninyo. Mabait na bata po si Hiro, kung magkakagulo po kayo, siya ang pinakamaaapektuhan kaya sana bago po kayo gumawa ng isang bagay, isipin n'yo po si Hiro. Mabuting tao po siya, wala rin pong anak na deserve na naiipit sa gulo ng mga magulang niya." A wide smile escaped through his lips. "You like him, don't you?" Agad na nanlaki ang mga mata ko at saka ako dali-daling umiling. Pakiramdam ko rin ay nag-init ang pisngi ko sa tanong na 'yon. "May care lang po ako kasi magkaibigan po kaming dalawa," pagsisinungaling ko. He hummed a little before chuckling. "Boto ako sa 'yo para sa anak ko, Charlotte," aniya na mas ikinahiya ko. He cleared his throat at saka nagpaalam na sa akin para makabalik na raw kami sa loob. Akmang maglalakad na rin ako nang bigla niya akong tawagin ulit. "Pakisabi sa mama mo na pasensya na sa gulong idinulot ko," aniya. Bahagya akong napangiti. "Makakarating po...tito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD