FITS 13

1142 Words
CHARLOTTE POV Dahil wala kaming klase ay napagkasunduan namin nina Annaisha na manuod muna ng practice game nina Hiro. Wala namang bearing ang magiging laro mamaya but I want to see him play. Hindi ko rin siya nakikita nitong mga nakaraan and now that he's back, I want to know if he's okay or not. "Bili na muna tayo ng makakain," pag-aaya ni Annaisha kaya dumiretso na muna kami sa cafeteria. Wala namang masyadong tao kaya naging mabilis ang pagbili namin ng pagkaing dadalhin namin sa gym ng school.  Nang makarating kami sa gymnasium ay marami-rami rin ang taong nandoon. I can't blame them. Palagi namang maraming nanunuod sa basketball team ng school namin—mapa-practice game man o hindi. Kung tutuusin ay sila ang pinakasikat na basketball team sa lahat ng department na mayroon kami. Kada intramurals meet, palaging Architecture team lang ang nakakapuno ng gym dahil sa dami ng mga estudyante na gusto silang mapanuod. Iyong iba ay upang makita ang paglalaro nila at suportahan sila, but there's also a huge part of the population na gusto lang talagang makita ang mga gwapo nilang mukha. Naghanap kami ng mapipwestuhan na malapit sa magiging bench ng grupo nina Hiro. Team 2 ng Architecture department basketball team ang makakalaro nila ngayon. My eyes immediately looked for Hiro nang magawa naming makaupo, and there, I saw him na abala sa paglalagay ng knee support niya. Katabi nito si Caleb na nakaakbay sa kaniya at may sinasabi. It's as if Caleb is cheering him up for this practice game but after Hiro showed him a subtle smile, wala na itong naging kasunod pa. I saw how Caleb sighed at saka nito t-in-ap ang likuran ng kaibigan. Nang magsimula na ang laro, halatang-halata ang pagkaokupado ni Hiro. Ang gaganda ng mga pasa sa kaniya ni Caleb ngunit sa tantsa kong labing walong pasa sa kaniya, tanging lima o anim lang ang naipasok niya sa ring. Their team called a timeout nang medyo lumalaki na ang lamang. Walang ibang sinundan ang mga mata ko kundi si Hiro. He sat down, and his shoulders went up and down as he took series of deep breath. Nakita rin kami ni Caleb at bahagya itong ngumiti sa direksyon namin at saka umiling. Nagkatinginan kami ni Annaisha at saka sabay na napabuntong-hininga. Mukhang maging si Caleb ay walang magawa para aluin ang kaibigan sa nararamdaman nito. Nang magsimulang muli ang laro ay may pailan-ilan nang umaalis dahil sa inis nila sa patapong laro raw ni Hiro. Kahit pa may parte sa akin na naiinis sa mga naririnig ko sa mga bulong-bulungan, I did my best to focus on him. Hindi alam ng mga tao sa paligid namin ang dinadala niya, but we do. Gustuhin ko mang patulan ang mga sinasabi nila, alam kong wala ako sa posisyon para gawin 'yon. Isa pa, if I'll burst, hindi naman iyon makakatulong kay Hiro.  "Guys, mukhang kailangan ko na umalis," pagpapaalam ni Sarah sa amin. Sasagot pa sana ako nang bigla kaming makarinig ng pito and the last thing we know, may violation na si Hiro. "Walanghiya! Wala na ngang ambag si Dela Vega, nagdouble dribble pa!" anas noong katabi ko. "Sabi ko na talaga binubuhat lang ni Caleb 'yang kumag na 'yan, eh! Napakayabang, akala mo naman kung sinong magaling—" Hindi nito natapos ang dapat ay sasabihin niya nang itapal ko sa bibig nito ang hamburger na binili ko. "Napakaingay mo. Ikaw lang ba ang nanunuod sa game nila?" asik ko rito. Hinawakan naman ako ni Annaisha sa braso ko but I've had enough of their bullshits. Alam ko ang pakiramdam na ginagawa kang laughingstock ng marami dahil wala silang alam sa nararamdaman mo and I know how painful that is. "You don't know anything about him yet ang lakas ng loob mo na husgahan siya. Hindi mo ba naisip na baka may problema o pinagdaraanan lang ang tao? Mayabang? May ipagmamayabang naman talaga si Hiro. Ikaw? Maliban sa nauuna 'yang bibig mo kesa sa pag-iisip mo, anong ambag mo? Makapagsalita ka kala mo naman dinaig mo pa si Lebron James sa paglalaro ng basketball, ah!" "Cha," Annaisha called. Doon lang rumehistro sa akin na nakatayo na ako at bahagyang lumakas ang boses ko dahil maraming mga mata ang nakatingin sa direksyon namin. Akmang hahanapin pa ng mga mata ko si Hiro nang may biglang humawak ng palapulsuhan ko at saka ako hinila paalis sa gymnasium. It was him.  Nakatingin lang ako sa kamay niya na nakahawak sa akin habang pinakakalma ang init ng pisngi ko. Hindi ako kinikilig, nahihiya ako sa kaniya dahil sa scene na ginawa ko. Pakiramdam ko ay mas ininis ko ito dahil sa kagagahan ko. Kung hindi lang ako nagpadala sa narinig ko, he wouldn't have to leave the gym.  Nang huminto ito sa parte na wala ng katao-tao at tumingin ito sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin. My cheeks are burning dahil sa sobrang kahihiyan. "Pasensya na," aniya. Narinig ko ang paghinga nito. "Nalalagay ka pa sa alanganing sitwasyon dahil sa mga naririnig mo tungkol sa akin." When I heard his statement, I couldn't help but hissed at saka ito tinignan nang masama. "We're friends and friends are supposed to do that lalo pa kung wala ka roon para depensahan ang sarili mo," saad ko. "They were talking shits about you, pasensya na rin kung hindi ako nakapagpigil. Simula pa lang no'ng first quarter, ang ingay na nila kaya pasensya na kung nadala ako ng inis ko," dagdag ko. "Nasayang tuloy ang hamburger ko dahil sa kaniya. Tsk!" Sa gulat ko ay biglang tumawa si Hiro at saka nito ginulo ang buhok ko. But hearing him laugh is like a breather sa mga oras na 'to. He was so down and knowing that I made him laugh, even just a bit, tila kuntento na ako roon at napapanatag na ang loob ko. "Hiro, it's okay to be sad," saad ko. "Wala ako sa posisyon para pagsabihan ka, but we are here to support you and to cheer you up a little." I tapped his shoulders. "Hindi ka nag-iisa, okay? We're here to tell you na everything will fall back to its right place and that everything will be okay—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya at ikinulong ang katawan ko sa mga bisig niya. My eyes went wide, ngunit sa kabila no'n ay hinayaan ko siyang yakapin ako. Ramdam na ramdam ko man ang init ng katawan nito dahil kagagaling niya lang sa laro ay hindi ko iyon ininda. Gamit ang kanang kamay ay hinagod ko ang likuran niya nang dahan-dahan. If he needed a comfort, I will be his comfort. If he needed a home, I will be his home. I am afraid to admit it but...I think I like him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD