CHARLOTTE POV
Maaga akong nag-asikaso sa bahay pagdating ng weekend. Dahil malapit na ang finals namin, kailangan na naming matapos ang feasibility study na mayroon kami nina Annaisha at Sarah dahil 'yon ang final paper na kailangan naming ipasa ngayong sem. Napagkasunduan naming tatlo na magkikita kami sa bahay nina Annaisha ngayon para gawin 'yon—and hopefully ay tapusin.
Maaga ring nagising si mama kaya naabutan pa ako nito sa pagluluto. Nang matapos ako sa paghahanda ng agahan ay agad ko siyang tinawag para kumain.
"Ma, kailangan ko pa lang pumunta kina Annaisha ngayon. May gagawin po kaming feasib,'" pagpapaalam ko.
"Sige," simpleng saad nito. Hindi na rin ako umimik pa dahil mukhang masama ang gising ni mama. Usually, pagsasabihan ako nito sa mga lakad ko but today's different dahil "sige" lang ang natanggap ko mula rito.
Sinigurado ko munang malinis na ang pinaglutuan ko at nakapaghugas na ako ng plato bago ako pumasok ng banyo para maligo. I took a quick shower at saka nagbihis ng simpleng t-shirt at pantalon. Naglagay lang ako ng kakaunting lip tint sa labi at pisngi ko at saka nagpolbo. Paglabas at pagdaan ko sa kusina ay may perang nakalagay sa mesa. Napatingin ako sa kwarto ni mama at saka iyon kinuha at inilagay sa bulsa ko. Nasanay na rin ako sa gano'ng senaryo. Hindi nito iniaabot sa akin ang pamasaheng ibinibigay niya kaya madalas ay sa mesa ko na lang din ito nakikita.
I opened my phone to check kung may message na sina Annaisha dahil 7:00am na at 8:00am ang usapan namin ngunit tanging "see you" pa rin ni Anna ang huling message niya. I scrolled down to find Hiro's account and when I did, I typed a message for him. Nitong mga nakaraang araw ay palagi itong nauuna sa paggreet ng good morning sa akin, but this time, I wanted to do it first. Masyado pa rin kasi itong pre-occupied nitong mga nakaraang araw.
"Kuya, sa Santa Ana Village po," saad ko sa driver ng tricycle na sinakyan ko.
May panaka-nakang pagkakataon na chinicheck ko ang phone ko, hindi para sa oras, kundi para sa message ni Hiro. Napapabuntong-hininga na lang ako kapag nakikita kong wala pa rin itong mensahe at hindi pa rin siya online. Is he okay? Tama ba ang desisyon ko na hind ito tanungin tungkol sa problema niya?
"Ma'am, nandito na po tayo."
Bumalik ako sa diwa ko nang marinig ang sinabi ng driver. Sa pag-iisip ay hindi ko man lang namalayan na 45 minutes na akong bumabyahe at ngayon ay nasa Santa Ana na ako. Kumuha ako ng isang daan sa wallet ko at saka iyon ibinayad sa driver. Nang makuha ko ang sukli ko ay agad din akong nagpasalamat.
Nilakad ko pa papasok ng village para makarating sa bahay nina Annaisha. Nang nasa tapat na ako ng bahay nila, I messaged her at saka ako nagdoorbell. Tawang-tawa naman ang bruha dahil hindi raw nito inexpect na seseryosohin ko at pupunta ako base sa oras ng napag-usapan mismo. Katatapos lang din kasi nitong maligo nang magkita kami.
"Kumain ka na ba? Magbibreakfast pa lang kami, sabay ka na," pag-aaya ni Annaisha sa akin nang makapasok kami ng bahay nila.
"Salamat pero okay na ako, Annaisha. Kumain ako sa bahay bago umalis, eh," saad ko. "Alam mo na, hindi ako papayagan ni mama umalis kapag hindi pa ako nakapaghanda ng pagkain at nakakain."
Natawa naman ito dahil sa sinabi ko. Kumpara sa akin ay mas angat ang buhay na mayroon si Annaisha. Both of her parents have a decent company job. Ang tanging reklamo nito sa buhay ay ang palaging pagkabusy ng mga magulang niya. Her dream's to have her own restaurant kaya ito nag-HRM, ayon ang sinabi niya sa akin no'ng first year pa lang kami, and when I asked her kung bakit ayaw niyang kumuha ng business courses para sa gusto niya sa buhay, her typical answer is, "I'll learn how to make money out of my dreams if I took a business related program, but taking HRM will teach me how to embrace my passion and learn the basics of managing. I think that's a very valuable lesson rather than focusing on the money."
"Nagsabi si Sarah na baka ma-late siya nang konti," bungad ni Annaisha sa akin na katatapos lang kumain. "Bye mom, bye dad," pagpapaalam nito sa mga magulang niya na mukhang paalis na para sa kani-kanilang trabaho.
"Charlotte, hija, kapag nagutom ka o may kailangan ka, magsabi ka lang kay Annaisha ha?" ani ng mommy nito sa akin.
I smiled at saka tumango. "Sure po, tita. Maraming salamat po at ingat po kayo."
Hindi na rin sila nagtagal pa at umalis na nang magkasama. Nakita ko naman kung paanong napalabi si Annaisha at napasalampak ng upo sa tabi ko.
"Kahit weekends, busy sila 'no?" saad nito.
"Kailangan lang din talaga magtrabaho ng parents mo."
Bumuntong-hininga ito bago ako nilingon. "Alam ko naman pero minsan nakakamiss lang 'yong dating kami. Pareho silang nandito lang sa bahay, magkakasama kaming nagbabonding," tila may lungkot na saad pa nito.
Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin para mapagaan ang loob niya. Hindi kasi kagaya ko ay hindi nasanay si Annaisha sa ganitong set up. Noon naman kasi no'ng hindi pa mataas ang posisyon nina tito at tita sa kompanyang pinagtatrabauhan nila, nasa kanila ito kapag sabado't linggo. Kung minsan nga ay may family day pa sila at palagi kaming imbitado kahit sa mga gano'ng event nila.
"Ay, huwag na nga natin pag-usapan ang about sa akin," aniya at saka tumawa. "Nga pala, alam mo na ba ang tungkol kay Hiro? Nabanggit ni Caleb sa akin ang problema ng isang 'yon."
Mabilis pa sa alas kwatro na nahuli nito ang atensyon ko. Umiling ako sa naging tanong niya. "Hindi ko siya tinatanong kapag kasama ko siya kasi pakiramdam ko maiinvade ko ang privacy niya. Baka rin kasi mamaya, hindi pa siya ready na magkwento edi pinasama ko lang ang loob no'ng tao."
"Naku, huwag mo na raw asahan na magkikwento 'yon ng problema, sabi ni Calebabes ko," dagdag pa nito. "Pero speaking of Hiro's problem, mabigat nga ang dala-dala no'n ngayon. He had to be at their house to comfort his mom kasi madalas daw itong umiiyak. Ang sabi, nalaman daw ng mommy ni Hiro na may kinakabit ang daddy nito."
Napasinghap ako sa narinig. Hindi ko alam kung may karapatan akong marinig ang lahat ng ito ngayon but after hearing what Annaisha said, pinagsisisihan ko na tinatarayan ko pa si Hiro kada ginugulo nito ang buhok ko or if he's trying na makipagkulitan sa akin. The sadness in his eyes that I've been seeing nitong mga nakaraan, ngayon ay alam ko na ang rason and I couldn't stop myself from feeling bad and sad at the same time for Hiro. Something about him really changed nitong mga nakaraang araw at hindi ko naman ito masisisi dahil kahit sino naman ay magbabago kapag nalalaman na may gulo na sa pamilya nila.
Hanggang sa magsimula kami sa ginagawang feasibility study pagdating ni Sarah ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Annaisha. Naaalala ko rin bigla ang lungkot at pagod sa mata ni Hiro. No'ng kasama ko nga ito sa bakanteng lote ay ang tagal din ng naging tulog nito. Kung wala lang din akong klase no'ng hapon ay hinayaan ko na itong matulog nang matulog. After all, I found myself enjoying the view of a sleeping Hiro.
Halos mag-a-alas sais na nang matapos kami sa ginagawa kaya minabuti na ni Annaisha na pakainin kami ni Sarah ng hapunan sa kanila. Tatanggi pa nga sana ako noong una kung hindi ko lang nabasa ang text ni mama na nagsasabing kumain na raw ako diretso sa madadaan kong kainan dahil hindi siya magluluto sa bahay. Wala pa man itong sinasabi ay mukhang alam ko na na may kasama ito at kakain sila sa labas.
Pinahatid din kami ni Annaisha sa driver nila dahil gabi na raw at delikado na magcommute. Nakikipagkwentuhan man ako kay Sarah sa buong byahe ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Hiro. Hindi ito nagreply sa message ko, ni hindi siya nakapag-online maghapon. Maybe he needed some time for himself, too, and I am quite glad that he's giving it to himsef. Sa ngayon, ang tanging mahihiling ko lang ay sana'y okay ito o kung hindi man, sana kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Pagkarating ko sa bahay ay may sasakyan na nakapark sa labas ng bahay namin. Nagpaalam na ako kay Sarah at nagpasalamat sa driver nina Annaisha. Kumawala sa akin ang isang buntong-hininga bago ako pumasok ng bahay. Nasa labas pa lang ako ay rinig ko na ang pag-uusap at pagtatawanan ng dalawang tao sa loob. Nang makarating ako sa sala ay isang panibagong lalaki ang nakita kong kasama ni mama. Umiinom sila ng wine. Mukha ring mayaman ang lalaki dahil sa pormahan nito.
"Good evening po," pagbati ko.
"Siya pala ang anak mo," rinig kong saad ng lalaki.
"Correction, anak ng una kong kinakasama. I am sexy, free and single pa 'no!" Humagikgik pa si mama matapos niyang sabihin iyon.
"Huwag ka na magpasobra sa pag-inom, ma," paalala ko.
I heard her hissed. "Huwag mo 'kong pakialaman at pumasok ka na sa kwarto mo," aniya.
Hindi na ako sumabat pa at in-excuse na lang ang sarili sa kanila ng kasama niya. Kahit nakapasok na ako sa kwarto ko ay rinig na rinig ko ang pakikipagtawanan ni mama sa bagong lalaki niya. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush bago nagpalit ng damit at ibinagsak na sa munting kama ang sarili ko. Tinakpan ko ang tenga ko ng unan at saka inabot ang cellphone ko upang magtipa ng mensahe para kay Hiro. Nang maisend ko ang mensahe ko at nakitang hindi pa rin ito online, pinatay ko na rin ang data ng cellphone ko at saka pumikit.
I don't understand myself kung bakit alalang-alala ako kay Hiro. Maybe because he's my friend—or it was something more than that. All I know is that he's important to me. Ngunit ano pa man ang rason, I hope God will heal him and his heart, and will give him extra courage para harapin ang mga problemang hindi niya nasasabi sa amin.