SAMUELLE KAKALABAS ko lang sa shower, bumungad naman ang mukha ni Rhenz nakasimangot. "May business trip ako this coming monday, baka dalawang araw ako mawawala. May magbabantay sa'yo, at siya na rin susundo sa'yo sa hospital," aniya na gumagayak na ito papasok sa opisina. "Hindi na kailangan na bantayan ako. At saka, kasama ko naman palagi si Louise." "Baka kung saan-saan ka na naman dadalhin ni Louise. At kailangan mo ng bodyguard, Sammy-." Sumabat naman ako. "Hindi ako anak ng bilyonaryo para bigyan ako ng bodyguard, asawa ko." Nitong nakaraan, wagas makatawag ng misis ko. Ngayon, Sammy or Samuelle. Naiinis ako. Dumating lang ang ex niya, nagbago na ang pakikitungo sa akin. Kahit I love you, hindi na niya sinasambit. "Sumabay ka na sa akin, ihatid muna kita sa hospital bago ako p

